#KiligMuchSaFirstDayOfClass

89 3 0
                                    

9 Chapters Before The Wedding

"S-sorry miss. I didn't mean it." sabi niya habang tinutulungan akong pulitin yung mga libro.

Kung ganyan kagwapo yung nakabangga sa'kin ayos lang kahit araw-araw niya akong banggain. Maputi siya at matangos ang ilong. At yung haircut niya, bagay na bagay sa kanya. Tsaka angcute ng mga mata niya, pati yung lips niya ay kissable na kung pwede lang sana ay oras-oras kong halikan... Grabe! He's hot in his white V-neck Tshirt at jeans na tinernuhan pa ng astig na rubber shoes! Shemay! Alien ba itong nasa harap ko? Bakit ganun ang itsura niya?

"Miss, miss? Okay ka lang ba?"

"Ha!? Ah-eh, okay lang... sorry" tugon ko habang kinukuha yung mga librong iniaabot niya sa akin. Kasi naman eh, lumalabas nanaman yung pagiging malandi ko... -,-

"Ehem, hindi naman siguro kayo nakakaistorbo sa klase ko no?"

Sabay kaming napatingin sa professor namin na noo'y nakatayo sa harap ng whiteboard. Tinitingnan na rin kami nung mga classmates namin. May nagbubulungan, may kinikilig at biglang hinampas yung katabi, meron namang parang wala lang. Nakakahiya naman, first day of class ganito pa ang nangyari. Pero okay lang, napansin naman ako nung gwapong nilalang na nakabangga ko.. Teka, asan na yun?

Tumingin ako sa buong klase at nakita ko siyang nakaupo na sa upuan niya. Whatda! ambilis naman niya pumunta dun. The Flash lang ang peg?

"Pasensya na po ma'am. Sorry I'm late" sabi ko na lang tapos humanap ako ng bakanteng upuan upang doon maupo.

At buti na lang dahil nakahanap ako agad dito sa pinakalikod. Saya no? Sa iisang upuan sa likod ako nakaupo. Wala man lang akong katabi. anebeyen? Kamalasan nga naman. Late na nga, napahiya na sa harap ng klase, at napwesto pa dun sa walang katabi. Pano yan kapag may quiz kami?

"Okay, yung dalawang late na estudyante, kailangan niyong magpakilala sa harap ng inyong mga kaklase."

Ganern? Owkey. Ganun naman dapat talag eh kapag unang araw ng pasukan, nagpapakilala isa-isa. Haha!

"G-Good morning sa inyong lahat. Ako nga po pala si Adrianna delos Santos, pwede niyo rin po akong tawaging Rhian para maikli." 

Nakatayo ako ngayon sa harap nilang lahat. Buti na lang at maayos yung suot kong blouse. Hehe.

"Ayaw namin ng maikli. Gusto namin yung mahaba!" sigaw nung isang babaeng nakaupo sa harap.

Che!  Hindi ko na lang pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita. "Gusto kong maging kaibigan kayong lahat"

Pero yung lalaking bumangga sa akin kanina, ayokong maging kaibigan kasi gusto ko siyang maging ka-ibigan. Hahaha! #BoomPanes!

Sunod naman siyang nagsalita. "Hi, I'm Junix Ramirez. Thank you :)"

Ngumiti siya! Ngumiti siya! angcute ng dimples niya! Ayieee!! <3 Omaygash! Omaygash! Kinikilig nanaman ako! 

(Ayun siya oh, sa Multimedia. Haha! KiligMuch!)

Nag-iinit na yung katawan ko dito sa likod! sana mapansin niya ako at maging close kami! Huhubels!

Sinara ko na yung diary ko nang matapos na akong magsulat. Grabe! Naexcite tuloy akong pumasok sa school dahil sa kanya. Sana araw-araw siyang pumasok para lagi ko siyang makita. hihihi!

Humiga ako sa kama at saka natulog ng mahimbing namahimbing...

"Ghurl, tigil-tigilan mo nga ako sa ganyang kwento mo. Imposibleng may ganung nag-aaral dito. Edi sana kilala ko na diba? Baka naman namamalik-mata ka lang."

Kinwento ko kay Miley Cyrus este Lorelie yung nangyari kahapon. Di niya nakita kasi hindi naman siya pumasok nun eh. Nakipagdate lang siya sa bago niyang boyfriend. Anglandi talaga nitong kaibigan ko. Paano na kaya future ng bruhang to?

Magkatabi kami ngayon sa loob ng classroom. Kami pa lang ang unang dumating Haha! Kahapon late paero ngayon sobrang aga. Ano ba talaga?

"Siguradong sigurado ako Lorelie. Hindi pwedeng magkamali ang mga mata ko. Buong araw ko siyang nakikita kahapon kaya totoo ang sinasabi ko."

"Sige nga, kung totoo, anong pangalan niya at nang mai-add ko sa FB."

"Junix Ramirez. Oh diba? Tanda ko pa? Gwapo kasi. Hahahaha!", 

"Sure ka gwapo yun ah"

"Oo naman. antayin mo kasi siyang dumating mamaya para makita mong hindi ako nagsisinungaling."

"Parang hindi talaga ako naniniwala."

"Edi bahala ka. kung ayaw mo."

Hindi rin nagtagal at isa-isa nang nagsidatingan yung mga classmates namin. So yun, dun kaming dalawa sa pinakalikod. Pero okay lang at least may kasama na ako.

"Oh, asan na yung gwapo?"

"Wait ka lang kasi. Andyan na." Nakita ko siyang pumasok sa pinto kaya nagsitilian na yung mga kababaihan sa classrom.

"Shet! Anggwapo niya Rhian! Akin na lang siya! Ibebreak ko na si Brent mamaya! aaahhhh!!" 

Hala ka dyan? Pati itong kaibigan kong baliw na kanina, ayaw maniwala pero ngayon, nangunguna sa sigawan...

Ayun! Nakita ko ulit siya! Nakakatuwa naman pero hindi man lang niya ako napapansin. Di bale, second day pa lang naman eh. Marami pang araw Rhian, wag ka maubusan ng pag-asa. Mapapansin din niya ako at magiging magkaibigan kami.

Speak NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon