7: The Vision

29 2 2
                                    

A/N: Now this is my longest chapter. K. Bye.

Title:🌻Make A Better World🌻
Genre: Science Fiction, Romance, Comedy

Chapter 7: The Vision

Dugo. Sobrang raming dugo.

Sa sobrang rami ay nagsisilbi na itong lawa, sinundan ko ng tingin kung saan ito nagmula at galing ito sa mga tao na nakatali at walang malay malayo sa kinatatayuan ko. Nagsimula nang mamuo ang takot sa aking dibdib. Sobrang dilim ng paligid na pinaghihigaan nila at nakakakilabot ang pagtitig dito, nangangatal ang mga kamay kong sumilip sa isa sa mga paguhit na butas upang makita ang labas sa pagbabasakali na alam ko ang lugar kung nasaan ako ngayon. Tanging mga naglalakihang puno lang nakita ko, umaandar ang lugar na aking kinalalagyan. Walang pag asa akong tumingin muli sa likod ko at pakiramdam ko ay nasa loob din ako kasama nila, sobrang lamig at nakakapanayo ng balahibo. Nanlaki ang mata ko ng biglang gumalaw ang lugar na pinagtatayuan ko dahilan para mawalan ako ng balanse at mapadapa at sumawsaw ang kamay ko sa dugo.

Dali-dali kong inalis ang kamay ko dito at tumayo ng walang pagiingat, sumandal ako sa pinakagilid at hindi sinasadyang maumpog ang ulo sa bakal. Nanlalaki ang mga mata na tinitigan ko ang mga namumula kong palad na may bahid ng dugo. Nanginginig ang labi at nahihirapan akong huminga dahil para bang may nakabara sa aking lalamunan. Nangingild ang mga luhang pinunas ang kamay sa aking suot na puti at mistulang naging pula ito na lalong ikinabilis ng pagtibok ng aking puso. Paulit-ulit ko itong ginawa, nandidiri na ako sa sarili ko, at tanging ang pigil na iyak ko lamang ang maririnig sa kulong na lugar na ito.

Napatingin ako sa tanging liwanag na sumisilip mula sa liwanag ng buwan, tumama ito sa isang babae na nakatulala sa aking direksyon ng walang emosyon. Nakasuot siya ng uniporme na pang trabaho, magulo ang buhok at kulay lila na ang isa niyang mata. Yakap-yakap ko ang binti habang nakatingin din sa kanya, nanginging ang labi at malalim ang paghinga. Ibinuka niya ang kanyang bibig at nagsalita, ngunit walang tunog na lumabas mula dito. Pero sa kabila noon, naintindihan ko ang sinabi niya.

Tulong.

"Shan! Huy!" Gulat akong napatanggal ng kamay mula sa pagkakatakip nito sa aking mukha. Napatingin ako sa nakapatong sa balikat ko at sinundan ang nagmamay-ari nito. Puno ng pag-aalala ang nakaguhit sa kanyang ekspresyon. Tinapik niyang ulit ang balikat ko.

"Ok ka lang?" Tanong ni Nina. Pinilit kong magsalita pero hindi ako makahanap ng lakas ng loob para dito, malalalim ang bawat paghugot ng hininga na hindi ko namamalayang ginagawa na ng katawan ko. Naramdaman kong hinimas-himas niya ang likod ko upang pakalmahin ako. Muli kong binaon ang mukha ko sa aking palad pero ngayon ay hindi ko na pinikit pa ang mga mata ko sa takot na may mangyari uling hindi pangkaraniwan. Nagpokus ako sa sarili kong paghinga ng ilang minuto. At wala na akong kaalam-alam sa paligid ko.

Huminga ako ng panghuling beses nang maramdaman kong medyo maayos na ang pakiramdam ko. Napansin kong may tao sa harap ko dahil nahaharangan niya ang liwanag mula sa apoy kaya tumingala ako at nakita si Aya na nakaupo. Ngumiti ako sa kanya at pati narin kay Nina, para hindi na sila pang mag alala.

"Ano?" Tanong ni Nina. Tinaas ko ang kanang hinlalaki ko bilang sagot. Nilibot ko ang tingin sa paligid na nakita na lahat sila ay sa akin nakatingin, laking pasasalamat ko at nakaharang si Aya sa akin para hindi ako makita ng iba. Dahil sa hiya, sinenyasan ko silang dalawa na umalis na kami dito, at agad naman nila itong nakuha at sumunod. Tinulungan nila akong makatayo na galak kong tinanggap. Medyo nanghihina ang tuhod ko kaya humawak ako sa kanang balikat ni Nina na nasa kaliwa ko. Tumakbo si Aya pabalik pero hindi ko na siya nilingon.

"Oy una na kami ah! Bye!" Tinig kong sigaw ni Aya sa iba pa naming kaklase, bumalik siya palapit sa amin. Naglakad na kami at tahimik naming tinahak ang daan sa kalagitnaan ng gabi. Nang medyo nakalayo na kami sa kanila sinimulan na nila akong kuwestyunin.

Make A Better WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon