4 Chapters Before The Wedding
"I'm sure! Nangodigo siya! Kitang-kita ng dalawang mata ko na tinago niya sa bulsa niya yung papel!" sabi ko kay Lorelie. Nasa SM kami ngayon, katatapos lang ng exam namin.
"Girl, baka hindi naman kodigo yun? Baka love letter..."
"Love letter!? Sa palagay mo may magbibigay sa kanya nun? Napakalabo! Napakalabo lang ng mata ng magkakagusto dun!"
"Baket? Maganda at matalino naman siya, ugali nga lang. Hahahahha!" sabi ni Lorelie sabay inom ng shake.
"Bahala ka nga dyan, magtitingin na lang ako ng damit dito sa department store."
"Angsama mo Rhian. Balak mo pa akong siraan sa klase!"
Hay naku! Nakasalubong lang naman naming tong Kodigera: Ang madayang babae.
"Baket? Totoo naman ah. Hindi ako nagsisinungaling no!? Kitang-kita ko kung paano mo tinitingnan yung papel sa bulsa mo."
Nagcrossed-arms siya. "Wala ka ngang pruweba eh. Puro ka lang naman dada!"
Aba-aba-aba. Mukhang nagkamali siya ng kinalaban ha...
Syempre, nagcrossed-arms din ako... Bilang pagpapahiya mo sa akin sa klase kanina...
"Shane, shane, shane... Mukha kang tukmol! Ako pa ginawa mong sinungaling! Well in fact, mas mukha kang hindi mapagkakatiwalaan." Isipin niyo na lang tong sagutan namin sa SM HAhahaha! Angdaming taong nakikiusyoso.
Matagal na talaga kaming may alitan ng babaeng to since third year high school dahil sa lalake. Mas pinili ako ng crush niya dati eh, wala akong magagawa kung mas maganda ako. hahaha!
Back to SM XD
"Gaga ka pala eh!" sigaw niya sa akin. "ako ba'y iniinsulto mo!?"
"Hindi ka maiinsulto kung hindi totoo. Umalis ka na nga baka mapatulan pa kita eh."
"Ayokong umalis. Nothing can stop me."
"Oh di wag! Ako na lang ang aalis. Let's go Lorelie."
Maglalakad na sana ako palayo nang bigla niyang hinila yung braso ko... "Hoy! Hindi pa tayo tapos!"
"Bakit ba angtigas ng ulo mo!? Angsarap mong ibigti gamit yang small intestine mo na kasing small ng utak mo!" sigaw ko na lang sa kanya. Angkulit eh.
Ano!? Papalag ka!? Wahahahaha!
"Tara na lorelie."
BINABASA MO ANG
Speak Now
RomanceIntroduction: Kung sinabi ko lang sana yung tunay kong nararamdaman noon sa kanya, hindi sana aabot sa puntong ikakasal siya sa ibang babae. Pero gaano ba ako nakakasiguro na mahal din niya ako? Di naman diba? Mayaman siya, mahirap ako. Sikat si...