#MidtermExam

65 2 0
                                    

5 Chapters Before The Wedding

"Hayy, ambilis ng araw talaga. Akalain mo yun start na agad ng Midterm Exam bukas! Woah!" panimula ni Lorelie.

"Kaya nga eh. Tuwang-tuwa ka diyan ni hindi pa nga ako nakakapagreview eh -.-" tugon ko naman.

Naglalakad kami ngayon dito sa Trinoma. Palakad-lakad lang, patambay-tambay sa garden para makakita ng mga gwapong pafamous ay este famous. XD Hahaha! Malay natin Hehe. Pero kay Junix lang ako ha. Siya kasi yung araw-araw na dahilan kung bakit ako pumapasok sa school eh maliban sa baon. Echos! Syempre nag-aaral naman akong mabuti para sa future ko at para hindi masayang yung effort ng mga magulang ko >>> XD

"Wahahaha! Hindi ka pa nagrereview? Kawawa ka naman Rhian... Tingnan mo ako, tinutulungan ako ni Brent magreview kagabi. Nagcheck-in kasi kami sa Ren Hotel."

"Nyehh." Muntik ko pang maibuhos yung iniinom kong Coke float na puro yelo. XD "Alam ba yan ng mga magulang mo?"

 

"Yun lang.... Hindi.... Ang paalam ko, gagawa ako ng project kasama ka kaya mag-oovernight ako. Hahaha! Kaya pag tinanong ka ni mama tungkol dun. Umoo ka lang ha. Wag mo'kong ipahamak please? Salamat."

"Wow ha. Ako pa ginawa mong dahilan. Sus. Umayos ka nga dyang babae ka baka mamaya nyan.."

"Baka mamaya buntis ako? Wahaha! Napakalayo sa katotohanan Rhian. Walang nangyari kagabi, grabe ka."

 

"Baka lang naman. Mag-iingat kayo dyan sa pinaggagagawa niyo."

 

"Oo naman. Ako pa! Wala ka bang tiwala sa akin? Wahaha!"

Adik talaga tong si Lorelie. Paano na lang kung may makakita sa kanila? Hay naku! Pero sana review lang talaga ang ginawa nila...

"Lori!"

Sabay kaming napalingon sa kinatatayuan ni Brent. Sumunod pala siya dito? Lumapit si Lorelie at hinalikan siya sa pisngi. Wow naman. Naks!

"Oh, Rhian, maauna na kami ha. Manunuod pa kami ng sine eh." sabi ni Brent na kadarating lang.

So ganun, matapos kong samahan si Lorelie, iiwan nila ako? My ghad!

"Hehe. pasensya na Rhian ha kung hindi kita agad nasabihan. Biglaan kasi eh. Sorry."

 

"Okay lang... Sanay naman na akong naiiwan mag-isa eh." tugon ko na lang sa sinabi nila.

"Kaw kasi eh. Sabi ko maghanap ka na ng boyfie hindi yung nagtitiis ka kay Junix na hindi man lang napapansin yung feelings mo para sa kanya. O di kaya magsabi ka na ng nararamdaman mo para hindi ka mukhang engot na sunod nang sunod sa kanya"-- Lorelie.

Speak NowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon