Chapter 2

135 20 13
                                    

Zierra's POV

Kriiiiiiiiiiiiiinnnnnnnggg! Kriiiiii---![Tap]

Gumulong-gulong muna ako sa higaan dahil sa tinatamad pa akong bumangon. Dahan-dahan ko iminulat ang aking mga mata. Tumingin ako sa bawat sulok ng aking malawak na kwarto hangang sa mapadpad ang mata ko sa malaking  salamin na nakatapat sa kanang bahagi ng aking higaan. Napabangon ako bigla dahil nagulat ako sa  repliksyong nakita ko saking sarili.

"Bakit hubot-hubad akong natulog?" pagtatakang tanong ko saking sarili.

Pinilit kong isipin kung ano ang ginawa ko kagabi at wala akong maalala. Ang alam ko lang ay maaga akong natulog kagabi pero wala akong naalala na naghubad ng damit bago matulog.

Bumaba ako sa higaan at nakita ko sa sahig ang pulang dress, itim kong panty at isang pares ng heels. Ano ang ginagawa ng mga bagay nato dito? May party ba akong pinuntahan kagabi? Sa pagka-aalala ko ay wala naman.

Tumingin ulit ako sa salamin at napansin kong nag-iba ang hubog ng aking katawan. Lumapit ako sa salamin at tiningnang mabuti ang katawan ko.

"Wow!" mahina kong sabi saking sarili.

Namangha ako sa nakita kong pagbabago ng aking katawan. Lumaki ang aking dibdib at ang sexy kong tingnan.

Hinimas-himas ko ang malalaki kong dib-dib. Napakasarap nitong hawakan dahil sa mainit-init nitong temperatura.

"Ahhhhh" ungol ko.

Napatigil ako bigla dahil sa nagulat ako sa ginawa ko.

Nilingu-lingo ko ang aking ulo para matanggal ang namumuong karumihan sa isip ko. Kaya tiningnan kong muli ang repleksyon ko sa salamin.

First time kong makita ang sarili sa salamin na hubot hubad. Hindi ko akalain na ganito na pala kasexy ang katawan ko. Napangiti ako dahil sa nagustuhan ko ang nakita ko saking katawan.

Dali-dali akong bumihis nang kaswal lang na damit. Sando at short lang ang sinuot ko at lumabas na ako ng kwarto para mag breakfast.

"Good morning Ma'am Zierra! Handa na po ang breakfast ninyo." bati sakin ng isa naming maid sa mansion.

"Good morning din Yaya Nancy. Sabay ka na po saking kumain." sagot ko naman sa kanya.

"Naku! Mamaya na po ako Maam! Bilisan nalang po ninyong kumain dahil baka malate po kayo sa klase nyo."suwestyon nito.

"Sige po Yaya." tipid kong sagot sabay ngiti sa kanya.

Oo mayaman kami pero sa kabila ng yaman namin ay madalas naman akong mag isa. Kadalasan ako lang ang tao sa bahay. Si Mom and Dad ay laging busy sa business. Simula nong bata pa ako ay nasanay na akong wala sila. Sa una ay nakakaboring talaga lalo na kung ikaw lang mag isa sa mansion. Kaya kadalasang kinukulit ko ang mga maid dito para makipaglaru sakin nong bata ako. Naging close na din sila sakin at ganon din ako sa kanila. Halos itinuring na rin kasi nila akong anak dahil na rin sa tagal na nilang pag aalaga sakin.

Tinapus ko na agad ang pagkain at naligo na ako. Bumihis ng uniform at napansin kong naging fit sakin ang uniform na suot ko, dahil siguro sa paglaki ng aking dibdib. Ang sexy ko sa suot kong uniform napansin ko rin na naging bitin sakin ang suot kong palda, tumangkad rin pala ako? Hehehe pero bagay sakin ang ganito.

Nag ayos na ako ng mukha at napansin kong napakakinis na nito, effective yata ang bagong skin care na gamit ko ngayon ang bilis ng effect.

Napakasimple lang naman ako mag ayos, di gaya ng iba na halos puro make up nalang ang mukha. Kunting lips tick lang at fundation at isang palakpak ay tapus na ang ritual ko. Haha

Tumayo na ako at lumakad palabas ng mansion. Nakahanda na rin ang pulang sports car ko. Ayaw ko talaga ito dalhin sa school dahil napaka OA ng sasakyan nato para maging pang service lang papuntang school. Pero no choice naman ako dahil ito lang ang available na car dito sa mansion. Ginamit kasi nina Dad ang van namin at ganon din si Mom sa isa pa naming sasakyan.

Pinatakbo ko ang kotse sa tamang speed lang. Di naman kaylangan ng highspeed dahil sports car ang dala ko. Yong iba kasi parang magpapakamatay na yong bilis pag nagpatakbo pag sports car ang gamit. Haha

Medyo excited akong pumunta ng school dahil marami mga tao don. Even though, wala halos akong mga kakilala don dahil nga kaka-transfer ko langn ng school. But atleast naririnig ko ang ingay ng classroom, di tulad sa bahay na napakatahimik.

Inilipat ako nina Dad dahil di sila makontento sa education na provided ng nauna kong school. Marahil ay ito na ang huling school na papasukan ko sa dahilang graduating student na ako sa pagiging lawyer. Nakakapagod kasi magpalipat-lipat ng school lagi. Tyaka last semester ko na ngayon at ilang months nalang ay tapus na ako.

Napatigil ako sa mga iniisip ko nang napansin kong nasa tapat na ako ng school namin.

"Justice Nest University" banggit ko saking sarili.

"Okaaaay! Let's go! Excited na ko sa klase." dagdag ko.


Kaizen's POV

"Kaizen?" isang pamilyar na boses ang narinig ko.

Minulat ko ang aking mgabmata at nakita ko ang mukha ni Mio.

"Bakit dito ka natulog sa office mo? Di mo ba natanggap mga message ko sayo? Kahit tawag ko di mo sinasagot." nag-aalalang boses nito.

"Sorry baby, nakatulog lang ako sa pagod."pagdadahilan ko.

I cheated on her last night. Should I tell her? No, sigurado akong magagalit sya.

Sorry Mio napakawala kong kwentang boyfriend. Di manlang kita naisip bago ang mga nangyari sakin kagabi. Nagpadala ako sa sarili kong init ng katawan.

Tumayo na ako at inayos ang sarili pero, ramdam ko parin ang pagod saking katawan. Ngayon lang ako napagod ng sobrang dahil lang sa isang biglaang one nigh stand.

Tiningnan ko si Mio at ang cute nitong tignan. Suot nya ay uniform at bagay na bagay sa kanya kung titingnan.

Oo, mas bata sakin si Mio ng ilang Years pero naging girl friend ko na sya simula pa nong college palang ako at 4 years na kami. At kahit kaylan di ko pa sya naloloko. Sya lang ang babaeng sineryuso ko sa lahat ng babaeng nakilala ko.

But what happened last night? Mahal ko ba talaga si Mio. Matagal na kami but last night was the first I cheated on her.

"Kaizen pagod ka parin ba? Pwede mo ba akong ihatid sa school?" tanong nito sakin.

"Kaizen?"dagdag nito.

"A-ah sige hatid na kita. Saang school ka ba?" tanong ko sa kanya na halatang lutang parin ang aking isipan sa mga pumapasok na tanong sa isip ko.

"Ano ka ba baby? Sa Justice Nest Academy, araw-araw mo ko don hinahatid ah!" nakasimangot nitong angal sakin.

"Haha- hahahaha" pilit kong tawa sa kanya na kunyari ay natatawa ako sa sagot nya.

"Binibiro lang naman kita." pagsisinungaling ko sa kanya sabay gulo ng buhok nya.

"Ano ba! Ginugulo mo buhok ko eh, tara na kasi!" kunyaring naiinis na sabi nito sabay hila sakin.

"Labas tayo maya ha." dagdag nito.

"Sige."tipid na sagot ko naman sa kanya at nginitian sya.

Dito na kami ngayon sa parking lot ng school nila. Nauna na akong bumaba at pinagbuksan ko naman ng pinto si Mio at lumabas naman ito.

"So magpapasundo ka ba mamaya sakin?" tanong ko kay Mio.

"Hmm. Depende hehehe. Message nalang mamaya." sagot naman nito na tinugunan ko naman ng pagtango bilang pag sasangayon sa sinabi nya.

Maya-maya ay may nag park ng isang pulang sports car sa tabi ng sasakyan ko. Bumukas ang pinto nito at lumabas ang isang napakapamilyar na babae.

Tiningnan ko syang mabuti kong sya nga ang babaeng iyon. Di ko tinanggal ang tingin ko sa kanya at napagkomperma kong sya nga iyon.

"Lilith?"sambit ko saking sarili.

The Resurrection of LilithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon