A/N: I made the chapter 2 and 3 in my note app since I can't login to my account. That's why I published it both today. Skl.
Title:🌻Make A Better World🌻
Genre: Science Fiction, Romance, ComedyChapter 3: Forgotten Vision
"Grabe Shan sobrang takot ko sayo kanina! Akala ko serial killer yun e!" Napatawa ako sa sinabi ni Nina. Napalo ko siya ng sobrang lakas sa balikat ng hindi sinasadya.
"Aray ko naman!" Daing niya. Tumawa kami ni Aya. Nasa loob na kami ngayon ng building at naglalakad na papunta sa kwarto namin, nakasunod ang tatlong lalaki na kasama namin doon, tahimik na nakikinig sa usapan namin.
"HAHAHAHA bakit ka naman ganyan magisip!? Pero alam mo ba?" Napaisip ako.
"Ang wierd niya pero ang ganda ng mata niya. Noh? Ang ganda! Nakita niyo ba? Kulay blue." Mabilisang sabi ko sa kanila. Totoo naman, lalo na at ngayon lang ako nakakita ng ibang kulay ng mata bukod sa black at dark brown.
"Oo nga, ang astig tignan." Pagsangayon ni Aya. Tumango naman si Nina. Tumigil kami dahil nasa harap na kami ng pintuan.
"Tsk." Rinig naming sabi sa likod. Tumahimik kami kami at umalis sa daan. Naiingayan na yata sila sa amin, lalo na at pagod na ang lahat at gusto nalang na humiga sa kama. Pinauna na namin si pres. dahil siya yung may hawak ng susi, inis niyang binuksan ang pinto na sakto lang ang lakas para hindi maingayan ang ibang tao sa katabing kwarto. Pagpasok niya dire-diretso siyang pumunta sa higaan niya at pabagsak na dumapa dito. Nagkatinginan kaming nasa pinto ng nakataas ang kilay. Bumungisngis sila. Nagkibit balikat ako at ginaya ang ginawa ni pres. pero patihaya dahil bugbog na maghapon ang aking katawan.
"Maliligo pa ba kayo?" Tanong ko sa kanila. Nakapikit ang matang naghihintay ng sasagot.
"Maliligo e gabi na." Banat ni Harry. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Maghuhugas kase noh?" Inis kong sabi.
"Maghuhugas pa maliligo din naman bukas." Sabi naman ni Daniel. Di ko nalang sila pinansin, napabuntong hininga ako. Tumingin ako sa dalawa kong kaibigan.
"Kayo?" Tanong ko.
"Nakakatamad."
"Oo nga."
Inis akong bumangon sa kama, napabuga ako nang malakas sa hangin. Kinuha ko sa bag ang tuwalya ko at mga susuotin.
"Edi wag, kadiri naman kayo. Pawis-pawis tayo kanina eh. Tapos di kayo maghuhugas." Sabi ko at naglakad papuntang cr sa dulo ng kwarto. Mahaba ang kwarto at may tatlo na single bed ang bawat gilid nito. Nasa dulo ang cr, sa dingding nakaharap ang pinto nito at may maliit na bintana din sa dingding. Sa tabi non ay malaking cabinet na lagayan ng damit ng mga bisita. Sa harap naman ng building ang view ng dagat. Hindi gaano ganon ka grande dahil hindi naman namin lahat kayang gumastos ng ganoon. Ang mahalaga lang sama-sama kami at makapagsaya kami ngayong bakasyon.
Pumasok na ako sa cr at siniguro munang i-lock ito bago maghubad. Nang nakita ko ang repleksyon sa salamin ay agad akong napabusangot. Sobrang gulo na ng buhok ko mula sa pagkakatali at wala manlang ni isa ang nagbanggit sa akin. Ang oily pa ng mukha ko. Mabilis kong tinanggal ang tali sa buhok ko sa inis, inayos ko ito at tumuwad para itali ulit pero ngayon ay tinaasan ko at pinaikot-ikot para hindi mabasa. Umayos ako ng tayo, sisimulan ko na sana ang maghugas ng may biglang maalala. Hinawakan ko ang ulo ko ng magkabilaan sa taas ng tainga at may kinapa, pero wala akong nahanap.
'Bakit niya ako hinawakan dito? Baliw ba talaga 'yon?' Isip ko. Binaba ko na ang kamay ko at pumunta na malapit sa gripo at nagbuhos.
Pagtapos kong maghugas, pinatuyo ko muna ang sarili bago magbihis, kinuha ko muna ang gamit kong damit at lumabas. Pagbukas ko ng pinto nakita ko na patay na ang lahat ng ilaw at lahat ay tulog na, mga nakatalukbong o kaya ay nakadapa pa, pwera kay Terrence. Nakahiga siya sa kama, ang kanang kamay ay nakapatong sa kanyang noo, ang kaliwa sa kanyang tyan at nakatitig siya sa kisame. Umiwas na ako ng tingin nang nakita ko siya mula sa gilid ng mata ko na tumingin sa direksyon ko. Nagpatuloy lang ako sa paglakad papunta sa kama ko habang siya naman ay tumayo at kinuha ang damit niya at tuwalya.

BINABASA MO ANG
Make A Better World
Teen Fiction(A Tagalog Story) When Shanbris Luintene was just a kid she often see some incredible but worrisome things that a normal person can't do. As a child she treated those 'visions' as a gift to her as it always amazed her little innocent mind. Everythi...