My Lonely Girl: Prologue

275 4 0
                                    


PROLOGUE

Nasanay na akong mag-isa at nabubuhay sa tahimik na daigdig. Maaaring matawag na "boring" ang buhay ko, pero hindi ko maramdaman ang pagkainip. Ganoon na siguro ako kasanay kaya kahit paulit-ulit at pare-pareho ang mga pangyayari sa bawat lumipas na araw, hindi ako nababagot o nalulungkot.

Hindi nga ba?

Yeah, I used to be like that. And if you ask me if I'm happy about that, of course I'd say I am. I think? At dahil sanay na rin akong sarili ko na lang ang palagi kong kasama, hindi na ako gano'n kakomportable sa presensya ng iba. Ayoko ng ingay, gulo at kahit na anong uri ng tulong o pangingialam na magmumula sa kahit na sino sa mundong 'to.

Kung lahat sana tayo ay may respeto sa "personal space" ng ating kapuwa, wala na sigurong away. Kung sana ring walang pakialam ang bawat isa sa "business" ng ibang tao, tiyak na walang problema. Ngunit hindi lahat ay may respeto't walang pakialam. Pinatunayan na iyon ng isang tao. Pinatunayan na iyon ni Andrei Sandoval. Isa siya lalaking makulit at medyo isip-bata!

• • •

My Lonely GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon