Zierra's POV
Iminulat ko ang aking mga mata at napansin kong nasa ibang bahay ako. Nasa school pa ako kanina pero bakit nasa ibang bahay na ako natutulog? Lumingon sa bandang gilid ng kama at nakita ko ang dalawang tao na nakatingin sakin. Nakita ko si Khara na umiiyak at kasama nya ang isang lalake na hindi pamilyar sakin ang kanyang munkha. Sa labis na pagtataka ay tinanong ko sila. Sinagot naman ako ng lalake na nagpakilalang Kaizen at isa syang detective. Pinaliwanag nya sakin lahat ng nangyari at nagulat ako sa mga sinabi nya. May mga tinanong rin sya tungkol sa nangyari sakin bago ako napunta sa bahay nato pero kahit isa ay wala akong maalala. Sinabi rin nya na maaring may gumagamit sakin na ibang tao sa pamamagitan ng drugs, dahil bago pa ang trahedya na nangyarin sa school ay may nangyari samin ni Kaizen sa mismong ospital na pinagtatrabahohan nya at lahat ng iyon ay hindi ko rin maalala.
Sa lahat ng narinig ko ay nakaramdam ako ng galit at pandidiri saking sarili. Gulong-gulo ang isipan ko at gusto kong ipaghiganti ang mga namatay kong mga kaklase. Hindi ko rin masisisi ang mga lalaking gumalaw sakin dahil base sa pagpapaliwanag ni Xydex sakin ay ako mismo ang nagtulak sa kanila na makipagtalik sakin. Isang himala para sa kanila ang pagkakabuhay ko dahil karamihan sa kaklase ko ay namatay.
Kahit hindi kompermado ni Xydex na drugs nga ang dahilan ng lahat, pero ito ang napakalapit na dahilan sa lahat ng nangyari sakin maging sa mga kaklase ko. Dahil sa wala rin akong maalala pinaniniwalaan ko ang lahat ng sinabi nya.
Napaiyak nalang aka dahil sa sobrang depresyon. Samot sari ang mga pumapasok na emosyon, puno ng galit, paghihiganti, puot, pagkawalan ng pag-aasa at pagkawalang importansya saking sarili. Sinubukan kong mag wala pero agad naman ako pinakalma nina Khara.
"Bakit to nangyari sakin? Bakit ako?" hagulhol ko habang kayakap si Khara, maging si Xydex ay sinubukan din akong pakalmahin at sinabing maayos din ang lahat at nangako syang gagawin nya lahat ng makakaya nya.
Lumipas ang mga minuto ay wala na akong mailabas na luha pero andon parin saking pusot isipan ang lunggot at depresyon na aking nararamdaman. Habang nagmumukmok sa kwarto ay bigla akong kinausap ni Khara.
"Zierra sabay ka na kumain samin." alok sakin ni Khara na nagpatigil ng mga iniisip ko.
Tatanggi pa sana ako pero kanina pa ako nagugutom kaya sumunod naman ako sa kanila ni Xydex at pumunta kami sa labas ng bahay. Doon ay nakita ko ang dalawang lalake na nagpakilalang Zhayshin at Mirhu.
"Zierra, sorry nga pala sa nangyari. Di ko naman kasi alam n-" paghihingi ng tawad ni Mirhu na agad ko namang pinutol.
"Wag mo kong kausapin." galit kong sagot sa kanya na ikinagulat naman nito.
Nabigla rin ako sa nasabi ko sa kanya sa dahilang isa sya sa nakipagsex sakin. Pero namuo sa isipan ko na hindi dapat ako magalit sa kanya dahil ako mismo ang dahilan sa nangyari sa nangyari samin.
"O-okay lang. Wala ka namang kasalan eh" dagdag na sabi ko kanya. Mahinahon ko na itong sinabi at napansin kong naging komportable na sya sakin.
Habang kumakain sila ay wala akong gana para galawin ang pakain ko.
"Zierra di ka ba nagugutom." tanong sakin ni Khara.
"Nawalan kasi ako ng gana para kumain."sagot ko.
"P-pangit ba pagkakaayos ng plating ko s. Mukhang di ba masarap ang pagkain?" nag-aalangang tanong ni Mirhu pero naitawid nya naman ito.
Base sa reaksyon nya ay mukhang napakaimportante ng sagot ko, pero bago paman ako nakasagot sa kanya ay biglang nagsalita si Khara.
"Hahaha. Kahit kaylan talaga Mirhu napakaconcern mo sa luto mo." sambit ni Khara sa kanya at napamot nalang sa ulo si Mirhu sa sinabi nya.
"Zierra tikman mo muna masarap yan." pagiingganyo naman Zhayshin.
"O-oo masarap yan." sinuportahang sagot naman ni Mirhu sa sinabi ni Zhayshin.
Tiningnan ko ang plato ko at napakaganda ng pagkaka-plating ng pagkain at mukhang masarap itong kainin. Tumingin ako kay Mirhu at nagsalita.
"Di ko parin titikman." sambit ko.
"B-bakit naman hindi." gulat na tanong nito na ikinatawa nilang lahat.
"Masyadong magandang ang pagkaka-plating, ayaw kong sirain." biro ko sa kanya na ikinapula ng mukha nya.
Sa sinabi ay napatigil si Mirhu at nakatitig parin sakin at mas lalo ikinatawa ito nina Khara at Zhayshin, si Xydex naman ay bahagya ring napatawa sa biro ko. Biniro ko si Mirhu maging normal na ito makipag usap sakin para hindi na nya isipin pa ang nangyari samin.
Nagsimula na akong kumain at nasarapan ako sa niluto nya, hangang sa di ko namalayang ang dami ko na palang nakain. Napansin ko naman si Khara, Zhayshin, at Xydex na nakatingin sakin dahil sa lakas kong kumain. Ngayon lang ako naging ganito dahil sobra akong nasarapan sa luto ni Kaizen at ikinatuwa naman ito na makita akong gustong gusto ko ang luto nya. Pagnakikita ni Mirhu na paubos na ang pagkain ko ay inaabot nya sakin ang mga pagkain na agad ko naman tinatanggap. Nang naubos na ang laman ng plato ko ay nagtaka ako nang wala nang inaabot na pagkain sakin si Mirhu. Tiningnan ko ang mesa at wala nang natirang pagkain don.
"Ubos na?" bulong ko saking sarili na.
"Oo ubos na, inubos mo. Diba kanina wala kang gana?" sagot naman ni Xydex na kunyari ay galit.
"It's a prank!" dagdag na biro naman ni Zhayshin.
Tumawa silang lahat sa biro ni Xydex at Zhayshin.
"Sorry naparami ang kain ko." nahihiyang sabi ko sa kanila sabay tingin kay Mirhu at namula ulit ito nung tiningnan ko sya.
"M-Mirhu pwede bang magluto ka pa?" nahihiyang sabi ko sa kanya na mas lalo ikinatawa nina Khara, Zhayshin, at Xydex.
"S-sige" utal na sagot naman ni Mirhu dahil nagulat ito sa sinabi ko sa kanya. Agad naman syang tumayo at tumungo na sa kusina.
Habang hinihintay ang luto ni Mirhu ay masaya kaming nag uusap nina Xydex, Khara, at Zhayshin. Sa kabila nang lahat ng nangyari ay nagawa parin namin masaya ang usapan at dahil don ay gumaan ang pakiramdam ko at pansamatalang nakalimutan ko ang mga nangyari.
Sa pag uusap namin ay nagkaroon ako ng kaalaman sa mga personal background nina Xydex at Zhayshin. Maya-maya ay nakabalik na si Mirhu na may dalang mga pagkain. Nag simula na muli kaming kumain hanggang sa naubos na namin ito.
Gusto sana nilang manatili ako sa bahay ni Khara ay sinabi ko nalang sa kanila na kaylangan kong umuwi at manatili nalang sa mansion. Ipinaliwanag ko sa kanila na baka nag aalala na mga tao don sa mansion namin at pumayag naman sila.
Napagkasunduan narin nina Xydex at Zhayshin na mansion nalang nila ako babantayin at pumayag naman ako sa gusto nila. Nagsabi naman si Khara at Mirhu na dadalawin rin nila ako at susubukan nilang si Kaizen at Mio pag nakabalik na sila.
"Ingat kayo." sambit ni Khara bilang pamamaalam.
"Kayo din. Salamat sa tulong nyo sakin." sagot ko sabay lipat ng tingin kay Mirhu.
"Salamat din sa masarap mong pagkain. Punta ka lagi sa bahay para matikman ko lagi ang luto mo." sambit ko naman kay Mirhu na ikinapula ng kanyang mukha. Napatawa naman si Khara sa namumulang mukha ni Mirhu.
"S-sige. Bukas na bukas dadalawin na agad kita. Diba Khara." sagot nito sakin na sinusubukang sumangayon si Khara sa kanya at sinangayunan nya naman ito.
"Sige aasahan ko kayo bukas." sagot ko naman.
"Zierra tara na." tawag naman sakin Xydex.
Inabot ko sa kanya ang susi nang sasakyan ko at napagdisisyo nalang na iwanan nalang ang sarili nilang sasakyan sa bahay ni Kaizen.
Sumakay na kaming tatlo ni Xydex at ni Zhayshin sa sasakyan at sa kabila nang byahe namin ay di ko namalayang nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
The Resurrection of Lilith
FantasiLilith is a succubus who uses psychological warfare to enslave men. She hunt her prey on emotionaly weak men and steals their souls through sexual activity. She uses the collected soul fragments to regain the power of Satan. Repeated sexual activity...
