Chapter 7

90 4 3
                                    

Xydex POV

Bumalik kami sa bahay ni Kaizen para ipaalam ang nangyari sa girlfriend nya.

Nang papasok na kami sa gate ng bahay nila ay may napansin akong sports car sa tapat nito.

"Xydex kaninong sasakyan yan? Ang gara ha." tanong sakin ni Zhayshin.

Nagkibit balikat lang ako, dahil sa ako rin ay di ko alam kong kanino ang sasakyang iyon.

Pinagpatuloy nalang namin ag paglalakad at pumasok na sa bahay nina Kaizen.

Sa pagpasok namin sa bahay ay nakasalubong namin ang kapatid ni Kaizen. Halatang bagong gising ito at nakadamit pantulog parin.

"Hello miss beautiful." bungad sa kanya ni Zhayshin.

Di sya nito pinansin kaya naman ako nalang ang kumausap sa kanya.

"Khara asan kuya mo?" Tanong ko.

"Doon sa taas natutulog. Wait lang gigisingin ko." sabay alis.

"Hoy Xydex, may gusto yata sayo si Khara." sabit ni Zhayshin.

"Bakit mo naman nasabi yan?" pagtatakang tanong ko naman.

"Di mo ba napansin? Nagpapacute sya sayo nong kinausap mo sya." pagpapaliwanag nito.

"Nagkamali ka lang siguro ng tingin. Naduling lang yata yang mata mo kakalamas ng mga suso ng mga bangkay don kanina sa school nina Mio." pang aasar ko.

"Grabi ka naman. Palibhasa wala ka namang pake sa mga babae kaya di mo napapansin mga galawan nila. Detective ka nga pero ang hina mo makadetect pagdating sa babae. Mas bagay pa yata sakin maging detective eh." sagot naman nito.

"Oo na. Ikaw na. Ikaw na ang kauna-unahang detective na manyakis." sagot ko naman sa kanya.

Sa pag-uusap namin ay may biglang sumigaw ng pagkalakas lakas sa ikalawang palapag ng pahay ni Kaizen.

"KYAAAAAAAAAAAAA!!!"

Nagkatinginan kami ni Zhayshin at sabay kaming tumakbo papuntang 2nd floor.

"Boses yon ni Khara." sambit sakin ni Zhayshin.

"Oo,alam ko." sagot ko naman sa kanya.

Nakita naming nakatayo si Khara sa tapat ng kwarto ni Kaizen.

Agad kaming pumasok sa kwarto para makita kung ano ang nangyari.

"What the fuckkkkk!?" sigaw ni Zhayshin dahil na rin sa pagkagulat.

"W-wait let me explain!" natatarantang sagot ni Mirhu.

"No need to explain Bro. Huli na kayo sa akto. Obvious naman na may nangyari sa inyong dalawa ni Kaizen. Hubot hubad ba naman kayong dalawa." OA na sagot naman Zhayshin.

"This is a misunderstanding." antok na sagot ni Kaizen.

"Di ko alam na bakla ka pala kuya. Okay naman kung sasabihin nyo ang totoo eh. Di nyo naman kaylangan itago." sambit ni Khara.

"Oo nga, tinatanggi nyo pa eh huli na nga kayo sa akto."dagdag muli ni Zhayshin sabay comfort kay Khara na halos yakap na nya ito. Ang manyakis talaga.

"I think they are telling the truth." basag ko sa mga usapan nila.

"What do mean?" tanong namin ni Khara.

"For now I'm not really sure but let them rest first. Let's get out of here." paliwanag ko naman sa kanila sabay labas ng kwarto.

"Zhayshin? Ano ginagawa mo?" rinig kong tanong ni Khara kay Zhayshin habang ako ay papalayo.

The Resurrection of LilithTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon