#AwkwardDay

69 2 2
                                    

7 Chapters Before The Wedding

"H-Harrison!?" bigkas ni Lorelie.

Harrison... Tick tock tick tock... Kung hindi ako nagkakamali, siyang yung kauna-unahang ex ni Lorelie.. OMG! Anggwapo pa rin niya! Haha!

"Hi girls. It's only me. Para kayong nakakita ng alien ah. Mukha ba akong Alien?"

Hay naku, kung ganyan lang kagwapo yung mga alien, papayag akong magpakidnap sa kanila at dalhin sa ibang planeta para doon magpalahi. Hahahaha! joke.

"Hindi naman. Mukha ka lang multo na biglang sumusulpot kung saan-saan.", mataray na tugon ni Lorelie.

Grabe naman tong babaeng to. Hindi na nakatugon pa si Harrison dahil dun.

"Sige, mauuna na kami ni Rhian. May pupuntahan pa kami. Bye. :)"

Matapos magsalita ni Lorelie, hinawakan niya yung kamay ko ng mahigpit tsaka niya ako hinila-hila palayo. Leche. kulang na lang kaladkarin ako sa sidewalk. -,-

"Ayoko nang makita pa ang lalakeng yun. Siya lang naman yung unang nakipagbreak sa akin."

"So you mean, kung yung lalake ang nakipagbreak sayo, ikaw ang bitter?"

"Oo naman! Duh? Matapos kong ibigay ang lahat para lang hindi ako iwan tapos ganun pa ang gagawin niya. Bwiset siya!"

Hindi halatang bitter tong bestfriend ko. Hehe. Nagpatuloy pa kami sa paglalakad nang makadaan na kami sa bahay ng babaeng to.

"Oh, sige, dito na ako ha, Mag-iingat ka." paalam niya.

"Sige, bye."

Then nagtuluy-tuloy na ako sa paglalakad hanggang sa may maramdaman akong kakaiba sa ilong ko. Teka, kulangot yata to.

To all readers, Rated SPG po ito.

Marahan kong ipinasok ang aking daliri sa kanang butas ng ilong ko tsaka ko dinudukot yung booger dun. Aba, nakakahiya itong ginagawa ko ah.

Syempre habang naglalakad sa sidewalk, nakayuko ako, nakakahiya talaga eh baka may makakita na nangungulangot ako. XD

>,<

Ayan na! Papalabas na! Nadukot ko na! Yehey! But suddenly,

O.O

May nabangga akong tao. Rhian naman kasi, bakit hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo?

"S-sorry po." tumingala ako para makita kung sino man yung nabangga ko.

Speak NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon