6th

16 1 0
                                    

Chapter 6: Baby

I spent my Sunday morning going to the church. I missed having conversations with our church's music team. I'm well-acquianted with them 'cause I've been going here every Sunday ever since I was a child.

Tinuruan nila ako kung paano gumamit ng iba-ibang instruments pero keyboard lang ang nagustuhan ko. Masakit kasi sa kamay kapag gitara. Masakit naman sa braso kapag drums. May isang beses noon na sinama nila ako sa praise and worship. Ako ang nagk-keyboard.

Si Peterson naman ay malapit din sa kanila. Tinuruan din siya katulad ko. Hindi nanaman bago yun kasi kung nasaan ang isa ay nandon ang isa pagdating sa aming dalawa. Mas nahumaling si Peterson sa gitara. Dagdag pogi points daw kasi sa girls ang lalaking marunong maggitara. Ewan ko ba kay Peterson, daming alam.

--

Nagpaalam na ako sa kanila dahil mukhang hinihintay na kami nila mama.

"Bye guys!" nakangiting pagpapaalam ko.

"Bye Penny! Next Sunday ha!" sabi ng leader ng music team na si Kuya Gino, siya kadalasan ang bassist.

Tumango ako sa kanya. Ginulo naman ng drummer na si Ate Sancha ang buhok ko.

"Una na kami pare," sabi ni Peter kay Kuya Gino tsaka ako hinila.

I waved them good bye while we're walking towards my family.

It's already 11:45 am. Kaya pala gutom na ako. Pagkarating namin sa bahay, mabuti nalang at may pagkain na dahil nagluto na si mama bago pa ang church service.

Kumain kami ng sabay-sabay pagkaupo naming lahat sa hapag. I'm drinking my water when papa suddenly asked me.

"Ikaw ba ay may boyfriend na Penelope?'' Nasamid ako bigla. I coughed multiple times habang si Peterson na katabi ko ay hinahagod ang likod ko.

"A-ano ba namang tanong iyan papa. Syempre wala." tanggi ko kaagad nang umayos na ang pakiramdam ko.

"Basta kapag nagka-boyfriend ka, ipakilala mo kaagad. Huwag ng ilihim. Dalhin mo rito sa bahay at mag-iinuman kami, lalaki sa lalaki." sabi sa akin ni papa.

"Dumali ka nanaman sa inom inom na iyan! Kakainom mo nga lang kahapon!" panenermon sa kanya ni mama.

Napailing nalang ako sa kanilang dalawa at iniligpit na ang mga pinagkainan sa mesa.

"Penelope ha." pahabol pa ni papa.

"Opo." sabi ko nalang nang matahimik siya.

Hinugasan ko na ang mga pinggan, pagkatapos ay dumiretso na muna ako sa kwarto ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Peterson na masama ang tingin sa akin. Nakaupo siya sa kama ko habang may hawak siyang cellphone.

"Ano nanaman?" tanong ko sa kanya kahit na may hinala na ako kung ano yung ipinuputok ng butchi nya.

He gestured me to come closer, still glaring at me. Pinigilan kong ngumisi.

Nang nasa harap niya na ako ay itinapat niya sa mukha ko ang cellphone niya. Medyo nilayo ko pa ang mukha ko para makita ko ng maigi.

Sabi na e. Ayun yung nai-add ko sa facebook story ko na picture niyang nakanganga siya habang natutulog.

Hindi ko na napigilan ang pagtawa. Nakabusangot ngayon ang mukha niya.

"Penny naman e!" pumadyak padyak pa siya. Parang siyang batang nagt-tantrums.

"Bakit? Cute naman ah!" natatawang sabi ko.

"Cute ako, oo, ay hindi gwapo pala. Aish kung magp-picture ka dapat yung maganda naman ang anggulo. Hindi ka pwedeng maging photographer!" reklamo niya sa akin.

My Seven PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon