11th

28 1 0
                                    

Chapter 11: Hurt
 
"Senior?" nagtatakang tawag ko.
 
Diba nasa stage siya kanina at kumakanta? Hindi pa sila tapos magperform ah? Anong ginagawa niya rito?
 
Narinig ko ang bulungan ng mga tao sa paligid ko kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng pagkailang.
 
"Hey man, what's your problem? We're in the middle of dancing here."
 
"Ako naman. Kanina pa kayo e." nakangising sabi ni senior pero hindi nakatakas sa akin ang nanunusok na tingin nito kay Leon.
 
"I'm sorry?" Leon asked with a puzzled face.
 
"Napasubo yata ako." senior said with regret.
 
Pinigilan kong matawa.
 
Naghihintay si Leon sa sasabihin niya kaya nagsalita muli si Senior.
 
"It's my turn." maangas na sabi ni Senior.
 
Tinakpan ko na ang bibig ko dahil natatawa na talaga ako. Para kasing matatae na ewan yung mukha ni senior pero pinipilit paring magmukhang maangas. Uncomfortable siguro siya sa pakikipag-usap gamit ang lengguwaheng iyon sa isang taong fluent magsalita non.
 
"Is he your boyfriend?" bulong sa akin ni Leon.
 
Nanlaki naman ang mga mata ko at agad iyong itinanggi. Parang ang labas kasi ay nagch-cheat ako.
 
"I'm her suitor."
 
"Oh..so courtship is still being done here in the Philippines, huh?" tumatangong sabi ni Leon.
 
"Anyway, you can dance with her now," sabi niya kay senior bago tumingin sa akin. "See you around, madamoiselle. Looks like I'll be seeing you a lot from now on," sabi niya tsaka nakangiting kumaway paalis.
 
"Ano yun manliligaw rin siya?" tanong ni senior habang nakatingin sa direksyon ni Leon.
 
I shrugged. Hindi ko naman kasi alam ang sagot sa tanong niya. Ayaw ko namang mag-assume.
 
Tumingin siya sa akin tsaka ngumiti. Marahan niya akong hinawakan mula sa likod para mailapit ang katawan ko sa kanya. He then encircled my arms around his nape while his hands settled on the sides of my waist.
 
"Bakit ka nga pala narito? Hindi pa kayo tapos ah. Iniwan mo yung mga kabanda mo sa stage." sabi ko sa kanya.
 
"Hayaan mo sila. Malalaki na sila, kaya na nila ang mga sarili nila." he joked.
 
I laughed, "Papagalitan ka nanaman ni Ryx!"
 
"Hindi yan.." walang pakialam na sabi niya.
 
"Tingnan mo nga oh. Ang sama ng tingin niya sayo." sabi ko habang nakatingin sa stage.
 
"Sinasaktan mo ako," sabi niya bigla na nagpakunot sa noo ko.
 
Napatingin ako sa kanya. "Pinagsasasabi mo?"
 
"Ako ang kasayaw mo pero iba ang tinitingnan mo," may pagtatampong sabi niya.
 
Pabiro kong inikot ang mga mata ko sa kanya.
 
"Oh ayan. Happy?" sabi ko habang nakatingin sa kanya gamit ang nanlalaki kong mga mata.
 
"Ampanget mo." tumatawang panlalait niya tsaka inihilamos sa mukha ko ang palad niya.
 
Tinanggal ko ang palad niya sa mukha ko. "Excuse me? Parang hindi mo ako sinabihan ng maganda kanina ha."
 
"Pandagdag pogi points yun e."
 
Sinamaan ko siya ng tingin tsaka napatingin sa palad na idinikit niya sa mukha ko kanina. "Baka kung saan mo iyan hinawak ha?"
 
He smirked. "Sa bagay na pahaba tapos may ulo lang naman."
 
Nanlaki ang mga mata ko. "Senior!" naeeskandalong tawag ko sa kanya.
 
"Mic ang tinutukoy ko. Ang dumi ng utak mo! Tsk." naiiling na sabi niya.
 
Hinampas ko siya sa balikat. "Edi wow!"
 
"Bakit totoo naman ah? Mic naman talaga kasi vocalist ako, hindi pwedeng wala akong hawak na ganon 'pag kumakanta."
 
"Oo nalang."
 
Nakita ko sa likod ni Senior si Jace na nakasimangot na naglalakad papalapit sa amin. Nang makalapit siya ay tinapik niya sa balikat ang kasayaw ko kaya napalingon ito sa kanya.
 
"Ako naman dude. I'm her date just so you know."
 
Hindi na umangal pa si senior. Napipilitan siyang umalis para magbigay-daan kay Jace.
 
Ipinatong ko ang mga kamay ko sa balikat ni Jace, siya naman ay sa bewang ko humawak. We swayed our bodies on the sound of the music.
 
"Tumae lang ako saglit may kasayaw ka ng iba." nakangusong sabi niya.
 
What the heck. Kailangan pa ba niyang sabihin yun?
 
"Pati ba naman pagtae mo ay sasabihin mo pa sa akin?"
 
He grinned. "Hindi ako secretive pagdating sayo e. Gusto ko lahat sa akin ay alam mo. Ganon rin ako sayo."
 
"Gets ko naman pero pati talaga pagtae, Jace? Seryoso ka nyan?'' natatawang saad ko.
 
"Seryosong tumae ako ha. Amuyin mo pa oh." pabiro niyang inilapit ang kamay niya sa akin.
 
"Dugyot!" sabi ko tsaka inalis sa balikat niya ang kamay ko para kurutin siya ng mahina sa tagiliran niya.
 
"Ouch!'' daing niya na nagpataas sa kilay ko.
 
"Ang OA mo."
 
Ngumisi siya, "Kunwari ka pa, gusto mo lang hawakan abs ko e."
 
"My abs ka sa tagiliran? Tch." Pabiro ko siyang piningot naman ngayon para wala na siyang masabi.

My Seven PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon