3rd

26 1 0
                                    

Chapter 3: Courtship

Papasikat palang ang araw ay hihikab-hikab na akong naglalakad patungo sa building namin.

How I hate early morning classes!

I became fully awake when I saw a bunch of students having a commotion right on the open field.

Out of curiosity, nakita ko nalang ang sarili kong nakikisiksik para makita kung anong meron.

"Excuse me, may I ask kung anong meron dito?" tanong ko dun sa lalaking matangkad na naka-nerdy glasses.

"Pinaparusahan yung mga nakalagay sa LDL." sabi nito na nagpakunot sa noo ko.

Pinaparusahan? LDL?

I don't know but I have a bad feeling about this.

Tinanong ko siya kung ano yung LDL.

"Lancer's Death List. Kagagawan yun ng fandom ni Lance."

Nanlaki ang mga mata ko. Bago ako nagmamadaling naglakad ay nagpasalamat na muna ako sa kanya.

"Excuse me, excuse.. Makikiraan," sabi ko habang pilit na naglalakad papuntang unahan.

Natutop ko ang bibig ko nang makita ang grupo ni Anna na nakahilera sa gitna ng open field. Naka-blind fold sila at nakagapos ang mga kamay at paa. May mga naka-pink na t-shirt na may mukha ni Lance ang nagpapamigay ng mga tennis ball sa mga estudyanteng nakapaligid kina Anna.

D-don't tell me, ibabato nila 'yang matigas na tennis ball kina Anna?

"Good morning Alarians! I am Sheena Divina Padua, the honorable president of our beloved's fandom called Lancers. Y'all will witness how Lancers punish those who violated, harassed and pestered our most adored Lance Hernandez," pagpapahayag ng nagpakilalang president ng Lancers. Naka-lapel pa talaga ito habang nakatungtong sa balikat ng dalawang maskuladong lalaki.

"ARE YOU READY?!" energetic na sigaw niya bigla.

"We'll start in three..two.." nanlaki ang mga mata ko.

"STOP!!!" sigaw ko sa abot ng makakaya ko.

Nagulat naman ang president na si Sheena Divina Padua kaya nawalan siya ng balanse na nagpatili sa kanya. Natatarantang dumapa sa damuhan ang mga alagad niyang malapit sa kanya kaya bumagsak siya sa katawan ng mga ito. Dumaing silang lahat na nadaganan.

Galit na tumayo si Sheena Padua habang dumadaing parin yung may-ari nung likod na inaapakan niya.

"YOU!" galit na turo nito sa akin. May biglang lumapit sa kanya at bumulong. Mukhang secretary niya yata or something..

Nagtaka ako nang magbago bigla ang ekspresyon niya. Nakangiti siyang naglakad papunta sa akin. Dumadaing ang mga nakadapang naaapakan niya.

Pagkapunta niya sa harap ko ay kailangan ko pang tumingala kahit na wala siyang kahit na anong suot sa paa. Matangkad kasi siya habang ako ay..well, let's just say, cute-size.

"You're so pretty. May I ask why did you stop me a while ago?" nakangiti siya sa akin habang magalang akong tinatanong.

Naguguluhan ako. Kanina lang ay mukha siyang papatay pero bakit ngayon ay para siyang santa kung umasta?

Something isn't right here. She's acting strangely. She's awfully polite right now. Ibang-iba sa itsura niya kanina.

"Uhm..please don't do this cruel thing anymore," pakiusap ko sa kanya.

Suminghap naman siya tsaka mabilis na idinapo ang kamay papunta sa hanggang balikat kong buhok.

Akala ko ay sasabunutan niya ako pero nagulat nalang ako nang marahan niya itong hinaplos.

My Seven PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon