A/N: Seriously, I didn't know that I had this interest to blood and stuff. Anyways I hope ya'll like this chapter!
Title:🌻Make A Better World🌻
Genre: Science Fiction, Romance, ComedyChapter 10: Going Home
"Shan yung ulo mo." Bumaling ang tingin ko kay Terrence ng sinabi niya ito. Napahawak ako sa sugat ko dito at tsaka ko lang naramdamang tumulo na ang dugo nito sa aking pisngi. Para akong napaso kaya agad kong inalis ang daliri ko dito at tinignan. Bumungad sa akin ang pulang-pula na kulay ng likido sa aking daliri, pinigilan ko ang sariling ipunas ito sa aking damit. Nanginginig ang kamay na isinara ang palad at pinatatag ang aking loob. Hindi na ako tumingin sa kanya pero ramdam ko parin ang malalim niyang titig niya sa akin.
"T-tulungan muna natin sila." Tukoy ko sa iba pa naming kaklase. Ibinulsa ko ang susi mula sa aking kaliwang kamay papunta sa aking kaliwang bulsa. Nakayuko akong lumagpas sa likod niya at tumakbo papunta sa kanila. Sumunod siya sa akin habang paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko.
"T*ngina mo wag ka ng gumalaw! Hay*p ka!" Rinig kong gigil na bulong ni Daniel sa lalaking hawak nila. Nagpupumiglas ito at pilit na kumakawala laban sa pitong tao. Dumako ang tingin ko sa biglang gumalaw at nakita ang driver naming tumatakbo papunta sa amin na may hawak na lubid. Tumakbo sa gilid ko si Terrence papunta sa kanya at magalang na kinuha ito at tsaka tumakbo pabalik sa amin. Nais kong tumulong ngunit pinipigilan ako ng takot na nararamdaman ko. Takot na makakawala siya at sasaktan niya ako ulit.
Pinanood ko silang nagtulungan sa pagtali sa kamay paikot sa torso ng matandang lalaki. Medyo natagalan sila dahil sa labis na paggalaw nito pero ng natapos sila, halos hindi na ito makagalaw sa sobrang higpit na pumupulupot sa kanyang katawan. Sinamaan niya kaming lahat ng tingin at tinagalan niya lalo na sa akin. Napagitla ako sa aking kinatatayuan at napaiwas ng tingin. Ngunit kahit na ganoon, ramdam ko parin ang matalim niyang titig sa akin. Napalunok ako.
Marahas nila siyang itinayo at malakas na isinandal sa gulong ng kanyang minamanehong truck. Napadaing siya sa sakit dahil sa mga maliliit na turnilyong bumaon sa kanyang likuran. Lumapit ako sa kanila ng kaunti at pinagsaklob ang mga kamay. Nakapalibot sila sa kanya at tinatanong ng kung anu-ano kaya hindi niya ako mapapansin. Iginala ko ang aking paningin sa paligid at nakitang ang mga babaeng natira sa loob ng van ay lumabas narin. Tumakbo sila papunta sa amin ng may kaba sa mukha. Agad akong nilapitan ng dalawa at tinignan ang kalagayan ko. Umatras ako ng kaunti mula sa iba para magkaroon kami ng sarili naming lugar.
"Shan may sugat ka!" Tarantang saad ni Nina sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso at ininspeksyion ito. Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang tingin namin.
"Patingin nga!" Sabi ni Aya. Aktong hahawakan ang parte ng ulo ko na may sugat at napatigil ng ilayo ko ang ulo ko dito. Binaba ko ang tingin sa semento at pinigilan ang muling nagbabadyang luha sa aking mata.
"Uyyyy! Shan! Wag ka nang umiyak!" Ani Nina at rinig ko sa tono ng kanyang boses ang panginginig nito. Hindi nila alam kung saan ako hahawakan dahil baka madikitan nila ang anumang masakit sa akin.
"Mahal ka namin Shan! Wag ka nang umiyakkk!" Naginginig ding sabi sa akin ni Aya. Kusang tumulo ang mga naipong luha sa aking mata at nagtuloy-tuloy na ito sa pagbagsak. Hindi ko mapigilan ang sarili mapayakap sa kanila at itago ang iyak ko sa iba pa naming kasama. Sumisinghot din sila at niyakap ako pabalik. Tinapik-tapik nila ang likod ko para kumalma. Mas lalo ko silang niyakap ng mahigpit dahil mas lalong tumindi ang nararamdaman ko.
Binubulungan din nila ako ng mga salita na alam nilang makakapagaan ng pakiramdam ko. Nanatili kami sa ganoong posisyon sa loob ng ilang minuto hanggang sa tuluyan na akong kumalma. Kumalas ako sa kanila at pinunasan ang aking natitirang luha gamit ang likod ng aking palad.
BINABASA MO ANG
Make A Better World
أدب المراهقين(A Tagalog Story) When Shanbris Luintene was just a kid she often see some incredible but worrisome things that a normal person can't do. As a child she treated those 'visions' as a gift to her as it always amazed her little innocent mind. Everythi...