7th

13 1 0
                                    

Chapter 7: Tension

Tumigil ako sa tapat ng isang room dito sa Music Department.

Music Room #3

Ito na siguro yun!

Dito ako pinapapunta ni Senior. Ito ang room na ibinigay sa banda nila ng Dean ng University. Ito ang magsisilbing practice room nila since suportado ang The Seraphs ng University namin.

Kumatok ako ng tatlong beses tsaka binuksan ang pinto.

Ang bumungad sa akin ay apat na mala-anghel na lalaking may kanya-kanyang hawak na instrumento.

Mukhang hindi pa nila ako napapansin dahil masyado silang focused sa pagp-practice.

I used to wanna be

Living like there's only me

But now I spend my time

Thinking 'bout the way to get you of my mind

His husky baritone voice is so cold that it gave shivers down to my spine. I didn't know he's this good when it comes to singing!

Malamig ang boses niya pero nakakahumaling sa tenga. Ang sarap niyang pakinggan kumanta. Yung tipong tagos sa kaibuturan ang bawat salitang lumalabas sa labi niya.

"Penpen! Dapat sinabihan mo ako na papunta kana para sana nasundo kita."

Natauhan ako nang bigla siyang tumigil sa pagkanta dahil sa pagkausap sa akin. Tumigil rin ang magandang tugtog na naririnig ko kanina mula sa mga instrumentong hawak nila.

"Oh..kaya pala depressed ngayon si Delanxi.'' nakangising tanong ng electric guitarist nila. Nakatutok pa talaga ang bibig niya sa mic stand na nasa harap niya.

Delanxi?

Yung sinasabi ni Camille na chairman ng events committee?

"Not bad.." komento ng may hawak ng acoustic guitar. May katabi rin siyang keyboard. Mukhang salitan niyang tinutugtog ang dalawang instrumentong yun. Tapos may mic stand rin na nakatutok sa kanya.

Andami niyang trabaho ha.

"Ipakilala mo kami Syn!" sabi naman ng nasa drums set na may mic din.

"Oy tumigil kayo ha. Marami na akong karibal dito, huwag na kayong dumagdag!" badtrip na sabi ni Senior sa kanila. Umalis siya sa may harap ng mic stand at lumapit sa akin.

"You should continue practicing. Don't mind me." sabi ko nang mabilis na nakarating si Senior sa harap ko.

Nagsilapitan rin ang mga ka-bandmates niya.

"Hi! I'm Cy-an Dizon, the drummer. Nice to meet you!" pagpapakilala ng mukhang pinakabata sa kanila. Inilahad niya ang kamay niye pero si Senior ang tumanggap.

"Dylan Anderson, the electric guitarist, as you can see." nakapamulsang saad niya. The corner of his lips rose while looking at me from head to foot.

Anderson? Diba Anderson din ang apelyido nung Delanxi?

"Ryx Laxamana. The Seraphs' Leader." sabi naman nung pinakamarami ang trabaho sa kanila.

"I'm Penelope Aragon. Nice meeting you all!" I bowed a little.

"Upo kana muna habang nagp-practice kami." aya sa akin ni Senior. He guided me towards the set of chair not too far from them.

Malawak ang buong music room. Maganda rin ito at elegante. Kumpleto ito sa instruments para sa isang banda. Soundproof din para hindi makaabala sa ibang nasa building kapag nagp-practice sila.

My Seven PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon