Chapter 2: Saved
Lance:
Good morning!
Nagising ako nang tumunog ang cellphone ko. I groaned in annoyance before looking at it.
Napabalikwas ako ng bangon nang makita na kay Lance galing yung text. Parang nagising bigla ang diwa ko sa hindi ko malamang dahilan.
Ako:
Good morning to you too.
Lance:
Sorry nagising ba kita?
Ako:
Hindi naman.
Lance:
Kumain kana ba?
Napataas ang kilay ko. Hmm..
Ikinibit-balikat ko nalang lahat ng naiisip ko. Simpleng tanong lang naman ang naisend niyang text.
Ako:
jwu
Lance:
Eat your breakfast na. Magagalit ako kapag hindi ka pa kumain.
Wow. Feeling jowa?
Ako:
Linyahan ng mga pa-fall. Smh
Lance:
Don't worry, I'll catch ya.
I felt something weird on my stomach pero isinawalang-bahala ko yun. He's a playboy Penelope! Remember that! Malay ko ba kung ako lang ba talaga ang tine-text niya ng ganito diba?
Ako:
I'll eat na, you should eat narin.
I cringed when I saw my message. Conyo amp.
Lance:
Yes ma'am! <3
I gasped when I saw the heart emoticon on his last message. Is he really flirting with me?
Parang kahapon lang ng umaga ay nagdadasal ako na ibigay sa akin ang prince charming ko. Hindi ko naman inexpect na ibibigay kaagad sa akin.
Well, I'm still not very sure kung siya na nga ba talaga so I might as well chill out.
Kumain na nga ako habang si Kelly ay naliligo na. May morning class siya ngayon habang ako ay mamayang ala-una pa.
Napatigil sa ere ang tinapay na isusubo ko sana nang dumating bigla si Camille.
"Morning sisters!" bati niya. Medyo napangiwi pa ako sa boses niya na parang nakalunok ng mic.
Umagang-umaga ang energetic niya ha?
"Cams. Napadayo ka yata?" tanong ko tsaka kumagat sa tinapay na hawak ko.
"I heard from Kelly kasi that you went on a date daw kagabi. Is that true ba?" nabulunan ako bigla sa kinakain ko.
I immediately reached for my glass of milk tsaka nagmamadaling ininom yun.
"Omg! I'm so proud of you sis! Gosh, I can't stop my tears.." eksaherada niyang pinunasan ang luha niya 'kuno na nagpangiwi sa akin.
Ano bang pinagsasasabi ni Kelly sa babaeng to?
"Dinner lang naman yun, Cams," I shrugged my shoulders.
Naupo siya sa kama ni Kelly. "Romantic candlelight dinner ba? Tapos kayo lang dalawa?" she asked with her twinkling eyes.
Kumunot naman ang noo ko. "Hindi. Nag buffet kami at sa pagkakatanda ko ay maraming tao roon sa restaurant,"
BINABASA MO ANG
My Seven Princes
RomanceMy Seven Princes Alarie Series #1 Status: Ongoing Genre: Reverse-harem, romance Penelope Aragon wished for a prince charming ever since she was a little girl but she never thought that God will be this generous for granting her wish seven times.