4th

19 1 0
                                    

Chapter 4: Trapped

It's already Friday, and Friday means freedom day!

PE day talaga namin ngayon pero hindi naman mandatory na maglaro ng kung anong sports kaya pwede kong sabihin na freedom day ang Friday.

We're all wearing Alarie's PE uniform.

Eto ang pinakamasayang araw ng mga athletes na nagpupursue ng academic course dahil magkakaroon sila ng oras na maglaro ng sports na gusto nila. Although may Sports Department naman para sa mga athletes ang Alarie University, pero may cases kasing ganito sa mga students.

Sina Kelly at Camille ay abala sa paglalaro ng badminton. Nagpaalam ako sa kanilang pupunta na muna sa cafeteria dahil nagugutom na ako.

Tanghali na kasi akong nagising habang sila ay kanina pa kaya nauna na silang kumain sa akin.

--
Nakita kong kumaway sa akin pareho sina Lance at Jace pagkapasok ko sa cafeteria. Nakaupo sila sa magkaibang table kaya nalito tuloy ako kung kanino ako lalapit.

I sighed.

Mas mahirap pa ito kaysa sa mga naging exam ko sa math.

Ang ginawa ko ay ang pinakamadaling paraan. Naupo ako sa bakanteng mesa na nakita ko.

Bakit ko pasasakitin ang ulo ko sa pagpili kung may madali namang paraan? Kaya ko namang mag-isa.

Lumapit ang waiter sa akin kaya sinabi ko na ang order ko. Marami iyon dahil nga gutom ako.

Ibinigay ko sa kanya ang student ID card ko. Ito kasi ang nagsisilbing credit card dito sa Alarie.

Sakop ng scholarship ko ang lahat ng expenses ko rito kaya wala akong problema.

Inislide niya yun dun sa nasa bewang niya na hindi ko alam ang tawag. Basta ron inii-slide yung card. Ibinalik niya na sakin ang ID ko pagkatapos.

Kasabay ng pag-alis ng waiter ay ang pag-upo nina Lance at Jace sa upuang nasa harap ko habang bitbit nila ang tray nila.

"Hi Penelope! What a beautiful morning right?"

"Yeah..good morning Jace," ngumiti ako sa kanya.

"Everyone's staring at me again. Kahit buong buhay ko na itong nararanasan ay hindi ko parin maiwasang mahiya," he cautiously covered the side of his face while talking to me.

Mukhang nahihiya nga siya. Right. Mahiyain siyang tao. Isa siyang mahiyaing klase ng lalaki.

"Shut up dude. You're making me lose my appetite," sabi ni Lance na may bahid ng disgusto.

Natatawa akong napailing sa kanilang dalawa. Sa ilang beses nilang pagtatalo sa harap ko ay nasanay na ako.

"Just eat boys. Mukhang napagod kaya sa paglalaro ng sports niyo." nakangiting sabi ko sa kanila.

"I am no boy. I'm a manly man you know," Jace showed me his biceps, natawa naman ako.

"Hindi nga ako pinagpawisan manlang e. Sanay kasi akong mag-gym,'' mayabang na pinagpag ni Lance ang kwelyo niya.

"Sana all," sabi ko tsaka sumubo ng kanin na may kasamang ulam na kaldereta. Pawis na pawis nga ako kahit hindi naman ako nagtagal sa paglalaro ng badminton.

"Don't believe him Penelope. Halos hikain nga yang panget na 'yan sa sobrang hingal kanina." kontra ni Jace.

"Hoy anong panget? Sira ba yang mata mo? Tsaka pano mo nasabing halos hikain ako ha?" naniningkit ang mga matang tanong ni Lance.

"Baka kasi magkalaban tayo sa basketball game kanina?" nakataas ang kilay na sagot ni Jace.

Ngumisi si Lance. "Talaga namang inalam mo pa ang kalagayan ko ha. May crush ka sa akin 'no?"

My Seven PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon