4: Birthday Celebration

26 2 0
                                    

A/N: Nothing 'special' in this chapter, except Shan's way of dealing with her classmates. Just want to build their kind of friendship. Ya know? Enjoy!

Title:🌻Make A Better World🌻
Genre: Science Fiction, Romance, Comedy

Chapter 4: Birthday Celebration

Tumingin ako sa kanya ng may hindi maipaliwanag na mukha, dahan-dahan kong binaba ang kamay ko mula sa aking pisngi. Kusang tumaas ang kanan kong kamay, tinaas ko ang hintuturo ko at kinamot ng dahan-dahan ang pisngi.

'Shet birthday niya nga pala ngayon nalimutan ko. Naghahanda na pala yung mga yun para mamaya, nakakainis namannn. Bakit di nila ako sinama!?' Naiiyak kong isip. Tumingin-tingin ako sa paligid, nagbabasakaling may bumalik sa kanila kahit ni isa.

"Sabi kasi sakin kanina nila Kylo, maghahanap kami ng mapagrerentahan ng surf board, tapos sabi ko kukunin ko lang wallet ko, pagbalik ko tinakasan na ako?" Kwento niya. Tinignan ko siya at tumango-tango.

"Ako nga e, nakatulog lang saglit, paggising ko wala na sila. Hahaha." Kwento ko at pilit na tumawa. Narinig ko siyang tumawa ng mahina at umupo sa sahig. Sumandal siya sa pader, magkahiwalay ang dalawa niyang paa at nakapatong sa magkabila nito ang kanyang mga braso. Tumingala siya sa kisame at pinikit ang mga mata. Umiwas ako ng tingin sa kanya at umupo narin sa sahig, pinagkrus ko ang dalawa kong binti at pinaglaruan ang buhok ko. Di ako mapakali sa kaiisip kung babatiin ko na ba siya o hindi. Pagbinati ko siya edi.....

Napatigil ako nang wala akong maisip na dahilan. Patingin-tingin ako sa kanya at nakikipagtalo sa utak kung gagawin ko na ba o hindi.

"Bakit?" Tanong niya na ikinabigla ko. Agad naman akong nagsalita.

"Ah...! Happy Birthday Pres! Tanda mo na! HAHAHA!" Bati ko sa kanya ng mabilisan at pinilit na tumawa ng malakas para umingay naman, kanina pa kasi kami tahimik at medyo naiilang na ako kahit mas gusto kong hindi nalang kami magpansinan. Inaamin kong wala akong kwentang kausap na tao, lalo na pagwala sila Aya at Nina. Sila kasi lakas ng loob ko para magingay. Hinampas ko siya sa balikat at agad naman siyang napahawak dito.

"Aray ko Shan. Ang sakit non ah? HAHAHA!" Sabi niya at tsaka tumawa ng malakas. Tiningnan niya ito hinimas niya ito para mabawasan ang sakit. Mas lalo akong natawa ng inihipan niya pa ito.

"Gago ang sakit." Bulong niya sa sarili niya. Nakatingin parin siya dito, kaya medyo nakonsensya na ako, humina ang tawa ko hanggang sa maging pilit nalang.

"Uy sorry napalakasan. Ikaw kasi e." Pagpapaumanhin ko sabay sisi sa kanya. Tinignan ko yung palo ko at namamantal na ito. Lihim akong nagsisi sa ginawa ko.

"Joke lang. HAHAHA! Naniwala agad, wala 'to. Thank you nga pala. Ikaw unang bumati sa akin. HAHAHA!" Tawa niya at binaba ang kamay niya. Inayos niya ang upo niya at pinagkrus ang binti.

"Namamantal na nga oh!" Turo ko at humarap sa kanya nang ganoon padin ang upo. Tinignan ko itong maigi.

"Uy sorry talaga pres! Bigla nalang kumilos kamay ko eh. Hehehe." Pilit kong tawa.

"Dapat nagvolley ball ka nalang Shan, ang lakas mong pumalo eh. HAHAHA!" Saad niya para maligtas pa yung paguusap namin. Mas lalo akong napangiwi.

'Edi malakas nga talaga. Pacool pa amp. Ayaw pang aminin na masakit.' Isip ko. Tinaas ko ang kamay ko at pinindot ang pantal.

"Hindi nga masakit kaya wag mo nang pansinin yan, Haha....... Sa tingin mo, nasaan na yung mga yun?" Pagiiba niya ng usapan. Nakatingin siya ngayon sa langit. Magkakahilera lang kasi ang mga kwarto kaya ang harap nito ay terrace. Hindi kasi namin pinaalam sa kanya na magcecelebrate kami para sa birthday niya, ang alam niya lang ay magpapakasaya lang kami dito, babatiin lang namin siya tapos balik na ulit sa ginagawa.

Make A Better WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon