1: Strange Guy in a Hoodie

75 3 1
                                    

A/N: Hi guys! This account is where I'll published the continuation of this story from my other account (prett_y_zel) because I can't open it anymore. Please enjoy!

Title: 🌻MAKE A BETTER WORLD🌻
Genre: Science Fiction, Romance, Mystery

Chapter 1: Strange guy in a hoodie

Sobrang antok na ako habang nakatayo sa harap ng school namin. Ngayong pasko kasi napagdesisyunan naming magkakaklase na pumunta sa isang beach resort para narin magcelebrate sa darating na birthday ng aming class president. Lahat kami ay sabik na para dito at hindi na makapagantay, tatlong araw at dalawang gabi din kase kami doon kaya nakaka excite talaga, sino ba namang hindi? Halos wala nga akong tulog sa sobrang takot ko na maiwan dahil alam kong hindi ako magigising ng maaga at hindi nila ako iintayin.

Alas tres palang ng umaga at ako ang kauna-unahang tao dito, three-thirty kasi usapan naming call time, kahit yung mga nirentahan naming dalawang van wala pa. Thirty one kaming magkakaklase, at ang rule namin sa mga may jowa ay hindi nila ito isasama. Ang adviser naman namin inalok namin siya na sumama pero tumanggi siya.

'Edi wag.' Sabi namin, kahit kailan talaga napaka kill joy ni mam. Napakastrikto niya sa amin pero kahit na ganoon isa siya sa pinakamagaling na gurong nakilala ko.

Pumunta muna ako sa gilid ng kalsada at nilapag ang mga gamit ko tsaka umupo. Lumipas ang thirty minutes at sa wakas dumating na yung dalawang van. Walang ganang nakatingin lang ako habang nag paparada sila, hindi muna ako papasok sa loob kase sayang sa gas tsaka malamig pa naman. Ilang minuto pa ang lumipas at konting-konti na lang bibigay na yung mga mata ko kakantay.

"Hi...." Napalingon ako sa nagsalita at nakita ang president namin na si Terrence. Nginitian ko siya bilang sagot, tinatamad akong magsalita. Umupo din siya pero malayo sakin. Tahimik kaming nagintay na dalawa sa gilid hanggang sa isa-isang dumating yung mga kaklase namin.

"SHAAAAAAANNN!" Napangiwi ako. Kahit kailan talaga tong si Aya kahit saang lugar nasigaw, umaga palang yan. Tumingin ako sa kanya bago tumayo at itinaas ko ang aking dalawang kamay para yakapin siya habang siya ay papalapit. Napansin ko din na kasama niya si Nina.

"A-aya naman eeee." Sabi ko ng guluhin niya ang buhok ko imbis na yakapin ako. Inayos ko ito at hinawakan para sure na hindi na niya ito ulit magugulo.

"HAHAHAHA ang panget mo!" Tawa ni Aya. Nginiwian ko siya.

"Ang ingay mo naman.tsk." Inis kong sabi at inirapan siya.

"Huy para kayong tanga." Singit naman ni Nina. Nagkatinginan kami ni Aya at nagpapangit ng mukha. Narinig ko pa ang tawa ni Nina.

"Pumasok na nga tayo sa van baka maagawan pa tayo ng pwesto! Bilis!" Aya niya kaya tumakbo naman kami. Gusto kase naming tatlo yung bintanang part para kita yung view. At ako kailangan na kailangan ko talaga yun kase mahiluhin ako sa byahe kahit walang aircon.

Ending? Si Nina yung nasa bintana, katabi niya si Aya at sunod naman ay ako. Kami ang nasa pinakadulo ng van. Sa totoo lang tuwing kasama ko silang dalawa lagi akong napapangiwi, hay nako. Ang hirap naman maging mabait.

"Uy bahala kayo dyan pag sumuka ako kayo susukaan ko! HAHAHAHA!" Ani ko.

"Edi sukaan mo!" Sabay pa nilang sabi, nagkatinginan silang dalawa at nagpaunahan sa pagkatok. Napailing nalang ako kahit kailan talaga ang kukulit nila, rinig ko pa ang tawanan nila. Tumawa ako at inayos ang upo.

"Matutulog lang ako ha? Wala pa akong tulog e." Paalam ko at um-oo naman sila.

"Sigeee. Wag ka na gumisinggg." Sabi ni Nina na sinangayunan naman ng isa. Napatawa ako ng mahina bago ko ilagay ang earphone ko at pillow neck. Pinikit ko ang aking mata at hinayaan ang sarili na balutin ng kadiliman.
.
.
.
.
.
.
.
Naalimpungatan ako sa ingay at kahit antok na antok pa ako hindi ko na magawang matulog ulit, kaya dinilat ko na ang mga mata ko at napansing may araw na. Pagod kong kinusot ang mata ko at tinignan ang paligid. Yung mga lalaki sa harap ay nag jajamming at grabe makakanta. Kala mo naman ang gaganda ng boses eh. Biro lang. Ayos naman pakinggan pero maingay lang talaga. Inaayos ko ang upo ko at tsaka tinanggal ang earphone sa tenga ko.

Make A Better WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon