9th

18 1 0
                                    

Chapter 9: Quarrels

Today is the most awaited day. Today is finally the Foundation day!
Nababalot ng kasiyahan ang buong paligid. We're free to roam around the whole day. Ang mga officers naman na kasi ang in-charge sa booth namin kaya wala na akong poproblemahin pa.

Nasa Grand Auditorium kaming lahat dahil sa paunang program ngayong 6:00 am.

Nagspeech ng kaunti ang dean bago ipakilala ang pamilya na nagmamay-ari ng university.

"Let's welcome the Alarie Family. Mr. and Mrs. Alarie and their only son, Mr. Leonell Alarie." Pagpapakilala niya dun sa mga blonde ang buhok. Nagpalakpakan kaming lahat.

Nagtaka lang ako dahil wala naman akong nakikitang kasama nung mag-asawang Alarie.

"Something urgent came up with our son so he will be late," sabi ni Mr. Alarie.

Nagspeech siya sandali pagkatapos ay ang dean naman ang nagsalita ulit.

"I will not elongate this anymore. May each and everyone of you enjoy this wonderful day. All of you can go now and have fun, Alarians."

Nagpalakpakan kaming muli tsaka lumabas. Ang iba ay naghihiyawan na sa sobrang excitement.

--

"Let's go there!" masayang pangyayaya sa amin ni Camille sa direksyon ng mga booth ng pagkain.

Naiiling kami ni Kelly na sumunod sa kanya.

Pagkain lang yata ang habol niya sa foundation day.

Binigyan niya kami pareho ni Kelly ng fortune cookie. Nagulat pa ako ng isubo ito ng buo ni Kelly.

"Oh my gosh," gulat na saad ko.

"Boba! There's a paper inside that cookie!" natatarantang sambit naman ni Camille.

Mukhang nagulat naman si Kelly tsaka mabilis na lumapit sa basurahan para iluwa yung cookie.

Napailing naman ako.

I cracked the cookie and got the paper inside.

You'll meet your prince charming today!

Napakunot ang noo ko. Prince charming?

Should I believe this piece of paper?

Saglit akong nag-isip tsaka biglang natawa sa sarili.

How could I believe this? It's just a mere piece of paper, there's no way it can dictate my future.

I crumpled the paper and toss it towards the garbage can.

Pagkatapos kumain ng kumain ni Camille ay naglibot na kami sa buong field. Para akong nasa pang mayamang peryahan. Elegante ang lahat pero masaya.

"You're under arrest," sabi bigla ng nasa likod ko kaya gulat akong lumingon dito. Nakita ko si Senior na nakangisi sa akin.

Gulat na gulat ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Naka-uniporme siya na pang pulis. Malayong-malayo sa itsura niya na pang gangster.

"Wow." manghang sabi ko.

He chuckled. "Sa lahat ng naaaresto ikaw lang ang nagsabi niyan."

Natawa rin ako. "Bakit mo nga ba ako aarestuhin? Gusto mo ba akong mabulok sa kulungan?"

"You're under arrest for kidnapping my heart. You should be jailed forever, bahay ko ang kulungan." sabi niya na nagpaawang sa labi ko.

"Sa lahat ng mang-aaresto ikaw lang ang nagsabi niyan," pagbalik ko sa sinabi niya kanina habang tumatawa. Tumawa rin siya.

My Seven PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon