Hannah POV
Gosh! Di ko masabi yung nararamdaman ko kay Paul! Tawagan ko kaya. Ay wag pala, sana tumawag sya! sana, Sana, SANA
Nagring ang phone ko at inasahan kong si Paul ito. GOSH! SI PAUL NGA.
Sa phone:
["Hannah, pwede magkita tayo ngayong gabi sa park?"] Payayang tanong ni Paul.
["Bakit?"] Tanong ko.
["May gusto sana akong sabihin eh. Sige na please."] Saad ni Paul.
["Sige."] Sagot ko.
Agad na akong nagbihis at nagayos ng mukha kasi ito na rin yung time na aamin ako sa kanya. Pagtapos ko gawin lahat ng dapat kong gawin ay pumunta na ako sa park. Nakita ko rin si Paul na nanonood ng fountains na may iba't ibang kulay.
"Psst! Paul." Tawag ko rito at lumingon ito.
"Andyan ka na pala." Saad nya.
"Ano yung sasabihin mo? Bilisan mo lang kasi may sasabihin din ako." Saad ko.
"Anong sasabihin mo?" Tanong nya.
"Sabay nalang tayo." Saad ko.
"Sige." Sagot ni Paul.
"In 1,2,3 GUSTO KITA!" Sabay naming saad.
"Ano may gusto ka sa akin?" Sabay ulit naming saad.
"Pero, Hannah gusto mo ako?" Tanong nya at namula ako.
"O-oo." Utal kong sagot.
"So tayo na?!" Tanong nya.
"Sige." Sagot ko. So ayun kami na AYIEEEEEEEE.
______________Ethan POV
Wala akong magawa ngayong gabi, nasa bahay lang ako at kung ano-ano pinaggagawa, sila mom and dad kasi, kumpanya nanaman ang inaatupag. Eh kung tawagan ko si Sofia at magbonding manlang dito, tsk...punta nalang kaya kami sa park, sige sa park nalang.
Kinuha ko phone ko at tinawagan si Sofia.
_____________Sofia POV
Tsk wala ako magawa. Gusto ko gumala kaso wala kong pwedeng kasama.
Sa kakaisip ko, nagring ang phone ko kaya agad ko itong sinagot.
"Si Ethan pala toh." Bulong ko at sinagot ang tawag.
Sa phone:
["Bakit ka napatawag?"] Tanong ko.
["Ahm, wala kasi ako magawa, pwede date tayo sa park."] Saad ni Ethan at napangiti ako.
["Sige, magpapaalam lang ako kay dad, message kita kapag pumayag."] Saad ko.
["Sige."] Saad nya at binaba ang tawag.
Bumaba ako at pumasok sa office ni daddy at nagpaalam.
"Dad pwede po bang pumunta ako sa park." Saad ko.
"Sino kasama mo?" Tanong nya.
"Si Ethan po." Saad ko.
"Sige, magiingat kayo." Saad nya.
"Thanks dad." Saad ko at hinalikan si Dad sa pisnge.
Umakyat ulit ako para imessage si Ethan.
Sa message:
["Ethan, payag dad ko."] Message ko.
["Sige, sunduin nalang kita dyan."] Message nya.
Naghanap na ako ng isusuot ko at pagtapos ay nag antay na ko sa baba.
Ilang minuto palang ay nandyan na si Ethan, kaya nagpaalam na ako kay dad at lumabas.
Paglabas ko ay inalalayan nya ako papasok,
______________Luis POV
Magkasama kami ni Anna ngayon dito sa Park at nakita namin sila Mia at Nathan kaya nilapitan namin ito.
"Nathan." Tawag ko dito.
"Oh bakit kayo nandito?" Tanong nya.
"Bakit? Kayo lang ba pwede magdate dito?" Pabiro kong tanong at ngumisi sya.
______________Paul POV
Naglakad lakad kami ni Hannah at nakita namin sila Ethan at Sofia.
Nilapitan namin ito at nakipag usap ng konti at naglakad lakad ulit.
Kakalakad namin ay nakita narin namin sila Nathan, at Luis. Gulat na gulat si Nathan nang malaman na kami na.
"Paul kayo na ni Hannah??" Gulat nyang tanong.
"Oo." Sagot ko.
"Congrats pre." Saad ni Nathan.
"Guys punta muna ako sa banda roon. Tara Anna samahan mo ko." Saad ni Mia.
"Magiingat kayo." Saad ni Nathan.
_______________Mia POV
Naglakad lakad kami at may mga lalaking humarang saamin at dinukot kami! Marami nakakita kaya maraming nagsigawan.
Pinasok kami sa kotse at umandar.
To be continue...
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER CRUSH
Teen FictionCOMPLETED #35- squad #305- squad #61- squad #53 - squad #51 - squad #51 - squad #787 - squad Date Started: 07-29-2020 Date End: 09-17-2020