A/N: This is the longest chapter I've done so far. I also put my full effort here. Soooo yeah! Enjoy!
Title:🌻Make A Better World🌻
Genre: Science Fiction, Romance, ComedyChapter 5: Dream Come True.
"MAMA!"
Dinilat ko ang aking mata, at agad na bumangon. Hinilamos ko ang kamay sa mukha ko at agad na inalala ang aking napanaginipan. Isang batang lalaki na mga nasa edad anim o pito. Nakasuot siya ng kulay dilaw na t-shirt at red na shorts. Nalulunod siya sa dagat at walang nakakapansin sa kanya, hanggang sa tuluyan na siyang pumailalim at di na muling makita pa. Ramdam ko ang takot sa mga mata niya nung oras na 'yon. Nanginginig na napahawak ako sa ulo ko.
'Para siyang totoo...'
"Anong nangyari sayo? Okay ka lang?" Napatingin ako sa nagsalita. Nakatitig siya sa akin ng may nagtatakang mukha. Hawak niya parin ang cellphone niya pero nakababa na ito sa hita niya.
"Shan? Huy!" Dagdag niya nang hindi ko siya sinagot.
"H-ha? Wala akala ko may humawak sa paa ko." Pagsisinungaling ko.
"May multo ba dito? Gosh. Baka may galit sila sakin, wag naman pls. Hahaha." Dagdag ko pa para mawala ang pagtataka niya, tumawa ako ng mahina. Kumunot naman ang noo niya.
"Hmhmhm, baliw." Mahina niyang tawa habang nakasara ang bibig at bumalik ulit sa ginagawa. Napahinga ako ng maluwag. Bumaba ako ng kama at tumingin ulit sa kanya.
"Pres. anong oras na?" tanong ko.
"Mmm. Three thirty." Sagot niya, agad na lumaki ang mata ko.
"Bakit di mo ako ginising kaninaaa?" Reklamo ko sa kanya. Tinignan ko siya ng may inis sa mukha. Ang usap-usapan kasi namin ay three o'clock o three thirty kami magsisimula para medyo matagal kaming makakapagcelebrate hanggang gabi, at ngayon malamang ay kanina pa nagiintay ang mga 'yon doon.
"Ang sarap ng tulog mo e, nakakahiya kang gisingin." Sabi niya at bumungisngis. Binato ko siya ng unan ko at dahil medyo malayo siya, sa paa niya lang ito tumama. Tumawa siya ng malakas.
Hindi ko na siya pinansin pa at umupo nalang ako sa sahig, nagaalangan kung magbibihis pa ako para ngayon. Sayang kasi ang dinala kong dress kung hindi rin naman magagamit. Kaso nahihiya naman akong isuot ito lalo na at mahangin tsaka maraming lalaki.
Nang hindi ako makaisip kung ano ang isusuot, hinablot ko nalang ang jacket kong puti na panglalaki. Mas komportable pa 'to kesa sa dress at nakaleggings naman ako na black kaya bagay naman siyang tignan. Agad ko itong sinuot at inayos ang gulo-gulo ko nang buhok. Tinanggal ko ang tali ko at sinuklay, lumadlad ang abot siko kong buhok sa aking likuran. Tumingin ako sa gawi ni Terrence at nakitang nakatingin na siya sa akin.
"Terrence samahan mo ako may pupuntahan ako. Magbihis ka narin!" Sabi ko para naman hindi magmukhang simple ang suot niya para mamaya. Umiling siya.
"Bakit saan ka ba pupunta? Maayos naman suot ko ah?" Sabi niya pa. Tinignan ko ito ng maigi mula taas pababa. Nakasuot siya ng kulay mustard na t-shirt at itim na shorts na abot hanggang taas ng kanyang tuhod.
"Aish. Okay na nga yan tara na!" Pagmamadali ko sa kanya. Agad niyang binulsa ang cellphone niya at nang nakita ko ito tumigil muna ako sa bag ko para kunin rin ang akin. Nilagay ko ito sa bulsa ng jacket ko at nagsuot ng puting sapatos.
"Wait! Maaraw, magjajacket lang ako!" Sigaw niya ng papalabas na ako ng pinto. Kinuha niya ang kulay puti niyang hoodie at sinuot ito habang naglalakad palapit sa akin. Tinignan ko siya ulit mula ulo hanggang paa. Halos parehas na kami ng suot pwera nalang sa suot namin sa paa, tsinelas lang kasi ang suot niya na bagay din naman sa porma niya ngayon. Siya rin ay nakashort samantalang leggings naman ang akin na black. Nagkatinginan kami nang matapos na siyang magayos.
BINABASA MO ANG
Make A Better World
Teen Fiction(A Tagalog Story) When Shanbris Luintene was just a kid she often see some incredible but worrisome things that a normal person can't do. As a child she treated those 'visions' as a gift to her as it always amazed her little innocent mind. Everythi...