A/n: So no one probably asked for Chapter 2, but here it is. Enjoy!❤️
Title:🌻Make A Better World🌻
Genre: Science Fiction, Romance, ComedyChapter 2: Something Phenomenal
"I've finally found you? Sino ka ba?" Bulong na tanong ko sa lalaki. Pilit kong hinihila pabalik ang kamay ko at naiilang na ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin kaya inilayo ko ang tingin sa mata ng lalaki sa harap ko. Umiling ako at huminga ng malalim, unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako.
"Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" Pilit kong kinakalma ang sarili at irita akong nagmakaawa sa kanya. Nakita kong lumapit si Terrence sa amin at pumagitna, nakataas ang kamay niya na para bang naghahanda na para pag hinigit ako papalayo ng lalaki ay mapipigilan niya agad. Ang mga lalaki naman sa likod ay nakatingin at lumapit ng kaunti habang nakikiramdam sa mangyayari. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kanila. Buti nalang at marami kami dito.
"Mmmph!" Impit na sigaw ko ng nakasarado ang bibig nang biglang tumalikod ang lalaki na hawak parin ang kamay ko na tila ba ay dadalhin niya ako sa kung saang lugar. Nabigla dito ang lahat. Sa sobrang takot ko, hindi ko namalayan na napahawak na ako sa damit ni pres. sa bandang likod.
'Shet sino ba to???' Naiiyak kong isip. Mas lalo pa akong kumapit ng mahigpit sa may damit niya. Na sa sobrang higpit ay para bang nakasaalay na ang buong buhay ko para dito.
"Oy! Bakit mo siya dadalhin?!" Hinawakan ni Terrence ang braso ng lalaki dahilan para mapatigil ito sa paghakbang. Lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko, lumingon ang lalaki at muling tumitig sa akin. Wala nang emosyon ang mga mata niya di tulad ng kanina. Dahan-dahan niya akong binitawan at tsaka walang ganang humarap sa amin.
"I just want to talk to you, it's very important." Ika niya tsaka pinasadahan ng tingin ang lahat bago tumuon muli ang tingin sa akin. Nagsalubong ang kilay ko.
'Ayoko nga ang wierd mo e.' Sagot ko sa isip ko. Umiling ako ng ilang beses ng magkadikit ang kilay habang nakatingin sa lalaki. Nakahawak parin ako sa damit ni Terrence kahit hindi na nakahawak ang lalaki sa akin. Wala pa ring emosyon ang mga mata nito habang nakatingin sa mukha ko. Sinundan ko ang galaw niya nang ibinaba niya ang tingin sa kanyang pulsohan at tinaas ang manggas ng kanyang jacket upang tignan ang kanyang relo.
"There's no time." Ani niya. Nanlaki ang mata ko at napasigaw nang bigla itong yumuko at dali-dali niya akong binuhat na parang sako sa kanyang balikat. Dahil sa gulat kusang lumabas ang sigaw ko sa aking bibig. Narinig ko ang mga boses ng simisigaw kong mga kaklase. Tumingala ako at nakitang sinusundan nila kami. Magsasalita na sana ako ng tulong ng makaramdam ako ng pagkahilo. Ito ay dahil sa pagkakatiwarik ko at naiipon na ang dugo ko dito. Nasusuka na ako. Ibinaba kong muli ang aking ulo para mabawasan ang pagikot ng mundo.
"SHANNNNN!"
"HOY TIGILLLLLL!"
"HOYYY! MANYAK!"
Rinig ko pang sigaw ng nga kaklase ko. Sinilip ko sila ng kaunti at hinanap ang lakas na natitira ko, ibinuka ko ang aking bibig at sumigaw.
"TULONGGGGG!"
~~~~~*~~~~~~
Nakaupo ako sa sahig at nakasandal sa pader habang hawak ko ng dalawang kamay ang aking buong ulo. Nahihilo at nasusuka talaga ako, ikaw ba naman ganunin tapos tumatakbo pa? Pakiramdam ko tuloy ay sasabog na ang ulo ko.
Hindi na nakahabol ang mga kaklase ko sa amin kanina lalo na nung mas lalo pang binilisan ng lalaking may hawak sa akin yung pagtakbo niya. Ngayong kaming dalawa nalang ang natira, hindi na ako makapagisip pa ng maayos. Nilibot ko ang paningin sa kwarto at hindi ito katulad ng kwarto namin. Nasa ibang building kami. Nakita ko siya na nasa harap ng pintuan at nakatayo na parang estatwa, wala paring gana ang mata niya. Muli kong binaba ang paningin tsaka kinalma ang sarili.
BINABASA MO ANG
Make A Better World
Teen Fiction(A Tagalog Story) When Shanbris Luintene was just a kid she often see some incredible but worrisome things that a normal person can't do. As a child she treated those 'visions' as a gift to her as it always amazed her little innocent mind. Everythi...