2 Chapters Before The Wedding
Lumapit ako kay Junix tapos lumapit din siya sa akin. Hinawakan niya yung mga kamay ko...
"J-junix, matagal ko na 'tong gustong sabihin sa iyo pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan..."
Ngumiti siya. Grabe! Nakakalusaw yung ngiti niya. Anggwapo niya talaga $#@! Makapigil hininga... Hay, sana laging ganito yung distansya naming dalawa palagi... Sana parati kaming magkatabi gaya ngayon...
"Ano ba yang gusto mong sabihin, Rhian?"
"I- I love you... Matagal na akong may gusto sa iyo pero nahihiya ako..."
"Wala kang dapat ikahiya..."
"Bakit naman?" nagtatakang tanong ko.
"Because... I love you, too..."
AHHHHHHH!!!!!
"ANAK! Bumangon ka na diyan! Tanghali na! Late ka na!"
O.O Panaginip lang? PANAGINIP LANG! ayoko na magising! WAAAA!!!
Istorbo naman si mama eh... Bakit ngayon pa niya ako ginising, nabitin pa tuloy yung panaginip ko.. Huhubelsss... :/ >//<
Kailan kaya magkakatoo yun? Sana wala na lang panaginip, sana totoo na lang lahat para hindi na ako umasa. Haysssss... -,-
"Anong oras ka na ba kasi natulog? Nakikipaglandian ka nanaman sa katext mo. Siguro katext mo nanaman yung boyfriend mo 'no?"
"Hay naku, kung meron lang sana..."
"Anong binubulong-bulong mo diyan? Kumain ka na baka ma-late ka pa."
"Opo."
Mag-isa lang ako naglalakad sa hallway ng school building namin. Alam mo yung feeling na angganda ng panaginip mo tapos bigla ka magigising? Nakakapanghinayang... Hindi pa rin ako maka-move-on hanggang ngayon... Tss.
Sana may continuation yun mamayang gabi... Pero mukhang wala na...
BINABASA MO ANG
Speak Now
RomanceIntroduction: Kung sinabi ko lang sana yung tunay kong nararamdaman noon sa kanya, hindi sana aabot sa puntong ikakasal siya sa ibang babae. Pero gaano ba ako nakakasiguro na mahal din niya ako? Di naman diba? Mayaman siya, mahirap ako. Sikat si...