12: The Start of the Plan

25 2 11
                                    

A/N: Hi guys! I'm sorry for the very late update. I love you guys but I really want to focus on my last Senior year but I just can't lol. Help meeee huhuhu. Btw, last week is our first exam and guess what? I'm 26/50 in my UCSP subject. Congrats to myself.🙂

Title:🌻Make A Better World🌻
Genre: Science Fiction, Romance, Comedy

Chapter 12: The Start of the Plan

'Gagawin ko ba?' Pagdadalawang isip ko kung ipopost ko ba sa aking facebook account ang tungkol sa lalaking natutulog muli sa aking sala. Nang sinabi niya kanina na wala siyang maalala, bigla na namang sumakit ang ulo niya at doon na ako naalarma sa pagkatao niya. Baka hinahanap na siya ng mga magulang niya. At halos hindi na makatulog sa paghahanap lang sa kanya.

Kaso ang isa pang nagpapabagabag sa akin ay ang sinabi niyang isang bagay na pakiramdam ko ay totoo. At tila bang alam ko sa sarili ko na wala itong halong biro.

'I'm from the future.'

Bumuntong hininga ako ng malalim at binura ang nagawa ko nang draft bago ibinaba ang hawak kong cellphone sa kama ko. Tinaas ko ang kaliwa kong kamay papunta sa aking batok at sinimulan itong hilot-hilutin. Sa sobrang tagal kong nakayuko sa pagiisip kanina nangalay na ito. Nang hindi maibsan ang sakit na aking nararamdaman, tumalikod ako at tinanggal ang unan papunta sa gilid tsaka humiga ng malayo ang pagitan ng kamay at paa. Pumikit ako ng ilang saglit at hinayaang magpahinga ang aking buong sarili.

Bigla akong napadilat ng marinig ko ang pagtunog ng aking cellphone, indikasyon na mayroong nagmensahe sa akin. Dali-dali akong umupo at kinuha ito sa aking paahan. Pagbukas ko bumungad sa akin ang chat head ng group chat naming magkakaklase. Pinindot ko ito dahil sa kyuryosidad.

"....nakita niyo ba yung sa balita...." Basa ko ng dahan-dahan, tumaas ang kilay ko sa chat ni Janine dahil wala na itong kasunod at puro question mark pa ito sa dulo. Hinintay ko ang sunod niya pang chat at hindi naman ito nagtagal.

"...yung truck na pinigilan ni Shan kagabi..... may mga patay sa loob...tapos yung mga tao daw na yun matagal na palang nawawala...tapos....yung nagdadrive daw isa sa mga grupo ng masamang organisasyon." Habang pabulong na binabasa ko ang text na punong-puno naman na ng exclamation mark, ay siya ring paglaki ng mata ko. Napasampal ako sa sariling bibig dahil sa nakalap na impormasyon. Unti-unti kong naramdaman ang pagtaas ng balahibo sa buong katawan ko lalong-lalo na sa aking batok kaya taranta akong napalingon sa paligid ng buo kong kwarto.

Dahil sa takot at adrenaline rush na  mabilis na dumadaloy sa aking nararamdaman hinablot ko ng mabilisan ang aking kumot at unan tsaka tumakbo papalabas ng kwarto. Halos madapa na ako dahil sa kumot na sumasayad sa sahig. Dumiretso ako ng sala at tumalon sa pinakamalapit na sopa kung saan natutulog ang hindi ko kilalang bisita. Mabilisan kong binalot ang kumot sa aking katawan na para bang ito ang magsisilbi kong matibay na pangsangga. Niyakap ko ang unan at tumingin muli sa paligid bago ituon muli ang paningin sa aking cellphone.

Parami na ng parami ang mga mensahe at reaksyon ang nababasa ko galing sa isa sa kanila. May halo-halong emosyon, tulad ng pangingilabot na nararamdaman ko ngayon, gulat, lungkot, at inis para sa lalaking nagmamaneho nito.

Hindi ako makapaniwala. At talagang naubusan ako ng salita. Nanginginig kong pnatay ang aking cellphone upang maiwasan ko ang kanilang mga katanungan kung sakali mang meron. Nilagay ko ito sa mababang mesa at tinaas agad ang paa sa aking kinauupuan. Napahawak ako sa aking magkabilang pisngi at sinimulang tumitig sa sahig.

'P*tang*ina.'

Ang tanging salita na lumabas sa aking isipan. Hindi ako makapaniwalang naging totoo din yun. Nung una ay ang bata at sunod naman ay ito. Hindi. Nagkataon lang itong lahat. Coincidence lang ito. Tama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Make A Better WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon