Kaizen's POV
Kasalukoyang bumabyahe ako ngayon pauwi ng bahay. Sa bawat takbo ng sasakyan ko ay sa iba naman tumatakbo ang isip ko.
Ang huling tingin na yon ni Zierra, naramdaman ko mismo sa kanya ang aura ni Lilith. Sa tuwing nararamdaman ko iyon ay nawawala ako saking katinuan. Kanina, habang paalis na siya ay parang gusto ko syang sundan. Nababaliwala ko ang imahe ni Mio sa tuwing andyan ang presensya ni Zierra.
Ano bang meron sa kanya at bakit nagdudulot sya ng kakaibang pakiramdam sa'kin. At bakit parang wala syang naaalala nong muling nagkita kami? Nagkukunyari lang ba syang di nya ako kilala o hindi talaga sya si Lilith? Ano ba talaga ang totoo nyang pangalan? Zierra nga ba talaga at hindi Lilith? Bakit di ko maalala ang pangalang Zierra sa kanya?
Napatigil ako saking iniisip nang mapansin kong dito pala ako garage namin. Bumaba ako ng saksakyan at papasok na ng bahay.
" Hey Dude! We've been waiting for you." salubong sakin ni Mirhu na nakasuot ng apron.
Si Mirhu ay isa sa matalik kong kaibigan. Isa syang magaling na chef dito sa bansa. Madalas ay napapalabas din sya sa TV bilang isang host sa isang Culinary show. Obviously sya ang laging naka toka sa pagluluto pag magkakasama kaming magtotropa. Ang problema nga lang pag sya ang nagluluto ay nauubos lahat ng groceries namin. Ang dami kasing arti pag nagluluto.
"Tsssk! Anong ginagawa mo sa pamamahay ko. Inubos mo nanaman ba laman ng refrigerator? Wag kang aamin kung gusto mo pang mabuhay." tanong ko sa kanya na may pagbabanta.
"Hey Dude, what do you expect? Yes of course! Napakasarap kaya magluto sa kusina mo. I can cook whatever I want. Everything in there is complete and suitable for my outstanding skills in cooking. Specially, we have our companions having fun inside your house." vulgar nitong sagot.
"Are you telling me you're not alone?" tanong ko.
"Yhup! It's usual na paboritong tambayan namin ang bahay mo. Kaylangan mo pa bang itanong ng paulit ulit yan? Take a Look!" sabay turo sa direksyon kung saan ang salas namin.
Pagpasok ko don ay nakita ko ang iba ko pang tropa. Si Xydex at Zhayshin abalang-abala sa pagkain ng niluto ni Mirhu hapang naglalaro ng online game.
Si Xydex ay isa namang detective pero mas kinahihiligan nito ang video games kesa sa trabaho nya. Madalas ay di sya pumapasok sa trabaho at tinatawagan lang sya para sa mga cases na di kayang resolbahin ng ibang detective. In short, isa sya sa pinaka sikat na detective na halos lahat ng case ay kaya nitong resolbahin at wala paring nakakatalo sa galing nya.
"Hey guys! Andito na si Kaizen." tawag ni Mirhu sa kanila.
"Oy Kaizen! Mukhang pagod na pagod ka ah. Ilang babae ba?" aroganting tanong sakin ni Xydex.
"Pagod lang ako sa trabaho." pagsisinungaling ko.
"At kaylan ka pa napagod sa trabaho? It was the first time na narinig ko yan sayo." sabay smirk sakin.
Di ko talaga gusto ang personality nya bilang isang napaka arogante kung magsalita at dagdag pa don ang pag aaktong detective nito idagdag pa natin ang pagiging mayabang nya.
"Oh my! Oh my! Mukhang may tinatago si Mr. Doctor satin! Maganda ba Doctor? Share mo naman samin." pang-aasar pa nito.
Kung di ko lang talaga sya tropa ay kanina ko pa to sinapak. Detective nga talaga sya at mahirap talaga itago sa kanya ang lahat. Pero wala parin akong intensyon na sabihin sa kanila ang totoo sa ngayon lalo na alam kong ika sisira ng relasyon namin to ni Mio sa oras na malaman nya.
"Tama na yan Xydex baka pagod lang talaga sya. Pero kung ako kay Kaizen, I should share it. Lalo na kung sexy. Hahahaha" pilosupong sagot naman ni Zhayshin na ikinatawa rin nina Xydex at Mirhu.
Si Zhayshin ay ang madalas na kasama ni Xydex since na magkababata sila ay malamang na close talaga sila sa isat-isa.
Isa naman syang business man. Kadalasang binibili nya ang mga ibat-ibang company at pinapalago nya ito sa sarili nyang pamamaraan. Since na isa syang business man, sya rin ang pinakamayaman saming lahat.
Napabuntong hininga nalang ako sa mga pinasasabi nila sakin at di ko na sinagot pa ang mga pang aasar nila.
"Dyan na nga kayo. Ligpitin nyo nalang mga kalat nyo bago kayo umaalis. Kaylangan ko nang magpahinga." paalam ko naman sa kanila.
Habang naglalakad papalayo sa kanila ay rinig na rinig ko parin ang mga ingay nila.
"Hoy! Xydex tirahan mo ko ng pagkain!" -Mirhu
"Magluto ka ng sayo." -Xydex
"Hoy baka di mo alam, ako ang nag-luto
nyan" -Mirhu
"Mirhu! Ako din di pa nakakain, luto ka nalang ng para satin." -Zhayshin
"Wag nyo kasi kainin agad habang niluluto ko pa yong iba!" -Mirhu
"Sorry na! Ang sarap kasi ng luto mo eh. Di kami makapaghintay eh." -Zhayshin
"Aba syempre! Pinaka magaling na chef
yata to!" -Mirhu
"Sige magluto ka na." -Xydex
"Anong sabi mo!" -Mirhu
Napabuntong hininga nalang ako dahil rinig na rinig ko parin sa malayo ang ingay nila. Paano ako makakapagpahinga ng maayos dahil sa ingay nila? Bahala na nga.
Lilith's POV
"Aaaahhhaaayyy!"
Napahikab ako sa sobrang boring. Ang boring talaga ng tinatawag nilang paaralan. Di ko alam kung bakit kaylangan pa nilang magtipon-tipon sa lugar na to para lang mag-aral. Napakaikli lang ng buhay ng mga nilalang nato pero nagsasayang pa talaga sila ng panahon para lang mag-aral? Mga mang-mang.
Halos lahat ng napasokan kong silid sa paaralang ito at napasok ko na. Pero halos lahat lang sila ay nasipagbagsakan kahit wala pa akong halos na ginagawa. Di ko akalain na ganito na pala kahina ang mga tao ngayon. Hindi gaya ng mga sinaunang panahon, mas mahirap pang akitin ang mga lalake dahil sa lakas ng pananampalataya nila sa kanilang Diyos.
Karamihan sa kanila ay namatay dahil sa napakahina ng kaluluwa nila. Mukhang nakalimutan ng mga tao na palakasin ang spiritual na katawan nila bukod sa physical na pangangatawan. Hihihi Isang pinakamasarap na kamatayan para sa kanilang lahat. Dapat lang sa kanila yon bilang isang pagiging mahina .
Napakarami kong nakolektang soul fragment ngayong araw pero wala manlang akong nakita na pweding maging slave men sa lugar nato.
Napaka-aga pa at marami pang oras na pwede pang gawin. What if kung puntahan ko nalang si Doctor?Hihihihi
Sigurado akong ikatutuwa nya na makita ako. Hmmmm napakasarap talaga ng trabaho ko.
San ba ako magsisimula sa pag hahanap? Hihihihi Doctor where are you? Whaaaahahahaha
"Just wait there for a second Doctor! I'm cumming for ya! Hihihihi"
BINABASA MO ANG
The Resurrection of Lilith
FantasyLilith is a succubus who uses psychological warfare to enslave men. She hunt her prey on emotionaly weak men and steals their souls through sexual activity. She uses the collected soul fragments to regain the power of Satan. Repeated sexual activity...
