CHAPTER 10

338 18 0
                                    

Mia POV

Nagising ako at gabi na pala at nakasakay kami ni Nathan sa kotse. Tatayo na sana ako sa pagkahiga sa hita nya ngunit pinigilan ako nito.

"Mia, magpahinga ka muna. Matatagalan tayo sa paguwi, traffic kasi." Saad nya.

Kaya hindi nako tumayo sa pagkakahiga at pinikit nalang ulit ang mata.
_____________

Nathan POV

Ilang minuto pa ay nakauwi na kami at si Mia ay tulog na tulog pa.
Binuhat ko ito at hiniga sa kama. Tinawag ko rin yung maid namin para linisan si Mia.

Habang nililinisan si Mia ay nandito ako sa baba nagbabasa ng magazine.

"Sir, tapos na pong linisan si Mia." Saad ng maid.

Hindi ako kumibo at tumayo patungo sa kwarto.

Napaka himbing ng tulog nya. Kaya natulog narin ako at niyakap sya.
_____________

Mia POV

Kinaumagahan

Sabi ko na nga ba yayakapin nanaman ako nito. Tinitigan ko ulit si Nathan at ang gwapo nya rin kapag natutulog!

"Tinititigan mo nanaman ako." Saad ni Nathan.

"Hindi ah." Saad ko at iniwas ang tingin.

Patayo na ako pero ang hina ng katawan ko, gusto ko pumasok kaya pilit akong tumatayo.

"Mia wag mo nang pilitin tumayo. At wag ka na rin pumasok." Saad ni Nathan.

"Ayoko, papasok ako, baka magalit si Prof." Pagpipilit ko.

"Baka nakakalimutan mo, kami may ari ng school, hindi ba?" Tanong nito.

"Ay oo nga." Sagot ko at humiga ulit.

"Haysst." Pagbugtong hininga ni Nathan.

"Nathan, gutom na ko." Saad ko. At ngumisi naman si Nathan.

"Mahirap talaga kapag nagugutom ka." Sabi nya at tumayo.

"Teka, bakit mo naman nasabi yan?" Pagtataka ko.

"Kasi ang takaw mo kumain kapag gutom." Sagot ni Nathan.

"Hahaha ganun ba." Tawa ko.

"Tss, kukuha muna ako ng makakain mo." Saad ni Nathan.

"Ok, thank you Nathan." Saad ko.

Nang matapos na ko kumain ay ilang oras lamang, kaya ko nang maglakad. Pero paika-ika pa ng konti. Kasi naman! Hinampas ba naman ako ni Hannah sa binti! Ansaket kaya!
____________

Luis POV

"Absent yung dalawa. Bakit kaya?" Tanong ko kila Paul.

"Kasi nagpapahinga si Mia at inaalagaan naman ni Nathan si Mia." Sabi ni Paul.

"Grabe, ibang iba yung pagmamahal ni Nathan pwera kay Hannah dati." Saad ni Ethan

"Oo nga eh." Sabi ko.

Lumapit sa amin si Anna upang tanungin ang nangyari.

"Ah ano bang nangyari kay Mia? Bakit hindi sya pumasok?" Tanong nito.

"Lapit ka nga dito! Baka marinig ka pa ng iba eh!" Sabi ni ko.

Lumapit sya sa amin at nakinig.

"Kasi binugbog ng Light Squad si Mia. Kaya ngayon nagpapahinga sya." Sabi ko.

"Bakit naman absent si Nathan?" Tanong nya pa.

"Wala pa bang binabanggit sayo si Mia?" Tanong ko.

"Ang alin?" Tanong nya.

"Na nakatira na ngayon si Mia sa bahay ni Nathan. Kaya absent si Nathan kasi inaalagaan ni Nathan si Mia." Saad ko.

"Ah wala pang binabanggit sakin si Mia tungkol dyan. Sige maiwan ko na kayo." Sabi nya.

Shit! Lumakas tibok ng puso ko nung nakaharap ko si Anna! Fvck...

To be continue...

MY GANGSTER CRUSH Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon