3 Chapters Before The Wedding
halungkat... halungkat... halungkat... Kung anu-ano lang nandito sa locker niya... Notebooks, tablet, Tshirt, pati underwear! O.O halungkat pa more.
"Anong ginagawa niyo dyan!?"
Napahinto lang ako nung may narinig kaming yabag ng mga paa... Mukhang may paparating!! ... Sabay kaming napalingon ni Lorelie.
Huh! Kala ko naman kung sino! Si Summer lang pala.
"Pinaninindigan ko kasi yung pangongodigo ni Shane eh. Kaya heto kami ni Lorelie, naghahanap ng clue para mapatunayan yung mga pinagsasasabi ko kahapon."
"Alam niyo ba na pwede kayong ireklamo sa ginagawa niyo?"
"Alam ko yun pero grades yung nakasalalay dito, pati na rin yung dignidad ko. Chos! Kasi magmumukha akong sinungaling kapag napatunayang hindi sya nangongodigo."
"Pano kung nakita nyo yung kodigo? Anong sasabihin niyo kay ma'am para maniwala siya na kay Shane nga yan? Alangan namang sabihin niyo na kinuha nyo sa locker niya yan edi kayo pa lalong napasama?"
Oo nga no? Baka mapatalsik kami sa school na ito dahil sa pangingialam namin sa locker ng iba. Tss. Hindi talaga ako nag-iisip -.-
Eto ang hirap sa akin eh, bigla-bigla ako nagdedesisyon nang walang pakundangan... Tss. >,<
"He-he-he... Tara, nagugutom na ako. Kain muna tayo sa Ren Bentelogan" bigla ko na lang nasabi.. Totoo naman kasi eh, nagugutom na ako kanina pa.
"Tara, nagugutom na rin naman ako eh." tugon naman ni Lorelie.
Ngumiti lang si Summer. Hehe... Ano na lang kaya ang gagawin namin kapag ibang tao ang nakakita sa amin. -,-
KINABUKASAN,
"Bakit wala man lang akong makitang pruweba na nagongodigo nga siya?"
"Ano ka ba naman Rhian? Dapat 'yang mga ganyang bagay, pinapalampas na yan..."
"Hoy, Lorelie, hindi dapat pinapalampas yan! Ano siya? Sinuswerte? Tayo 'tong naghirap at nagpakapagod magreview tapos siya, mangongodigo lang? Epal talaga yang Shane na yan... Buti andyan si Summer... Haha!"
Nasa Ayala Mall kami ngayon ng napakabuti kong kaibigan. Date namin to, hahaha!
"Lorelie!" -,-
BINABASA MO ANG
Speak Now
Любовные романыIntroduction: Kung sinabi ko lang sana yung tunay kong nararamdaman noon sa kanya, hindi sana aabot sa puntong ikakasal siya sa ibang babae. Pero gaano ba ako nakakasiguro na mahal din niya ako? Di naman diba? Mayaman siya, mahirap ako. Sikat si...