A/N: Ya'll wanted romance? Well here you go. But with a twist. *Wink.
Title:🌻Make A Better World🌻
Genre: Science Fiction, Romance, ComedyChapter 9: Traumatic memory
"12-C-A! Group picture tayo! Para memories!" Napukaw ang atensiyon naming lahat sa sinigaw ni pres. Ang lahat kasi ay tulala lang at wala sa wisyong nakaupong naghihintay para sa sasakyan namin pauwi. Ito na ang huling oras na makakatapak kami dito, alas kwatro kami ng hapon susunduin ng van at sampung minuto nalang ang natitira. Tapos narin kaming kumuha ng tig-iisa naming litrato matapos naming kumain at makapagayos ng gamit.
Inaya ko ang dalawa kong kaibigan na lumapit sa mga nagkukumpulan na naming kaklase. Nagtabi kaming tatlo sa bandang gilid dahil doon nalang ang natitirang pwesto para sa amin, ang mga lalaki sa likod at babae naman sa harap.
"Ang tagal mo naman Elliana! Nangangawit na kami dito!" Sigaw ni Kylo mula sa kabilang dulo. Tumingin naman sa kanya si Elliana ng masama at tumigil sa ginagawa. Sa kanyang camera kasi ang gagamitin namin para maganda ang pagkakakuha total naman ay photographer siya. Nagtawanan kaming lahat.
"Eh kung ikaw kaya dito! Kitang kakaayos ko palang eh!" Inis niyang sigaw at umaktong susuntukin si Kylo mula sa malayo. Namumula ang kanyang mukha dahil sa pagiging mistisa idagdag narin ang masakit na sikat ng araw sa aming balat. Muli siyang tumingin at may kinalikot sa camera niya bago mabilis na tumakbo papalapit sa mga kasama niya hudyat na magcacapture na ang camera.
"...3..2..1! Say cheese!" Sigaw niya pa. Nagkanya-kanya kaming pose. Ang iba ay nakapeace sign at nakafinger heart. Ngumiti lang ako at inakbayan sila Nina at Aya. Pinigilan ko ang sarili na mapapikit dahil sa flash.
"Isa pa! Lahat naman tayo wacky!" Suhestyon ng isa kong kaklase, kaya bumalik si Elliana para ayusin ang kanyang camera at muling tumakbo pabalik sa amin. Sabay kaming nagsalita ng wacky at nagpose ng kung ano-ano. Dinamihan namin ang kuha ng may iba't-ibang pose at talagang nagsaya kami dito. Hanggang sa may nagtext kay pres. na nandyan na daw ang susundo sa amin. Hinintay naming iligpit ni Elliana ang kanyang camera bago kami sabay-sabay na umalis.
"Ako naman sa bintana." Pagmamakaawa ko sa dalawa at diretsong nakatingin sa van. Kahit hindi ko sila tininginan, kita ko parin ang pagpalitan nilanng tingin at ngisi sa kanilang labi.
'Bakit pa ba ako nagtanong?' napabuntong hininga ako at sumimangot. Pumasok kami sa van ng driver na sinakyan din namin papunta dito, pero ang iba ay nakipagpalit sa kabila kaya may unting pagbabago sa pwesto namin. Nauna ang mga lalaki sa amin, lima silang nasa dulo. May apat din kaming babae na kasama, ang tatlo ay nasa likod namin na bandang bintana malayo sa pinto. At ang isa ay nasa bintana ng hilera namin, tumawa ako sa dalawa dahil si Aya na dapat ang nakapwesto doon, salitan daw kasi sila. Bali ang lahat ng hilera ng upuan ay may limang tao, kaya may dalawang lalaki din sa likod ko at may isa din sa tabi ko. Meron ding isa sa tabi ni manong.
"Yown! Si Shan makakatabi ko. Nice nice." Napatingin ako sa biglang umupo sa tabi ko. Pilit niyang inuusog ang sarili sa akin at naiirita na ako. Nasabi ko na bang may isa kaming bastos na kaklase? Siya yun. Si Albert. Hindi ko siya pinapansin at wala narin akong maiisuran kaya hindi nalang ako nagpatinag sa kanya. Nagrereklamo narin ang mga katabi ko na masikip kaya binulungan ko sila sa sitwasyon ko. Sinilip naman nila ito at inirapan ng hindi nakikita.
Nakabukaka siyang nakaupo at syempre bilang isang babae magkadikit ang dalawa kong hita at nakatabingi nadin ang upo ko. Naiilang na ako sa kanya kaya kinandong ko nalang ang bag ko sa hita ko at niyakap ito. Patingin-tingin din ang dalawa sa lalaki sa likod namin at sinesenyasan na paalisin dito sa tabi ko si Albert pero nagtuturuan sila at hindi rin alam ang gagawin. Kaya pinilit ko nalang na wag itong pansinin.

BINABASA MO ANG
Make A Better World
Teen Fiction(A Tagalog Story) When Shanbris Luintene was just a kid she often see some incredible but worrisome things that a normal person can't do. As a child she treated those 'visions' as a gift to her as it always amazed her little innocent mind. Everythi...