Xydex's POV
Habang hinihintay namin ang pagdating nina Mirhu at Kaizen ay nag e-enjoy naman kaming naglalaro ng baraha. Kadalasan ako ang nananalo sapagkat paborito naming laruin ito ng mga katrabaho ko. Samantala, si Zhayshin naman nababagot na sapagkat palagi nalang syang natatalo sa laro.
"Bakit talo nanaman ako?" naiiritang sambit ni Zhayshin.
"Okay lang yan, normal lang talagang pinanganak na maliit ang utak. Di mo naman kasalanang pinanganak kang bubo eh." pang aasar ko sa kanya namaslalong nag udyok sa kanya na maglaro pa ulit.
"Isa pa! Sa susunod na larong to matatalo na kita." lakas loob na hamon naman nito sakin.
"Sigurado ka ba? Naka pitong set na tayo ng laro kahit isa di ka pa nanalo." pangangasar ko ulit na nagpatamime sa kanya.
"Tama na nga tong kakalaro natin. Medyo stress na si Zhayshin eh." biro naman ni Zierra sabay tawa.
"Oo nga eh, parang gusto ko nang magrelax sa beach." sakay naman na biro ni Zhayshin kay Zierra.
"Oo nga no. Miss ko na din pumuntang beach lalo na don sa Boracay." excited naman na sagot ni Zierra.
"Aba gusto ko yan, pupunta ba kayong beach ngayon?" bungat naman ni Mirhu na hindi manlang namin namalayang dumatin na pala sila ni Kaizen. Nakasunod lang si Kaizen sa likod at parang di alam ang gagawin o sasabihin. Siguro ay nahihiya sya dahil sa presensya ni Zierra.
Pinapanood ko lang sila at pinapakinggan ang mga pinag uusapan nila. Napagkasunduan nilang pumuntang beach, kahit biglaan yong plano ay mukhang matutuloy nga ang pagpunta naming Boracay.
"Ano? Di ka sasama Kaizen, bakit?" sigaw na tanong ni Zhayshin na halatang ikinagulat naman ni Kaizen dahil sa pagka over reacting ni Zhayshin.
"Pumunta lang naman ako dito para kamustahin si Zierra. A-at para humingi narin ng tawad sa kanya at kaylangan ko ring umalis agad." nauutal at nahihiyang sagot ni Kaizen.
"Ano? Pumunta ka lang dito para humingi ng tawad tapus aalis? Mahiya ka naman kay Zierra?" Over reacting na tunong ulit ni Zhayshin na halatang medyo kinainisan naman ni Kaizen sa mga sinasabi nito sa kanya. Sasagot na sana muli si Kaizen nang biglang kinausap sya ni Zierra.
"Hindi kita mapapatawad kung yan lang ang punta mo dito." mataray na bungad sa kanya ni Zeirra, na halata naman nagkukunwari lang itong maging masungit kay Kaizen.
Di na alam ni Kaizen ang isasagot kay Zierra at halatang napaniwala sya nito sa pag aacting ni Zierra. Napahalikhik naman sina Mirhu at Zhayshin sapagkat nakita nilang di manlang makakilos o makapagsalita si Kaizen.
"Ano pang ginagawa mo dito? Pwede ka nang umalis." dagdag na sambit ni Zierra sa kanya na patuloy parin sa pag aacting na mataray sabay talikod kay Kaizen.
Sapagtalikod ni Zierra sa kanya ay biglang nataran si Kaizen at hinabol nito si Zierra sabay hawak sa kamay nito.
"S-sandali, sasama na ako." nauutal na sambit ni Kaizen kay Zierra.
Nilingon sya ni Zierra at tinarayan sya ulit nito, na nagbigay naman ng bukas sa mukha ni Kaizen ang pag aalala na baka di parin sya mapatawad nito.
"Sigurado ka na ba dyan?" tanong ulit ni Zierra na nagkukunwari paring masungit.
"O-oo" utal na sagot naman ni Kaizen.
Nang makasagot na si Kaizen ay tumigil na sa pag aacting si Zierra at biglang tumawa ng malakas. Napatawa rin sina Mirhu at Zhayshin at maging ako ay bahagya ring napatawa sa ginawa ni Zierra. Bigla naman nagtaka si Kaizen kung bakit lahat kami ay tumatawa at ilang saglit ay narealize nito na trap lang pala yon ni Zierra para mapilitan syang sumama.
"Wala nang bawian yan ha?" nakangiting tanong ni Zierra kay Kaizen. Napailing nalang si Kaizen at halatang wala na syang choice kundi sumama nalang.
"Alright, let's go to Boracay! Zierra ang galing ng ginawa mo." masiglang sigaw naman ni Zhayshin na ikinatawa naman ng lahat.
Naghanda na kami ng mga gamit para sa mga kakailanhanin namin sa pag alis at ipinakilala naman sina Mirhu at Kaizen sa mga Maid ni Zierra. Habang naghahanda ay nabanggit sakin ni Kaizen na saglit lang syang sasama samin sapagkat kaylangan nyang balikan agad si Mio. Sinabi nya din na wag na sabihin pa kay Zierra para hindi narin ito mag alinlangan pang umalis at baka mag alala din sya sa kalagayan ni Mio at mukhang nakalimutan ni Zierra ang tungkol dito. Pumayag naman ako at sinabi sa kanya na ako na ang bahalang ipaalam sya kay Zierra.
Nang nakahanda na ang lahat ng kakailanganin ay napagpasyahan na naming umalis papunta sa Isla ng Boracay, kasama ang tatlong maid ni Zierra na tumutulong samin para bantayan at proteksyonan si Zierra.
Zierra's POV
Naging mabilis lang ang byahe namin sapagkat di naman gaanong kalayuan ang Boracay sa lugar namin. Ang Boracay ay nabibilang sa kumpol ng isla sa Panay sa Kanlurang Visayas. Sikat ang isla dahil sa taglay nitong white sand beach. Bukod sa scuba diving, snorkeling, windsurfing, kiteboarding, at cliff diving, dinadagsa rin ang Boracay dahil sa night life dito na pinasisigla ng iba't ibang restaurants, bars, at night clubs. Bukod sa magandang mga buhangin nito, ipinagmamalaki rin nila ang mga naggagandahang mga resorts dito. Nahirang din ang isla ng Boracay ng isang travel ang leisure magazine bilang “Best Island in the World”.
Halatang excited ang lahat maging ako rin ay ganun rin. Gusto kong magrelax matupos ang lahat ng insidenting nangyari sakin at kahit sa ganitong trip namin ay pansamantala kong makakalimutan ang lahat ng yon. Maya-maya ay bigla nalang tumayo si Zhayshin sa sinasakayang naming motor boat at sumigaw
"Whooo! Malapit na tayo, excited na kong makakita ng mga nagsesexyhang mga foreigner." pasigaw na sabi ni Zhayshin habang nakataas pa ang dalawang kamay, nagtawanan naman ang lahat sa ginawa nya.
Nang makarating na kami sa isla ay biglang may bumulong saking isipan.
"Good job Zierra, you make it easier for me to complete my mission." sambit nito saking isipan na para bang meron akong dalawang pagkatao. Dagdag pa don ang malademonyong pagtawa nya na halos boses nya lang ang naririnig ko saking isipan. Para akong nababaliw at nawawala sa katinuan pero bigla rin itong nawala nang may tumawag sa pangalan ko.
"Zierra, nandito na tayo di ka pa ba bababa?" sigaw sakin Zhayshin na nagpabalik sakin sa katinuan.
"P-paraan na ako!" nauutal ko naman sagot dahil sa pagkabugla.
Habang lumalapit ako sa kanila, sa di malamang dahilan ay, sa pakiramdam ko ay mapapahamak ang buhay nila pagkasama nila ako. Nakaramdam ako ng masamang kutob pero walang kalinawan sakin kung ano ang tunay na dahilan.
![](https://img.wattpad.com/cover/239854282-288-k457549.jpg)
BINABASA MO ANG
The Resurrection of Lilith
FantasyLilith is a succubus who uses psychological warfare to enslave men. She hunt her prey on emotionaly weak men and steals their souls through sexual activity. She uses the collected soul fragments to regain the power of Satan. Repeated sexual activity...