8: Fun Night

21 2 3
                                    

A/N: Social Anxiety really sucks. Who else feel that way? We became a whole new person when there are people that we feel comfortable with, and feel like we can't look someone in the eye when they are not around?

Title:🌻Make A Better World🌻
Genre: Science Fiction, Romance, Comedy

Chapter 8: Fun Night

Lumipas na ang ilang oras ng paghihintay ko sa dalawa pero hanggang ngayon ay hindi parin sila dumarating. Samantalang sina Daniel at Harry ay narito na kanina pa sa loob at naglalaro ng mobile legends, habang si Terrence naman ay tulog na sa sarili niyang kama. Tanging ako lang ang babae dito sa kwarto namin at kanina pa ako naiilang kaya nagtutulog-tulogan nalang din ako, nakatalukbong ako ng kumot abot sa aking leeg at nakaharap ako sa dingding. Kanina ko pa pinagiisipan kung dapat ko na ba silang hanapin o hindi, at medyo nagaalala narin ako sa kanila.

Sumilip ako patalikod at saktong nagkatinginan kami ni Harry. Sa gulat ko ay agad akong napabalikwas mula sa pagkakahiga. Tumingin naman silang dalawa sa akin at agad akong napaiwas ng tingin. Hinanap ko ang tsinelas ko at dali-daling lumabas ng nakababa ang tingin, ramdam ko ang titig nila sa akin kaya nagmadali akong buksan ang pinto.

'Kainis bakit ba ako ganto?!' Reklamo ko sa sarili ko at pinalo-palo ang noo nang pagsara ko sa pinto.

Napabuntong-hininga ako at ibinaba ang kamay. Lumapit ako sa terrace kung saan kita ang buong paligid sa ilalim ng maliwanag na buwan. Ang kapayapaan ng paligid ay talagang nakakagaan ng pakiramdam. Ang paghampas ng alon sa dagat ay para bang kinukuha ang lahat ng iyong problema patungo sa kailaliman nito.

Pinatong ko ang baba ko sa aking dalawang palad at pinagmasdan lang ang paligid, nakatulala lang ako dito ng mga ilang minuto at napahilamos ako sa mukha nang maalala ulit ang nangyari kanina.

'Wala na ba talaga akong pag-asa makipagsalamuha sa ibang tao pag wala yung dalawa???' Isip ko. Inilipat ko naman ang kamay ko sa aking buhok at sinabunutan ito.

'Fvck this social anxiety! Wala akong mararating sa buhay kung ganto ako!' Dagdag ko pa at inalala ang mga iba pang pangyayari na talagang ikinahihiya ko.

'Kahit pagorder ng pagkain nahihiya ako, pagmagrereport ako sa harap ng klase nahihiya din ako, pati pagtataas ng kamay nahihiya ako! Pagmagtatanong sa ibang tao! Pagpapara sa dyip! Put-- sarap magmura!' Ginulo-gulo ko ang aking buhok at pumadyak-padyak din sa sahig. Pigil ang inis na sigaw na gustong kumawala sa aking bibig. Mabuti nalang at mag-isa lang ako dito kundi baka isipin nila na nasisiraan na ako ng bait.

Bumuntong hininga ulit ako at inayos ang aking buhok. Muli akong tumitig sa magandang tanawin habang nakapatong ang magkakrus na braso sa semento abot sa aking pusod at hinayaan ang sarili na mawala saglit sa reyalidad.

"BOO!"

Tamad akong lumingon ng marinig ang pangugulat ni Aya na medyo tinulak din ako sa likod. Inis ko silang tinignan. Magkayakap ang kanilang braso at tumatawa sa akin. Sumandal ako sa semento at pinatong dito ang aking magkabilang siko. Tinaasan ko sila ng kilay, naghihintay sa maaari nilang maging dahilan sa kanilang pagkawala. Tumigil naman agad sila sa pagtawa ng maramdaman na wala ako sa mood.

"Oh tingin tingin mo dyan?" Sabi ni Aya sa pinakamaarte niyang salita at nagtawanan ulit sila. Ngumuso ako at pinagkrus ang kamay habang nakatingin sa kanila.

"Kasi naman eeee. Sabi ko sa inyo kanina maliligo lang ako tapos nalimutan ko yung tuwalya at damit ko kaya tinawag ko kayo, yun pala umalis kayo!" Medyo nahihiya na may halong inis at paawa kong sabi. Sinigawan ko sila na tanging kami lang ang makakarinig. Tumawa sila sa kwento ko at nagtakip ng bibig. Mas lalo akong sumimangot.

Make A Better WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon