A/N: What would you do when someone unconscious suddenly appear inside your house? Btw guys, ya'll can follow me so you can know when I update a new chapter! Lol. Thanks. Bye!
Title:🌻Make A Better World🌻
Genre: Science Fiction, Romance, ComedyChapter 11: Unexpected Visitor
Tanging ang tunog lang ng pagtama ng kutsara sa aking tasa ang maririnig sa loob ng aking tinitirahan. Napahikab ako at sumandal sa sofa upang uminat. Narinig ko pa ang paglutukan ng aking buto sa likod. Napangisi ako sa pagkawala ng sakit nito.
"Hayyy!" Pagbuga ko sa hangin at tsaka umayos ulit ng upo at itinuloy ang paghalo sa aking kape. Tumingin ako sa orasan at alas onse na ng gabi. Hindi na ako madalawan ng antok kahit na gustong-gusto ko ng matulog. Paulit-ulit kong naalala ang nangyari kanina na ikinataas ng balahibo ko. Ngayon lang ako naging ganoon at bago ito sa aking pakiramdam kaya naiisip ko na baliw na ako.
'Ako? Kinikilig? Ha!'
Umiling ako at ginulo-gulo ang aking buhok dahil sa halo-halo kong nararamdaman. Kaya nagtimpla ako ng kape para antukin agad ako. Di tulad ng iba na pag umiinom ng kape ay nawawala ang antok, ang epekto nito sa akin ay baliktad.
Sumandok ako ng kaunti nito sa aking kutsara at nilapit ito sa bibig para ihipan bago higupin ng dahan-dahan. Tumama ang nangingibabaw na tamis nito sa aking panlasa at napabuga ako ng hangin sa sarap nito. Inulit ko ito ng ilang beses hangang sa medyo lumigamgam na ito at kumalahati na ang laman nito sa aking tasa.
Kumuha ako ulit at isusubo ko na sana ito ng mapatigil ako sa tunog na nagmumula sa aking banyo. Nagsalubong ang kilay ko at napagdesisyunang puntahan ito. Binaba ko muna ang aking kutsara sa tasa at sinuot ang aking malambot na tsinelas.
'Nakapasok na naman siguro yung pusa nila Ate Nicole.' Pagiisip ko tungkol dito.
Tamad akong naglakad kaya tumutunog ang pagkuskos ng aking tsinelas sa sahig sa bawat pagtapak ko. Nakarating na ako sa harap ng pinto ng banyo at binuksan ko ito ng mabilisan para magulat ang pusa at tumakbo ito papalayo.
"Anong--" Gulat kong sabi.
Naging baliktad ang aking plano dahil sa akin ito nangyari nang makita kong may isa ng lalaki na nakahandusay sa malamig na sahig. Nakaharap ang mukha niya sa akin at may dugong dumadaloy mula sa kanyang ilong. Nakapikit ang kanyang mata at nakasuot siya ng itim na jacket at itim na pantalon. Sa hindi malamang dahilan parang pamilyar siya sa akin, pero ipinagsawalang bahala ko muna ito dahil mukhang kailangan nya ng tulong ko.
Sinara ko ang kanina ko pang nakaawang na bibig at kinakabahang lumapit sa kanya. Nagtataka man kung paano nalang siya biglang napunta dito pinilit ko paring lapitan siya dahil sa kalagayan niya.
"Kuya?" Mahinang tawag ko dito at lumuhod sa tabi niya. Napalingon ako sa paligid dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Binalik ko ang tingin sa kanya at kinakabahan na tinapik siya sa balikat.
"Kuya..." Muli kong tawag sa kanya pero mukha talagang wala siyang malay dahil hindi manlang siya gumalaw ng kahit na kaunti kahit na anong gawin ko sa kanya. Napakagat ako sa aking labi sa kawalan ng maisip na gagawin.
'Sino ba 'to???? Iwan ko nalang kaya siya dito?'
Mabilis akong napailing sa naisip ko. Kawawa naman siya kung iiwan ko nalang siya ng ganito. Nahihiya naman akong magpatulong sa mga kapit-bahay ko lalo na ngayong dis oras na ng gabi. Napatampal ako sa noo at inis na pumikit at nagbuntong hininga.
Binalik ko ang tingin sa kanya at pumaywang. Dumadami na ang pagdaloy ng dugo mula sa kanyang ilong kaya dali-dali akong pumunta sa aking kwarto para kumuha ng tuwalya. Pagbalik ko sa banyo binasa ko ito at pinigaan. Mabilis ang pagtibok ng aking puso nang ipunas ko ito sa kanyang mukha. Ang kaninang puting tela ay agad na naging pula unang beses palang na pahid ko dito. Iniba ko ang pwesto ng tela sa aking kamay at paulit-ulit itong ginawa hanggang sa wala ng natirang kahit na isa. Isinabit ko at tela sa lababo at nagalangan sa kung ano ang susunod kong gagawin.
BINABASA MO ANG
Make A Better World
Teen Fiction(A Tagalog Story) When Shanbris Luintene was just a kid she often see some incredible but worrisome things that a normal person can't do. As a child she treated those 'visions' as a gift to her as it always amazed her little innocent mind. Everythi...