CHAPTER 6

379 20 0
                                    

Mia POV

"Ok class, paki sagutan ang nasa papel." Saad ni Prof habang pinamimigay ang papel.

"My gosh hindi ko natapos yung pagbabasa ng libro! Pano na to? Baka may hindi ako masagutan dito." Bulong ko habang hawak ang papel.

"Mia, Sa hinaba-haba ng binasa mong libro kagabi, may hindi ka pa masasagutan? Tsk!" Saad ni Nathan.

Nalakasan naman ako ng loob sa sinabi ni Nathan kaya inumpisahan ko nang magsagot.

Ilang oras pa lamang ay natapos na kami sa pagsagot sa papel at nagring na ang bell, it means recess na.

"Class dismissed." Saad ni Prof.

"Mia sabay na tayo." Saad ni Anna.

"Sige, libre kita Anna." Saad ko.

"Go ako dyan." Saad ni Anna.

"Teka wait." Pagtigil samin ni Nathan.

"Ano?" Masungit kong tanong.

"Wala pala." Saad ni Nathan.

Bwiset! Basag trip!

"Lika na nga Mia." Saad ni Anna.
___________

Anna POV

Sa totoo lang, gusto ko si Luis. Kaso andaming girls na lumalapit sa kanya kaya di ako makalapit.

"Mia, pwede milk tea nalang tayo?" Tanong ko kay Mia.

"Ah sige." Saad ni Mia.

Bumili kami ng small size ng milk tea, hindi naman makapal ang mukha ko para magpabili ng mas malaki.

"Ah Anna balik tayo sa room." Saad ni Mia.

"Ah sige." Saad ko.

Pabalik na kami sa room at nakasalubong namin si Hannah, ang dating reyna ng Dark Squad dahil girlfriend ni Nathan si Hannah dati at natanggal si Hannah bilang reyna ng Dark Squad dahil nakipag break ito kay Nathan at nag transfer sa ibang school.
_________

Mia POV

"Ikaw si Mia, right?" Malditang tanong ni Hannah.

"Ah ako nga." Saad ko.

"Hmm, Anna hayaan mo munang magusap kami ni Mia." Saad ni Hannah.

"Ah ok po." Saad ni Anna.

Bakit ba ang daming natatakot kay Hannah?

"Ah ano pong paguusapan natin?" Tanong ko.

"Bwiset kang Mia ka!" Saad nya at sinampal ako.

Fvck ang sakit!

Naluha na ko dahil sa buong buhay ko, ngayon lang ako nasampal.

"Ano p-po b-bang kasalanan k-ko?" Utal kong tanong at lumuluha.

"Inagaw mo sakin si Nathan!" Sigaw nito sakin.

"H-hindi ko naman-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sinampal nya pa ko.

"Hannah!" Sigaw ng lalaking nasa likod ko at nilingon ko ito. Si NATHAN!

"Bakit mo ginawa yon kay Mia?" Galit nitong saad.

"Shut up! Hindi ka kasali sa away namin!" Sigaw ni Hannah sakin at sinampal pa.

Hinawakan ni Nathan ng madiin ang kamay ni Hannah.

"Tingnan mo nga naman! Yung pagiging siga mo di nawala ah!" Saad ni Hannah, at binitawan ng pagalit ni Nathan ang kamay ni Hannah.

"Wala kang karapatang gawin ang gusto mo!" Saad ni Nathan.

"At bakit? Diba ako ang-" di na natuloy ang sasabihin ni Hannah nang magsalita si Nathan.

"Dati ka lang reyna sa Dark Squad! Pero hindi na ngayon! Mia tara na." Saad ni Nathan at hinatak ako papunta sa loob.

"Yan...Lagot!" Saad ni Ethan kay Hannah.

"Shut up!" Sigaw ni Hannah kay Ethan.

Ngayon ay nakaupo kami ni Nathan sa loob ng room at ako ay nakatungo habang nagiiyak.

"Mia are you ok?" Tanong ni Nathan.

Hindi ako sumagot, at iyak parin ng iyak.
_________

Nathan POV

Walang dapat manakit sa SLAVE ko!

Tumayo ako at paalis na sana ngunit kumapit si Mia sa kamay ko.

"Dito ka lang...natatakot na ko." Saad ni Mia sakin habang umiiyak.

Ang gulo ng buhok ni Mia, pawis na pawis at lumuluha.

Hinawi ko ang buhok nya at inayos. Pinunasan ko rin ang kanyang luha at pawis.

"Mia, bakit ka naman matatakot?" Tanong ko.

"E-eh kasi, s-sa b-buong b-buhay ko n-ngayon l-lang ako n-nasampal ng p-pagkalakas-lakas." Utal utal na sagot ni Mia at patuloy na lumuluha.

"Tsk tahan na." Saad ko habang pinupunasan ang kanyang pawis.

To be continue...

MY GANGSTER CRUSH Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon