Chapter 3

126 15 9
                                        

Zierra's POV

Matapus kong mag park ng sasakyan ay binuksan ko ang pinto para sa pagbaba. Sa pagkababa ko ay may narinig ako na dalawang pamilyar na boses.

"Lilith?"

"Zierra!"

Nilingon ko sila at nakita ko si Mio, isa sya sa mga kaklase ko.

Tingningnan ko rin ang lalaking kasama nya at mukhang pamilyar ang mukha nito sakin. Napansin kong grabi ito maka tingin na para bang kilala nya ako. San ba kami dati nag-kita?

"Ano ka ba Kaizen kung ano-anong pangalan tinatawag mo sa kanya." sabi nito sa kasama nyang lalaki.

"A-Hahaha akala ko kasi kilala ko. Parang may kamukha kasi sya ng ibang kaibigan mo." sagot ng lalaki sa kanya sabay tingin nito sakin.

"Malamang di mo sya kilala dahil bagong classmate namin yan. Baka kung sinong babae mo nanaman ang iniisip mo!" masungit na sagot ni Mio.

Napakamot nalang sa ulo yong lalake sa sinabi ni Mio. Base sa inaaktong pang-uugali ni Mio ay boyfriend nya itong kasama nya.

"Nga pala Kaizen, sya si Zierra bago naming kaklase. Zierra itong kasama ko, si Kaizen boyfriend ko sya at 4 years na kaming magkarelasyon." pagpapakilala ni Mio.

"Ah ganun ba. Congrats sa inyo, stay strong ☺️. And nice to meet you Kaizen." sabay yuko ko sa lalaki at ganun rin ang ginawa nya.

"Hihihihi di ko akalaing buhay pa ang lalaking yan. Di na ako makapaghintay na maging alipin ko sya." -Lilith

Isang boses na nakakakilalabot ang narinig ko.

Lumingon-lingon ako sa palagid kung saan nang galing yong boses nayon.

"Mio may sinasabi ka ba kanina" tanong ko sa kanyan.

"Ha? W-wala. Baka guni-guni mo lang yon. Tara na kaya, baka late na tayo." pag-aaya nito.

"Kaizen una kami." paalam ni Mio pero di sya nito narinig.

Napansin ko namang nakatingin sakin si Kaizen pero ang dilim ng pagkakatitig nito sakin na para bang nanggigigil ito sakin.

"Kaizen? Oyyy!" sabay tapik nito sa balikat na ikinabalik naman ng katinuan ni Kaizen.

"A-ah s-sige baby ingat ka." utal na sagot naman nito natinugunan naman ni Mio ng paghalik sa pisngi sabay alis.

Mio's POV

Habang naglalakad kami sa hallway ay napansin kong panay ang tingin ng mga lalaking studyante kay Zierra. Ngayon lang ba nila nakita si Zierra? Or sadyang famous lang sya sa boys?

" Zierra, di ko akalain na famous ka na pala dito sa school in a short period of time." bungad ko sa kanya.

"Bakit mo naman nasabi yan?" Tanong naman nito sakin.

"Di mo ba nakikita sa paligid mo? Halos lahat ng lalaki sa bawat kanto nakatitig sayo." bulong ko sa kanya.

"Oo kita ko, kaya bilisan nalang natin ang paglalakad. Ang manyakis ng mga tingin nila eh." sagot naman nito sakin.

Nang makarating na kami ng classroom ay napansin kong nagsibulongan ang mga kaklase kong lalake. Sa tingin ko ay si Zierra rin ang pinag-uusapan nila.

Di ko na iyon pinansin pa at dumiretso na ako sa upuan ko at ganon rin si Zierra. Pero di kami magkatabi dahil don sya naka-upo sa kabilang row.

Habang nagkaklase ay naririnig ko ang ibang bulunggan ng mga lalaki.

"Dre, diba si Zierra yan? Ngayon ko lang napansin ang lakas pala ng sex appeal nya. Tinitigasan ako pag-tiningnan sya."

The Resurrection of LilithMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon