Mia POV
Nandito na ko sa kotse ni Nathan, magiimpake na ko, sinasaktan lang kasi ako ng tita ko. Mama ko kasi nagsabi na manuluyan sa tita ko, sinunod ko lang mama ko.
Nang makarating na kami ni Nathan sa bahay, hindi pa ko lumalabas ng kotse, natatakot na kasi akong masaktan ulit.
"Mia, ano pa hinihintay mo?" Tanong ni Nathan.
"Nathan, teka lang, kahit 10 minutes lang, kinakabahan talaga ako eh." Saad ko.
"Sige bebe." Saad ni Nathan at ngumisi.
Kita ko naman tita ko na sabik na sabik makita kung sino ba ang nasa loob ng kotseng toh, alam nyo, tita ko kasi pera lagi ang hanap. Pasilip silip si tita sa bintana, and nang matapos ang 10 minutes ay agad nang binuksan ng driver ang pinto at ako'y lumabas.
"Mia? Bakit sakay-sakay ka ng kotseng yan?" Tanong ni tita.
Bumaba si Nathan at hinakbayan ako.
"She's my girlfriend, Im Nathan Heilburg." Saad ni Nathan.
"Ahh ikaw yung lalaking anak ng may ari ng isang sikat na kumpanya at ikaw ang president ng school ni Mia." Saad ni tita.
"Tita, nandito kami para magimpake na ko." Saad ko.
"Bakit naman?" Saad ng tita ko na bait-baitan sa harap ni Nathan.
"Tita wag ka nang magkunwari. Tita mabait ka sakin kapag may mayaman na nakadikit sakin! Pero actually sinasaktan mo ko." Walang galang na saad ko. Yes, di ako gumalang sobra na kasi eh.
Pumasok na ko sa loob at pinaghahakot ang gamit ko.
"Mia, bakit di mo sinabi na may boyfriend ka?" Tanong ng tita ko.
Hindi ako kumibo at patuloy na nagiimpake.
Nang matapos na ko ay nilagay na sa kotse ang gamit ko at sumakay na ulit."Thanks bebe ESTE NATHAN!" Saad ko.
"Bebe? Kakilig yun ah." Saad ni Nathan.
"Boyfriend ba kita?" Pang uurat ko.
"Oo naman." Saad ni Nathan.
"Wehh." Urat ko pa.
"Oo nga, gusto mo paramdam ko." Saad nya.
"Hayst, baka di kita boyfriend." Panguurat ko pa at hinalikan ako sa pisnge.
"Oh diba boyfriend mo ko." Saad nya.
"Tss, oo na!." Saad ko.
Nakarating na kami sa bahay ni Nathan at umakyat kami sa kwarto. Humiga ako sa kama at feel na feel ko ang pagbabalik.
"Namiss mo ba matulog nang may kayakap." Saad nya.
"Tsk, oo eh." Saad ko.
"Magbihis ka na at kakain tayo." Saad ni Nathan.
"Ok boss." Saad ko at napakunot noo si Nathan.
Agad na akong nagbihis at bumaba para kumain.
"Nathan, asan magulang mo?" Tanong ko.
"Ahh pumunta silang Japan para sa kumpanya." Saad nya.
"Ah ok." Saad ko.
Awit! Masosolo ko si Nathan sa bahay!
Niligpit na namin ang pinagkainan namin, yumakap ng mahigpit si Nathan sakin habang ako'y naghuhugas.
"Nathan, naghuhugas pa ko oh." Saad ko.
"Saglit lang eh." Saad ni Nathan.
Hinayaan ko naman nyang yakapin ako. Saglit lang naman daw eh.
"Nathan tapos na ko maghugas pero yakap mo parin ako, sabi mo saglit lang." Saad ko.
"Hayaan mona. Geh ligo muna ko." Saad ni Nathan.
"Sige." Maikling sagot ko.
Naligo na si Nathan at umakyat na rin ako at humiga sa kama.
______________Nathan POV
Nang matapos ako sa paliligo, pumasok ako sa kwarto ko at si Mia naman ay tulog na, napagod siguro. Iniayos ko na sya sa paghiga at tumabi na rin ako sa kanya, di ko sya niyakap, Hehehe.
Maya maya pa lamang ay si Mia ang yumakap sakin.
"Gising ka pa pala." Saad ko.
"Hindi ka nangyayakap." Saad nya.
"Sorry bebe." Saad ko.
"Bebe ka dyan." Sabi nya pa.
"Oh bakit?" Tanong ko.
"Bala na, tulog na ko good night." Saad nya at yumakap sakin ng mahigpit.
To be continue...
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER CRUSH
Teen FictionCOMPLETED #35- squad #305- squad #61- squad #53 - squad #51 - squad #51 - squad #787 - squad Date Started: 07-29-2020 Date End: 09-17-2020