6: Birthday Celebration Pt2

30 2 2
                                    

A/N: We started our class this week. We're both online and modular class, and in this week too, our teachers send a total of FIFTEEN ACTIVITIES, so I'm kinda stress right now. But don't worry I've already finished my thirteenth, 1:00 in the morning today. So yeah. Sorry for late update.

Title:🌻Make A Better World🌻
Genre: Science Fiction, Romance, Comedy

Chapter 6: Birthday Celebration pt.2

Magkatabi kami ngayong nakaupo at parehas na nakatulala at hindi na namin binilang pa ang oras. Hindi parin tuluyang pumapasok sa isip ko ang nangyari kanina, the fact na nagkatotoo ang panaginip ko ay talagang hindi kapanipaniwala. At hindi lang 'yon, parehas na parehas sila ng damit at itsura na talagang ikinabagabag ko.

'Paano kung nalunod nga yung bata tulad nang sa panaginip ko?' Hindi ko maiwasang itanong sa sarili ko. I shake my head. Dapat hindi na ako nagiisip ng mga ganon lalo na at ligtas na ang bata ngayon.

Tumingin ako sa sarili ko at kay pres. Medyo natuyo na ang mga damit namin at siguro dapat na kaming magpalit. Bigla kong naalala ang oras at nag alangan kung babalik pa kaming building para magpalit kung nagaantay na sila para sa amin doon. Pinagsaklop ko ang dalawang kamay at nagisip.

Tumingin ulit ako sa sarili ko at tumayo. Ang hoodie na ipinahiram sa akin ni Terrence ay umabot hanggang hita ko at talagang sobrang luwag nito sa akin. Alangan naman na pumunta ako ng ganito mamaya at mukha akong ewan. Kinalabit ko si Terrence, kumurap-kurap siya pagtingala niya sa akin, kinumpas ko ang kamay ko at inaya na siyang tumayo. Walang gana niyang kinusot ang mga mata niya at humikab. Nauna akong bumaba mula sa kubo at tumingin sa paligid.

Hindi na maaraw pero maliwanag padin ang paligid, marami naring tao ang dumadaan daan sa tabi ng dagat para makapagrelax. Tahimik akong naglakad pabalik sa building habang nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ng hoodie. Lumingon ako dahil akala ko hindi sumunod sa akin si Terrence at medyo nahuhuli siya ng dalawang metro sa likod ko. Nagdikit ang kilay ko ng makita siyang ngumingiti habang nakatingin sa dagat.

'Ginagawa nito?' I asked to myself. Kaya huminto ako at inintay ko siyang makarating sa tabi ko. Tumingin siya sa akin at mas lalong lumawak ang mga ngiti. Napangiwi ako. Nakuha naman niya siguro ang ipinapahiwatig ko kaya nagsalita siya.

"Bakit? Masama?" Nakangiti paring saad niya. Umiling ako at bago ako ulit humarap napansin ko ang apat kong kaklase na sina Arthur, William, Joshua at Nathan sa malayo. May hawak silang itim na kumot at sobra ang mga ngisi sa mukha nila. Agad nila akong sinenyasan na magpatuloy sa paglalakad at manahimik na ginawa ko naman agad, humarap ako at naglakad ng parang walang nangyari.

'Sinusundo na yata nila kami.... Shet di pa ako nakakapalit, ang kati na ng buong katawan ko.' Isip ko. Napahagikgik ako ng maalala ang mga mukha nila kanina lang. Mukhang alam ko na ang binabalak nila, dahil may hawak silang kulay itim na tela.

'Parang mga ewan e. HAHAHA!' Tawa ko pa ng maimagine ko ang mangyayari. Nag-abang ako ng ilang mga sandali at nagsimula na sila. Tinakip nila ang tela sa ulo ni Terrence habang nakatalikod at hinawakan ang kamay sa likod para hindi siya makagalaw. Pigil ang tawa kong nakita ang buong kalokohan nila.

"HOY! SINO KAYO?! T*NGINA NIYO! ALISIN NIYO 'TO SAKIN! P*TANG---! DI AKO MAKAHINGA!" Pilit na pagmamakawala ni pres.

"HOY SINO KAYO?!" Pagsabay ko pa sa plano nila. Nagkatinginan kami at pigil na tumawa. Sinimulan na nilang itulak si Terrence para makaalis sa pinagtatayuan pero hindi siya nagpumilit at nagmumura. Muntik na akong mapahalakhak sa ikinikilos niya.

Lumapit naman si Arthur sa tainga niya at bumulong pero rinig parin namin.

"Sumunod ka samin kung ayaw mong masaktan 'tong kasama mo." Sabi niya sa pinakamababang boses na kaya niya, na kahit ako ay kinilabutan at nilagay ang hintuturo niya sa tagiliran ni Terrence. Agad naman siyang sumunod at tumango-tango.

Make A Better WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon