The Wedding Day
Pumasok ako sa likod ng simbahan kung saan walang makakakita sa pagpasok ko. Dahan-dahan akong humahakbang papunta sa likod ng mga kurtinang nakalagay sa altar. Haha! andaming pwedeng pagtaguan, sa altar pa. Pero okay lang yun at least walang makakakita sa akin at kita ko lahat ng mga nangyayari sa loob ng simbahan. Nakikitako rin si Junix-my-loves na nakatayo at hinihintay si Summer. Andun din yung mga kamag-anak nila... angsaya naman.. One big happy family na nabubuo lang kapag may okasyon.
At ayun na nga! Nagsimula nang maglakad sa isle yung bride na si Tag-araw este Summer pala. Pero infairness, bet ko yung suot niyang white gown na ginamit pa yata nung namayapa niyang lola.
"Madapa ka sana... Madapa ka sana... Madapa ka sana... Madapa ka sana... Madapa ka sana..." ito yung mga salitang binubulong ko. Madapa sana siya o kaya ay matapilok para mapahiya siya sa harap ng maraming tao.
Pero hinay-hinay lang Rhian... Nasa altar pala ako baka mamaya bigla na lang may paring kumalabit sa akin at sabihan ako ng: "Anak, dahil sa kasamaan mo, ikaw ay mapupuntang impyerno." Naku po!
Nagpatuloy pa siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa altar. Doon, may mga sinabi pa yung pari na mga nakasulat sa bibliya.
Hanggang sa umabot na sa saying of vow. Tama ba? Saying of Vow?
"Summer, tinatanggap mo ba si Junix bilang iyong mapapangasawa at makakasama sa hirap at ginahawa?"
"Opo father.. Opo!"
Tss. -,- Excited pa sa ala-una kung makasagot at halos umabot sa tenga yung ngiti niya...
"Junix, tinatanggap mo ba si Summer bilang iyong mapapangasawa at makakasama sa hirap at ginhawa?"
O.O <-- ganyan yung rekasyon ko habang hinihintay yung sagot ni Junix-my-loves. Dali,,, antagal naman... Sabihin mo na yung sagot mo para matahimik na ako...
Pero hindi pa rin sumasagot si Junix.
"Iho, magsalita ka na.. Uulitin ko... tinatanggap mo ba si Summer bilang iyong mapapangasawa at makakasama sa hirap at ginhawa?"
Huhubels!! O.O
Grabe, angtahimik ng simbahan. Wala nang nagsasalita. Bingi na ba ako o baka ganun lang talaga?
Tama na.. Hindi ko na kayang tiisin pa ito. Last chance ko na to...
Lumabas ako sa kinatataguan ko which is sa silong ng mesang ginagamit ni father sa altar. Tumayo ako sa tabi ni father at kinamayan ko siya. Gulat na gulat siya at muntik pang bitawan yung hawak na bibliya.
Narinig kong nagbulungan yung mga taong nasa simbahan. Nakaharap ako ngayon sa kanilang lahat kaya kitang-kita ko sa mga mukha nila ang pagkabigla! Ganyan ba dapat wine-welcome ang isang magandang babaeng gaya ko?
Sina Junix-my-loves at si Tag-araw naman na parehong nasa harap ko ay gulat na gulat din. Haha!
Lahat sila ay nakatingin sa akin pero ako ay nakatingin lang sa taong mahal ko<3
"Hindi ako yung tipo ng babae na bigla-biglang susulpot para sirain yung kasal niyo... At ikaw Junix, hindi ikaw yung lalakeng dapat na ikasal sa babaeng yan... Wag mo nang sabihin ang salitang 'Opo' tsaka kung maari, wag mo na rin sabihin yung vow mo..."
Nakatingin pa rin silang lahat sa akin. . . Mga natameme. . . Di siguro nila kinaya yung ganda ko na daig pa ang artista. Boompanes sina Marian Rivera at Angel Locsin na parehong taob sa beauty ko! Hahaha!
"Junix, magkita tayo sa likod ng simbahan mamaya paglabas mo. Salamat..."
Hahaha! Kinaya ko yun! Omagash! huhubels!!!
Matapos ko magsalita, tumakbo na ako palabas ng simabhan. Sana walang sumunod sa akin kundi lagot talaga ako... Dumeretso ako sa likod ng simbahan at doon umupo sa bench na naroon.
Tagaktak ang pawis ko dahil sa nerbiyos.
Kung ano man ang mga susunod na mangyayari ay tatanggapin ko na lang nang maluwag sa kalooban. Wala naman akong magagawa eh.
Habang pinupunasan ko yung pawis ko, nakarinig ako ng yabag mg mga paang paparating... At paglingon ko...
Imbes na isang pulis, tindero ng taho, tagabenta ng sampaguita o tagalako ng palamig ang inaasahan kong darating... Iba ang nakita ng mga mata ko <3
BINABASA MO ANG
Speak Now
RomanceIntroduction: Kung sinabi ko lang sana yung tunay kong nararamdaman noon sa kanya, hindi sana aabot sa puntong ikakasal siya sa ibang babae. Pero gaano ba ako nakakasiguro na mahal din niya ako? Di naman diba? Mayaman siya, mahirap ako. Sikat si...