Last Chapter Before The Wedding
Ayan na! Last Chapter na bago ang pinakahihintay nating kasal!
*Rhian* Ay umeepal nanaman si Author... EPAL!!!!
*Author* Sorry...
*Rhian* Good... ako na nga naagawan eh... Angsakit pala ng ganito... Minahal ko siya ng sobra tapos mababale-wala lang...
*Author* Hmm. Minahal mo nga siya ng sobra... Ang tanong, minahal ka ba niya?
*Rhian* Malay ko! Bakit sakin mo tinatanong yan? Hindi ko naman alam yung feeling niya para sa akin diba?
*Author* kas---
*Rhian* Shut up... Magkekwento pa ako... Nakakaistorbo na tayo sa takbo ng kwento eh. Mamaya nyan tayo pa magkatuluyan. AYOKO! Yuck!
So yun nga, kasama ko si Summer dito sa CR ng mga babae... (alangan naman sa lalake. Common sense)...
Nag-aayos ng laman ng shoulder bag si Summer samantalang ako... Naglalagay ng pulbo sa napakakinis kong mukha.
O.O Shemay! Angganda ko pala! Ngayon ko lang narealize? Actually matagal ko nang narealize na maganda ako, hindi ko nga lang pinapansin kasi gusto ko, yung crush ko ang makapansin... Wahaha! Kasi hindi yata kapansin-pansin kasi anghilig kong magpapansin... Puro pansin...
Gutom na ako. Gusto ko ng pansit... :((( Yung may toppings na eggs... :(
Pero angganda ko pa rin kahit na nagugutom ako... Oo, gutom ako. gutom na gutom sa pagmamahal ni Junix-my-loves na ngayon ay syota na ni Summer Dawson. Hay, wala na akong pag-asa.
"Rhian?"
Hay naku, napakaganda ko talaga. Kung ako lang sana ang author nitong kwento, siguro noong first chapter pa lang, kami na agad ni Junix kaso hindi eh... EPAL 'tong si Mr. Author eh. Pinahirapan pa niya ako. Gusto niya na magsuffer ako ng ganito...
"Rhian..."
Sana talaga dumating sa puntong magkaroon na ako ng maayos na love life... Pareho kami ni Taylor Swift na sawi sa pag-ibig... Huhubels...
"Rhian!!!"
O.O M-may tumatawag ba sakin?
"Rhian? Kanina ka pa siyan nakatingin sa salamin. Ni hindi ka gumagalaw..."
BINABASA MO ANG
Speak Now
RomanceIntroduction: Kung sinabi ko lang sana yung tunay kong nararamdaman noon sa kanya, hindi sana aabot sa puntong ikakasal siya sa ibang babae. Pero gaano ba ako nakakasiguro na mahal din niya ako? Di naman diba? Mayaman siya, mahirap ako. Sikat si...