Chapter 16

48 2 1
                                        

Nancy's POV

"Daddy, I'm home!" masigla kong sigaw sa kanya habang papasok na ako ng bahay, pero walang Daddy na sumagot. Napansin kong nakahandusay lahat ng mga guards ng bahay at duguan at napag alaman kong may hindi magandang nangyari.

Habang patungo ako sa sala namin ay nakita kong napakagulo ng mga gamit roon at masasabi kong sanhi ng pakikipaglaban. Nakita kong ang mga balang nakakalat sa sahig at iilang dugo na masasabi kong galing iyon sa mga kalaban. Nakita ko naman ang isa baril na alam kong pagmamayari ni Daddy pero wala ang katawan nya doon. Nagsimula akong alughugin ang buong bahay pero di ko na nakita pa si Daddy Frank. Sinubukan ko syang hanapin pero kahit na isang beses ay di ko sya nahanap o kaya aksedinting makita manlang.

Lumipas ang nineteen year ay wala na akong narinig pang balita tungkol sa kanya, kaya tinanggap ko nalang na wala na talaga si Dad.

"I miss you Daddy."

Minulat ko ang aking mga mata at narealize na  napanaginipan ko nanaman ang aking nakaraan. Sinumalan ko nang bumangon sa at napansin kong hirap akong kumilos at pakiramdam ko ay parang pagod na pagod.

"Ano ba ang mga ginawa ko kahapon, bakit pagod na pagod ang katawan ko?" tanong ko saking sarili, na agad naman nagpaalala sakin sa nangyari samin kahapon.

Agad kong pinuntahan si Hanna at Yhoomie. Nakita ko na abala sila sa paglilinis ng bahay at halatang wala silang kaalam-alam sa nangyari sakin kagabi.

"Kaylangan ko kayong makausap." bungad ko sa kanilang dalawa.

"Good morning sleeping beauty. Kaylangan talaga namin ng paliwanag na galing sayo." sagot naman ni Yhoomie sabay tawa.

"Alam kong di nyo ito mapapaniwalaan pero si Ma'am Zierra ay sinasaniban sya ng isang demonyo ." sambit ko sa kanila na tinugunan lang nila ng malakas na pagtawa na nagbigay sakin ng pagtataka.

"Ano bang pinagsasabi mo Nancy at tyaka wag ka ngang magbiro ng ganyan tungkol kay Ma'am Zierra. Nasobrahan ka yata sa tulog kaya kung ano-ano na napapaniginipan mo" sagot naman nito sabay tawang muli.

"Kung nag-hahanap ka nang excuses mo sa hindi paghugas nang plano kagabi, kalimutan mo nayon dahil tapus na naming hugasan." dagdag naman na sabi ni Hanna na sabay din nilang ikinatawa ni Yhoomie.

Naisip kong hindi talaga kapanipaniwala ang mga sinabi ko sa kanila at nagdulot sakin nang sobrang pagkainis sa kanila dahil tinatawanan lang ako ng mga ito.

"Ano ba! Totoo ang sinasabi ko, makinig naman kayo sakin." inis kong sigaw sa kanila na nagdulot sa kanila ng pagiging seryuso.

"Nancy chill lang, alam naming pagod ka lang dahil sa dami nang mga inasikaso mo kahapon.    Tyaka akala namin nagbibiro ka lang din sa mga sinabi mo." pagpapaliwanag ni Yhoomie.

"Siguro ay masyado ka lang nag-aalala sa kalagayan ni Ma'am Zierra. Pwede mo syang i-check ngayon sa labas, naglalaro sila ng baraha ngayon nina Zhayshin at Xydex sa labas." pagpapaliwanag naman ni Hanna.

Sa sinabi ni Hanna ay agad akong nagulat at agad na tumakbo papunta sa labas ng mansion. Nakita kong masayang nakikipag lalo ng baraha si Zierra kina Xydex at Zhayshin. Sa nakita ko ay nabigyan ng kalinawan ang magulo kung isip at napagtanto kong panaginip lang pala ang lahat na inaakala kong totoo ang nangyari samin kahapon. Agad namang napansin ako ni Zierra at binati ako.

"Good morning Yaya Nancy, gising ka na po pala." sigaw nito sa malayo na tinugunan ko naman ng pagkaway ng kamay bilang pahiwatig na narinig ko ang sinabi nya. Pagkatapus non ay kumaway rin sakin sina Zhayshin at Xydex sabay balik sa paglalaro nila ng baraha.

Maya-maya ang napansin may mga umakbay sa balikat ko at alam ko si Hanna at Yhoomie iyon.

"Okay ka na ba ngayon Nancy dahil nakita mong nasa mabuting kalagayan si Ma'am Zierra?" sambit ni Yhoomie sakin sabay ngiti.

"Pansensya na kayo kala ko kasi totoo ang nangyari sa panaginip ko." nahihiyang paghihingi ko ng tawad sa kanila.

"Ano ka ba Nancy, wala yon. Madalas rin kaming ganyan, normal lang yan." sagot namin ni Hanna.

"So pano, balik na muna kami sa mga gawain namin at kaylangan pa naming maghanda para sa tanghalian. Tyaka maligo ka na muna, nangangamoy laway ka pa eh." pagbibiro naman ni Yhoomie na ikinatawa naman nilang dalawa ni Hanna sabay alis.

Inamoy ko naman ang sarili ko at ang asim nga ng amoy ko. Dumiritso na akong kwarto at domiritso sa banyo. Habang naliligo ay napanatag ang loob ko dahil panaginip lang ang lahat, dahil kunh totoo man iyon, di ko na alam kung mapoprotektahan ko pa si Ma'am Zierra, ang pangalawang taong naging malapit sakin.

Mirhu's POV

Kasalukuyang nagluluto ako ngayon ng mga pagkain bilang pasalubong kay Zierra sa oras na pagbisita namin sa kanya mamaya.  Sabik na akong makita syang muli, namimiss ko na ang napakaamo nyang mukha at magaganda nyang ngiti.

Pagkatapus ko ihanda ang mga pagkain ay agad akong naligo at nagbihis. Kinuha ko yong cellphone ko para tawagan si Kaizen para alamin kung ready na din ba sya.

"Kaizen, asan ka ngayon?" bungad ko sa kanya sa kabilang linya.

"Dito ako ngayon kay Mio, chineck up ko muna sya bago paman tayo umalis." sagot naman nto.

"Ready na ako. Eh ikaw ba?" tanong ko naman sa kanya.

"Ready na din ako, daan mo nalang ako dito kung paalis ka na." sagot naman nito sabay baba ng tawag.

Dumiritso na akong kotse dala-dala ang mga pagkain niluto ko para kay Zierra at sinumlang paandarin ang saksakyan. Maya-maya ay tumawag si Zhayshin.

"Asan na kayo, akala ko ba pupunta kayo dto ngayon?" bungad naman nito sakin na halatang excited sa pagdating ko.

"Paalis na kami, susunduin ko pa si Mhiru tapus didiritso na kami dyan." sagot ko naman sa kanya. Ibababa ko na sana ang tawag nang muli pa itong tinanong.

"May dala ka bang mga niluto mo?" mabilis na tanong nito na halatang yon talaga ang dahilan ng pagtawag nya sakin.

"Oo meron, pero para lang to may Zierra." inis kong sagot sa kanya sabay baba ng tawag.

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan dahil excited na akong makita si Zierra. Sabik na rin akong ipatikim sa kanya ang luto ko at makita syang nasasarapan sa luto ko.

The Resurrection of LilithMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon