Nancy's POV
"Wala akong baklang anak!"sigaw sakin ng aking Ama habang hinahampas ako nito ng kahoy sa likuran.
"Pa tama na po, di ko naman kasalanang pinanganak akong ganito eh, at hindi po ako bakla sadyang babae talaga ang puso ko, tanggapin nyo naman po kahit bilang anak lang." pagmamakaawa ko sa kanya habang patuloy nya hinahagupit ng hampas.
Anim na taon palang ako non ay nalaman ko na agad ang tunay kong pagkatao, pero kasanod naman non ang mga panlalait sakin ng mga tao at kahit ang mismo kong pamilya ay di ako matanggap.
Nanglayas ako at nagsimulang mamuhay sa lansangan. Nanglilimos ako sa mga tao para may makain ako sa araw-araw, pero di ako nagsisising linayasan ko ang aking pamilya dahil mas doble pa ang mararanasang sakit na matatamo ko saking ama. Sa di katagalang paninirahan ko sa lansangan ay may isang lalaking kagalang galang ang lumapit sakin. Napakatangkad nito, may magandang pangangatawan at meron ding napaka among mukha na masasabi kong nanggaling sya sa marangyang pamilya.
"Hello bata, bakit ka natutulog dito sa lansangan?" tanong ng lalake, pero di ko sya sinagot dahil sa takot na baka isa syang masamang tao.
"Wag kang mag-alala di ako masamang tao, inaampon ko ang mga batang kagaya mo. Meron akong napakalaking bahay at araw-araw ay may mga masasarap na pagkaing hinahanda. Pwede kang tumira don habang kasama kasama ako. Papalakihin kita ng maayos at mamahalin bilang isang tunay na anak." dagdag na sabi nito sabay ngiti sakin.
Sa mga sinabi nya ay nakaramdam ako ng kapayapaan sa kanya. Para syang anghel dahil sa napakagalang nitong mag salita at pawang totoo ang lahat ng mga sinabi nya at dagdagan pa ang maamo nitong mukha na ang hirap tangihan ng maganda nyang alok sakin.
Sumama ako sa kanya at lahat ng sinabi nya ay totoo. Tinuring nya akong tunay na parang anak at sya pa mismo ang papaligo sakin at sinusubuan din ako sa tuwing kumakain. Naging malapit kami sa isat-isa at araw-araw binibilhan nya ako ng damit na pambabae at maging mamahaling make-up kit ay binili rin nito. Lumipas ang walong taon na masayang pamumuhay ay may tinanong sya sakin na di akalaing itatanong nya ito.
"Nancy, alam mo naman sigurong doctor ako diba? Gusto mo ba maging ganap na babae?" masayang tanong nito.
Sa una ay nag-aalanganin akong pumayag sa alok nya, sapagkat napakadami na ng naitulong nito sakin. Pero gusto-gustong gusto ko ang alok nya dahil isa ito sa pinakapinapangarap ko bilang maging isang transwoman kaya naman pumayag ako sa alok nya.
"Pero meron sana akong kondisyon. Pagkatapus ng surgery mo ay magtratabaho ka sakin." sambit nito.
"Gusto nyo po ba akong maging assistant nurse nyo Daddy?" masayang tanong ko sa kanya.
"Hindi Nancy, hindi lang bilang doctor ang trabaho ko, isa rin akong secret agent at yon ang pinakatrabaho ko. Nais kong samahan mo ako hulihin ang mga masasamang tao. Unahan na kita, bukod sa mga mahihirap na training na ipapagawa sayo hindi rin magiging normal ang trabaho katulad ng ibang mga agent. Pero okay lang kung ayaw mo, itutoy ko parin ang surgery mo. Sa totoo nyan ay kagustuhan ito ng mga kasama ko sa trabaho at isa ka sa mission na ginagampanan ko at nagkataun lang na ikaw ang nakita ko para maging kasapi namin. Sinubukan kong tanggihan na isali ka sa mga secret agent sa dahilang ayaw ko rin mapahamak ang anak kong minahal ng walong taon, pero bago paman tayo nagkakilala ay napagpasyahan na namin ito talaga ang mangyari." malungkot pagpapaliwanag nito.
Sa mga sinabi nya ay agad ko syang niyakap sapagkat alam kong nag-aalala ito sa maaring mangyari sakin. Naramdaman ko naman na nabigla ito sa ginawa ko dahil sa nag aalangan pa itong yakapin ako pabalik. Nang makayakap na rin sya sakin ay agad ako nagsalita.
"Masayang-masaya ako Daddy dahil meron na rin akong rason para makabawi sa mga mabubuting ginawa mo sakin. Kahit ano ay gagawin ko para sayo Daddy, kahit iniisip mong magiging mahirap ang mga ito para sakin, kaya kong tiisin lahat ng iyon para sa iyo." inosenting sagot ko sa kanya, at matapus kong mag salita ay niyakap ako nito ng napakahigpit habang humahagolhul sa pag iyak.
Kinabuksan ay pumunta na kami ng laboratory ni Daddy para simulan ang surgery. Pero bago paman kami nagsimulan ay may tinanong muli si Daddy.
"Nancy, sigurado ka na ba sa disisyon mo at sa pagkatapus nito?" nag-aalalang tanong nito.
"Yes Daddy, di na nga ako makapaghintay eh. Hehe" pabibo kung sagot sa kanya.
"Ikaw talaga lagi mo nalang pinapanatag loob ko sa bawat sagot mo." sambit nito sabay tawa at gulo ng buhok ko.
"By the Nancy, I just want you to know that it's not just an ordinary surgery. It is not just a physical removal and replacement operation, but we also conducting readjustment of your genes and hormones. Specifically, a complete transformation of a true woman, and with this experiment you would be able to bare a child like other originated girls." masayang pagpapaliwanag nito.
"Wow! Possible pala yon Daddy?" masayang tanong ko sa kanya.
"Yes Nancy, nothing is impossible with your Dad, except if I lose you. So when the time you get married, never forget me okay?"
"Ano bang pinagsasabi mo Daddy? I don't want to marry a man anymore because I already have you." sambit ko sa kanya sabay yakap.
"I love you Nancy." mahinang sabi sakin ni Daddy sabay yakap sakin ng mahigpit.
"I love you more Daddy." sagot ko naman.
Sinimulan na namin ang surgery at naging successful ang operation. Makalipas ang ilang buwan ng aking pagpapagaling ay dito na nagsimula ang pagiging isang ganap na babae.
Gabi-gabi ay may pumupunta sa bahay para turuan ako sa proper posture bilang isang kagalang galang na babae, gaya nang paglalakad na parang isang model, pananamit, at pananalita. Tuwing araw naman ay nag aaral ako sa isang private school at kumuha ng bachelor degree patungkol sa law enforcement. Napagtagumpayan ko itong lahat sa loob ng apat na taon at nag simula na akong magtraining bilang maging ganap na agent at naging official member ako ng mga secret agents.
Sa kauna-unahang mission bilang isang newbie ay nakilala ko si Hanna at Yhoomie at sila ang naging kapartner ko sa lahat ng aking mga mission. Si Hanna at Yhoomie ay di katulad kong transgender, pero pareho silang namuhay sa lansangan katulad ko. Di ko na inalalam pa kung ano ang mga nakaraan nila sapagkat alam kong masaklap din ang buhay nila noon kagaya ko.
Sa katagalan namin bilqng isang secret agent ay naging madali lang sa amin ang trabaho namin. Ako ang kadalasang nagiging frontline sa bawat mission at kadalasan ay nagpapanggap ako pilang prostitute para madaling masecure ang aming target. Si Hanna naman ang kadalasang nagiging backup ko sapagkat magaling ito sa malapitang pakikipaglaban lalo na sa pag hawak ng baril at kutsilyo. Si Yhoomie naman ay lagi nasa malayo sa amin at lagi lang nakabantay sa paligid para siguradohin magiging ligtas ang mission namin at kadalasan ang focus talaga ng trabaho nya ay para isecure ang location ng aming target gamit ang kanyang sniper. Sa lahat ng amin mission ay wala pang sumablay na kahit isa. Subalit, kapalit ng pagiging isang magaling na secret agent ko ay isang napaka importanting tao naman ang nawala sakin at di ko alam kung makikita ko pang muli.
BINABASA MO ANG
The Resurrection of Lilith
FantasyLilith is a succubus who uses psychological warfare to enslave men. She hunt her prey on emotionaly weak men and steals their souls through sexual activity. She uses the collected soul fragments to regain the power of Satan. Repeated sexual activity...
