Hannah POV
Lumuluha ako ngayon dahil sa ginawa ng ex kong si Nathan.
Nagkamali ako! Dapat di nako nakipagbreak! AKIN LANG SI NATHAN!
Pumasok na ko ng room at nakita kong pinupunasan ni Nathan si Mia. Tinarayan ko nalang ito at umupo sa upuan ko.
Dumating si Prof at hawak ang mga papel.
"Class iaannounce ko na ang pinaka highest score at ang pangalawang highest score." Saad ni Prof.
___________Mia POV
At dahil sabi ni Prof na iaannounce na daw ang highest at second highest ay inayos ko na ang buhok ko at pati narin ang pag upo.
"Second highest ay si Nathan Heilburg." Saad ni Prof at iniabot ang papel. Maraming nagpalakpakan pati na rin si Hannah.
"Ang pinaka highest ay si--"
Kinabahan ako ng lalo kasi baka hindi ako ang highest.
"Ang pinaka highest ay si Mia Mendoza." Saad ni Prof na ikinagulat ko. Marami ding pumalakpak kasama si Nathan ngunit si Hannah, tinarayan na lamang ako.
Iniabot ni Prof yung papel sa akin at gulat na gulat ako ng kahit isa WALANG MALI SA PAPER KO!
"Oh my gahd! Nathan walang mali sa paper ko!" Saad ko.
"Sabi sayo, halos isang buong libro binasa mo." Saad ni Nathan.
'Hindi kaya!" Saad ko. At niyakap namin ang isa't isa na ikinamula ng mukha ko. Bigla akong bumitaw sa pagyakap kay Nathan.
"Class, hanggang dito nalang ang klase, good bye." Saad ni prof at nagsitayuan ang lahat at nagpaalam. "Good bye Prof." Saad ng lahat.
In fairness ang aga mag pauwi ni Prof ah.
Habang nag aayos ako ay biglang lumapit sa akin si Anna.
"Ah Mia, di tayo makakapagsabay kasi si daddy magsusundo sakin." Saad ni Anna.
"Its ok Anna, mag iingat kayo." Saad ko kay Anna.
Nauna na si Nathan sa library kasi dun ko day sya pupuntahan.
Pag punta kong library ay si Nathan nalang ang tao don at nagbabasa sya ng magazine.
"Ahh Nathan..." Saad ko.
"Nandito ka na pala. Congrats kanina." Saad ni Nathan.
"Uwi na po tayo. Gutom na rin ako." Saad ko.
"Hmm kain nalang kaya muna tayo sa restaurant." Saad ni Nathan.
"Sige po!" Saad ko.
Sumakay na kami ng sasakyan at papunta sa restaurant na di ko alam kung saan.
"Andito na tayo." Saad ni Nathan.
Napatingin ako at mukhang mamahalin.
"Ah Nathan, dito talaga tayo kakain?" Saad ko.
"Oo, bakit ayaw mo?" Saad nito.
"Ahh kasi...sige na nga tara na..." Saad ko at pababa ng kotse. Natigil ako sa paglabas ng hawakan ako ni Nathan sa balikat ko at namula ako.
"Teka lang Mia." Saad nito.
"Bakit?" Saad ko.
"Gusto mo ba o ayaw mo?" Tanong ni Nathan sa akin.
"Ahh gusto ko, gutom na ko eh, may magagawa pa ba?" Saad ko.
"Tsk!" Saad nito.
To be continue...
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER CRUSH
Novela JuvenilCOMPLETED #35- squad #305- squad #61- squad #53 - squad #51 - squad #51 - squad #787 - squad Date Started: 07-29-2020 Date End: 09-17-2020