#MeetSummerDawson

75 3 0
                                    

8 Chapters Before The Wedding

Nasa canteen kami ngayon ng lukaret kong bestfriend na si Lorelie. Kahit na may pagkaloka-loka yang baabeng yan, mahal ko yan. Haha!

Marami na kaming pinagsamahan eh. Akalain niyo, mula pa noong high school kami, magkaklase na kami hanggang ngayong college di pa rin kami pinaglalayo ng tadhana... Iniisip ko nga minsan na kami dalawa ang nakatadhana para sa isa't-isa eh. Hangsaya diba? Haahaha!

"Hi girls, it's nice to see you here."

O.O O.O Amerikana ba tong babaeng nasa harap namin? wow ha! Hindi halata!

"H-hello. Sino ka?" tanong naman ni Lorelie. Tumayo siya at kinamayan yung bagong dating na babae.

"Ako si Summer Dawson. Kung hindi ako nagkakamali, ikaw si Adrianna, right?"

"Ah, O-oo. Classmate ka po ba namin?"

"Oo naman. Hindi kita makikilala kung hindi hindi kita classmate." sagot niya sa akin. Nang-iinsulto ba ito o nambabara?

Umupo siya sa tabi ko at saka ako nginitian.

"Naghahanap kasi ako ng kaibigan. Alam mo naman, bago lang ako dito..."

"Pero bago din kami dito. Actually, pare-pareho tayong bago dito sa ICU, freshmen din kami. Hehe" biglang sumabat si Lorelie. May punto ng naman siya dun. Haha! Kaso di naman yata tama na ganunin yung tao na nakikipagkaibigan lang.

"Hayaan mo na sya Summer, ayos lang sa akin na maging kaibigan ka. Basta ba..."

Ngumiti ulit siya. "Basta ano?. . . Libre? Walang problema sa kin yun."

Good! Buti nagkakaintindihan kami. Bwahaahahha! May tagapaglibre na ako. Meet Summer Dawson, ang #AmerikanangTagapaglibre.

"Ano ba gusto niyong kainin?"

"No, thanks, Magta-time na rin eh. Next time mo na lang kami ilibre." Hehe. Pero gutom ako eh. Pano ba yan?

"Okay. Lets go?" tanong niya.

"Ah-eh, okay lang yung burger. Kahit tig-isa kami. Thanks!"

Oo na. Wala nang hiya hiya. Gutom eh, anong magagawa ko? Tsaka ayoko gastusin yung pera ko no? May pinag-iipunan akong cellphone. XD

Hindi rin nagtagal, masaya kaming tatlong kumain ng burger with drinks na nilibre ni Summer. Sabi ko burger lang eh, sinamahan ba naman ng drinks. Hahaha! Pero okay lang. XD libre naman.

Matapos nun, pumasok na kami sa classroom. Magkakatabi kaming tatlo ng upuan, syempre kapag BFF magkakatabi. Tatlo na kami ngayon. Hahaha! Sana madagdagan pa yung barkadahan namin.

*****

Natapos na rin yung klase at sa wakas uwian na! Hahaha! Yun nanaman yung prof namin, si Professor Dimaunahan. Di talaga maunahan dahil siya lang naman ang nangungunang prof sa pagbibigay ng mga quizzes sa aming mga estudyante. #Hangsayadiba?

"Girl, pansin ko lang ha, ilang araw ka nang hindi makatulog dahil sa kaiisip kay Junix. Crush na crush mo siya 'no?" tanong sa akin ni Lorelie. Magkasama kami ngayon habang naglalakad pauwi.

"Kaya nga eh, napansin ko na magmula nong makita ko siya, hindi na ako makakain at makagawa ng assignment."

"Kaya ka nangangayayat eh. Tingnan mo yang mukha mo, may pisngi ka pa ba? Tsaka yang kaiisip mo sa kanya kaya 'di ka nakakagawa ng assignment, tigil-tigilan mo... Imbes na maging inspirasyon, ginawang adiksyon."

"Hoy! Umayos ka nga Lorielie. Kala mo ikaw di ganun ah. Kung naaalala mo pa yung dati first ex mo, ganyan ka rin no? Mas malala ka pa nga eh. Ni hindi ka pumapasok sa klase makita lang siya at masundan sa classroom nila. Tss."

"Manahimik ka nga! Matagal ka yun. Kinalimutan ko na siya. Sa tingin mo, sa dinami-rami ng lalakeng dumaan sa buhay ko, maaalala ko pa ba ang pangalan at itsura niya? Hindi na oy!"

"So kinalimutan mo na pala ako?" Isang lalake ang biglang sumulpot sa harap namin nang hindi ko namamalayan!? Yung totoo? alien ba to at bigla-bigla na lang magpapakita sa amin mula sa kawalan? o sadyang wala lang yung atensyon namin sa aming dinadaanan kaya di namin siya napansin?

Pero sino nga ba tong lalakeng nasa harap namin? O.o

"H-Harrison?"

Natulala lang ako habang nakatingin kay Lorelie. Tama ba ang dinig ko? Siya na ba si Harrison!?

OMG!

Speak NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon