6 Chapters Before The Wedding
YES! Gabi nanaman! Haha! Oras nanaman ng pagtulog ko XD
Tungkol nga pala sa nangyari kanina, never mind it. Ayaw ko nang maalala pa. Pero dahil sa gusto kong ishare ang date namin ni Junix ~ ~ ~ Blehh.
FLASHBACK
"Ahm, Rhian."
"Yes?" huminto kami sa paglalakad nang bigla niya akong tawagin.
"M-may mantsa ka yata sa palda mo. Sa likod"
"Mantsa?"
Tiningnan ko yung likod ko... O.O May tagos. Naku pooo...
Tumingin ako sa kanya nang nanlalaki ang mga mata. Binilisan kong tumakbo papasok dun sa pinakamalapit na CR.
Agad kong hinanap yung cubicle at saka ako pumasok dun sa nag-iisang nakabukas dun. Bakit ganun? Parang may kakaiba akong nakita dun sa labas? Parang may mali yata.
Naku poooo! Naiihi pa ako. Kaya umupo ako sa bowl para umihi muna saglit.... Shhhhh... Ay! Hindi ko pa pala nala-lock yung pinto. Di bale, mamaya na pagkatapos ko mag-Wiwi.
Pero habang umiihi ako, naramdaman kong may nakatayo sa labas tsaka biglang bumukas yung pinto!
O.O O.O O.O O.O
"AHhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Bastoooooossss!!!!!!!!!!!!!!!!" Bigla kong sinara yung pinto nang may isang lalake kasing nagbukas nun.
Napasigaw pa ako ng malakas! Agad kong inayos yung palda ko tsaka ako tumayo at naglakad palabas ng cubicle. Shemay... Sabi na eh, maling CR yung napasok ko, kaya pala may mali sa pinasok ko. XD
Siguro dahil sa kamamadali ko kaya hindi ko napansin. Tahimik akong naglakad palabas ng CR. Grabe, ang-init ng pisngi ko! Namumula na siguro ako... >.<
Paglabas ko, binilisan kong tumakbo palapit kay Junix tsaka hinila ko siya sa kamay.
"Teka, san tayo pupunta?"
"Basta, ako bahala. Sumunod ka na lang"
"Okay na ba yung palda mo?"
"Hindi pa nga eh."
Dinala ko siya sa isang botique at doon ako tumungin ng maisusuot na blouse at pants. Sinuot ko yun tsaka ko binayaran sa counter. Then lumabas na kami at kumain sa Couz Restaurant.
END OF FLASHBACK
Grabe talaga tong araw na 'to... Pero masaya kasi nakadate ko siya. :)
FLASHBACK Ulit. Panindigan na yung title ng chapter :)
"Nakakatuwa ka." sabi niya sa akin habang sumusubo ng fries. Take note, nakatingin pa siya sa akin :)))
"Anong nakakatawa?"
"No, I mean, nakakatuwa. Hindi nakakatawa." XD
Sorry naman medyo may pagkabingi ang lola nyo eh. :)
"Nakakatawa at nakakatuwa pareho lang yun.. -,-"
"Nope. Magkaiba sila."
"Pano naman sila nagkakaiba?"
Hindi niya sinagot yung tanong ko instead, sumubo siya ng burger at saka tumingin sa malayo.
Sus. Ikakain ko na lang yung tanong ko. Mukhang wala akong makukuhang sagot. Kasi naman eh,. Pareho lang yung nakakatawa at nakakatuwa para sa akin... Sa spelling lang naman nagkaiba diba?
"Naaalala mo pa ba yung unang beses na nagkita tayo?"
Isusubo ko na sana yung spaghetti nang bigla niya yung tanungin sa akin.
"H-Haha! nung nabangga kita sa may hallway. Tama ba? Haha! Naaalala ko yun. Mukha akong tukmol nun eh."
Nagtawanan lang kami at nagkwentuhan hanggang sa magsara yung mall. XD
END OF FLASHBACK
Dahil sa araw na ito, nakilala ko siya nang lubos at naging close pa kami sa isa't isa. Ang saya diba? Hehe.

BINABASA MO ANG
Speak Now
RomanceIntroduction: Kung sinabi ko lang sana yung tunay kong nararamdaman noon sa kanya, hindi sana aabot sa puntong ikakasal siya sa ibang babae. Pero gaano ba ako nakakasiguro na mahal din niya ako? Di naman diba? Mayaman siya, mahirap ako. Sikat si...