Mia POV
Bumaba na ako at sumeryoso ang mukha. Pumasok na rin sa kotse at umandar.
"Maghanda ka anak kasi next week na ang kasal." Saad ni Mama.
"Ma, ilang beses ko po ba sasabihin sayo na si Nathan ang mahal ko at hindi yang lalaking yan!" Sigaw ko.
"Tsk...Landi mo ghorl." Saad ni Emma.
( step sister )⬆️"Ako pa talaga malandi! Eh ikaw yung panay lipstick ang alam! Tapos kung mag suot halos kita na yung bulaklak mo! Tapos umaaligid ka pa sa mga lalaki! Jusko Emma!" Sigaw ko at tinarayan nya ako.
"Mia!" Sigaw ni Mama.
"Itigil nyo na yung kotse! Sa ayaw at sa gusto ko di ako magpapakasal!" Saad ko.
"Hoy Mia! Wala kang karapatang sigawan ako dahil galing ako sa mayamang magulang! Bullshit ka!" Sigaw ni Emma.
"Wala akong pake sa pagkayaman mong animal ka! Di na ko belong dito! Mama! Palitan mo na ang apilido ko para di magmukhang galing ako sa inyo! Wag na wag nyo na akong tatawaging anak! Wala na kong ituturing na pamilya sa inyo! Lahat ng paghihirap ay maglalaho na ngayon! Kung si Emma nalang kaya ang ipakasal nyo! Bet na bet nya naman yun eh! Kahit isang daang lalaki pa ipakasal nyo sa babaeng yan! Bet na bet nya yan!" Sigaw ko at agad akong sinabunutan ni Emma.
"Sige lang Emma! Sabunutan mo ko! Gusto mo patayin mo na rin ako, ako na mismo magbibigay ng kutsilyo!' Saad ko at tinalikuran sila!
"Mia anak!" Sigaw ni Mama.
"Inuulit ko! Wag nyo na kong tatawaging anak!" Saad ko at pinagpatuloy ang paglalakad.
San ako manunuluyan ngayon?
Well, manunuluyan nalang muna ako kila Sofia, si Anna kasi Strict parents at ayaw sa mga nagsisleep over dun, si Hannah naman, parang galit pa sakin magulang nun kaya no choice kay Sofia ako manunuluyan.Nang makarating ako kila Sofia ay agad akong nagdoorbell at lumabas naman ito.
"Mia anong nangyari sayo! Andami mong pasa at napaka bruha mo na!" Taranta nyang saad at pinapasok ako.
Kumuha sya ng maligamgam na tubig at pamunas, pinahiram nya na rin ako ng damit.
"Sofia dahan-dahan lang masakit." Saad ko.
"Ano ba kasi nangyari sayo?" Ulit nya pa.
"Dumating magulang ko, tapos si Emma ayun, lumabas nanaman ang pagkademonyo nya." Saad ko.
"Sino ba si Emma?" Tanong nya.
"Step sister ko." Saad ko.
"Ingat ka ah, kasi alam ko sa mga palabas, ang mga step sisters ay di maganda ugali." Saad nya.
"Hayysst, di na nga maganda ugali ngayon eh." Saad ko.
"Sofia my babe?" Tawag sa kanya.
"Yes babe?" Sagot nya.
Alah sino yun?
"Oh Mia nandyan ka pala." Saad nya.
Ahh ok si Ethan pala.
"Dito ka natutulog Ethan?" Tanong ko.
"Yes, minsan lang naman." Saad nya.
"Ah Sofia, pwede manuluyan muna dito?" Tanong ko.
"Oo naman." Sagot nya.
"Salamat." Saad ko.
Hinandaan ako ng kwarto. Grabe bawat kwarto may aircon! Ang yaman!
Kinabukasan
"Mia! Mia!." Gising sa akin ni Sofia.
"Bakit Sofia?" Tanong ko at umunat.
"Almusal na, tara na." Saad nya.
"Sige." Ikling sagot ko.
Bumaba na ako at nakikain.
"Mia, sabi ni Prof, bakasyon na daw." Saad ni Sofia.
"Ganun ba?" Saad ko.
"Oo." Saad ko.
"Salamat nga po pala at pinatuloy nyo po ako dito. Wala po talaga ako pagtutuluyan ngayon." Saad ko.
"Eh kay Nathan." Saad ni Ethan.
"Kapag dun ako nanuluyan ngayon, di ako tatantanan ng pamilya ko." Saad ko kay Ethan.
"Anong plano mo ngayon?" Tanong nya pa.
"Marami, naiipon na ang mga plano ko, kaya iisa-isahin ko nang gawin ito." Saad ko.
"Mia, kung kailangan mo tulong nandito lang kami." Saad ni Sofia.
"Salamat, wag nyo nalang muna sabihin sa iba na may plano ako." Saad ko.
"Sige. Makakaasa ka." Saad ni Sofia.
Nathan POV
Ilang linggo na, simula nung umalis si Mia, umuwi na rin mga magulang ko. Hindi ko rin naman sinabi sa kanila ang nangyayari ngayon.
_____________Mia POV
May lima akong plano.
Una-Mag train ng karate, taikwando, etc, sa ibang bansa at mag babaksyon na muna ako dun.
Pangalawa-Iibahin ko ng konti ang ugali ko.
Pangatlo-Kailangan makilala ako sa pinaka sikat na kumpanya, kumbaga maging sikat para may panglaban din ako.
Pangapat-Kapag nalaman ni Nathan ang lahat, dun na ko magpapakita sa kanya.
Panglima-Papakasalan ko si Nathan.
____________Nathan POV
Tss, miss na miss ko na ang queen ko, Mia I miss you.
Ano na kaya lagay mo ngayon? Magpakita ka naman, haysst. San ka na ba nakatira ngayon my queen Mia? Kahit ano pang mangyari, hahanapin kita at papakasalan. I miss my queen, I miss you Mia.
To be continue...
BINABASA MO ANG
MY GANGSTER CRUSH
Teen FictionCOMPLETED #35- squad #305- squad #61- squad #53 - squad #51 - squad #51 - squad #787 - squad Date Started: 07-29-2020 Date End: 09-17-2020