Chapter 12: Trapped, again..
I thought I'll have an oh-so-magical night, but after all that has happened, I don't think the term magical night is appropriate at all.
After my childhood friend, Koharu, walked out that night, I tried to follow him. But it was to no avail. Bukod sa madilim doon sa parteng pinuntahan niya, parang ayaw niya lang talagang magpahabol o magpakita manlang sa akin kaya hindi ko siya mahanap.
Tungkol naman kay Lance, hindi ko na alam ang nangyari sa kan'ya, kung nakapunta ba siya ng clinic or what. Now I feel bad for him. I was so eager to help him go there, yet I just left him to go after Haru.
Since that night, I've been having nightmares! My guilt is eating me alive. The weekends have passed already, but I still haven't talked with Koharu since I went home during that time.
Ngayong araw, gagawin ko ang lahat para makapag-usap kaming dalawa. Nasa university na ako kaya siguro naman ay magkikita kami kung hahanapin ko lang siya ng maigi. 'Pag nagkita kami, hihingi ako ng sorry, gano'n din kay Lance dahil sa pag-iwan ko sa kan'ya noong gabing yun.
"Ayos lang ba talaga 'yang babaeng 'yan?"
"I don't know, why are you asking me? Ask her instead!"
"Malamang ikaw ang tatanungin ko, sa tingin mo ba makakausap ko ng matino 'yan sa lagay niyang 'yan?"
Natauhan ako nang marinig ko pareho sina Camille at Kelly na parang nagtatalo nanaman.
"Ha?" lutang na tanong ko sa kanilang dalawa. Hindi ko kasi narinig masyado yung sinasabi nila kanina dahil sa mga iniisip ko.
"Hatdog! Ano ba kasing nangyari nung masquerade ball ha? Feeling ko yun yung dahilan kaya ka nagkakaganiyan e. Lasing na lasing ako no'n kaya wala akong kaalam-alam," sabi ni Kelly.
"Inom pa more!" banat bigla ni Camille.
"Landi pa more, kaya wala ring alam sa nangyari!"
"Argh, stop na nga. Mas pinasasakit niyo ang ulo ko!" reklamo ko sa kanila.
Vacant namin pare-pareho kaya nakatambay lang kami rito sa cafeteria. Mamaya pang alas dos yung klase namin kay Prof. Quizon, yun yung subject na may group presentation kami. Muntik ko pang makalimutan, ako pa naman ang ginawang leader do'n.
"Ano? Are you okay lang ba talaga ha? I noticed kanina pa na you're always tulala sa klase," concerned na tanong ni Camille.
Sasagot na sana ako nang mamataan ko si Koharu kasama yung dalawang ka-team niya na na-meet ko noong Foundation day.
Mabilis akong tumayo mula sa kinauupuan ko na nagpagitla sa dalawang kaibigan ko.
"Oy saan ka pupunta?" pagtawag sa akin ni Kelly habang naglalakad ako papunta sa direksyon ni Haru.
Ilang sandali lang ay napansin na ako ng malamig na mga mata ni Haru, pero hindi rin nagtagal ang tingin niya sa akin. Tumawa siya bigla nang may sinabing kung ano yung kausap niya.
"Haru.." tawag ko sa kaniya, pagkalapit na pagkalapit ko.
Parang wala siyang narinig dahil may kinakausap pa siya. Naghintay ako ng ilang sandali hanggang sa yung mga kausap niya mismo yung tumigil sa pagsasalita dahil napansin nila ang presensya ko.
"Uh..Haru," awkward na tawag ko sa kaniya dahil napansin kong parehas nang nakatingin yung mga kasama ni Haru sa akin.
"Oh Penelope, bakit?" nakangiting tanong niya, pero kung titingnan mo yung mga mata niya ay manginginig ka nalang sa lamig.
"P-pwede ba kitang makausap?"
"Nag-uusap na tayo, Penelope." sabi niya.
Napansin kong kanina niya pa ako tinatawag sa tunay na pangalan ko. Hindi niya ako tinatawag sa nickname ko na siya ang nagpasimuno.Penny.. Hindi niya ako tinatawag sa nickname na yun, nakakapanibago.
I bit my lower lip. Naiiyak na.
"Yung tayong dalawa lang sana.."
"Importante ba 'yan? May training ako.."
"Ha? May training pala tayo ngayon?" Napatingin ako dun sa kasama niyang kalbo na biglang nagsalita.
Siniko siya bigla nung isa pang kasama ni Haru.
Awkward siyang tumingin sa akin. "A-ah oo, meron pala kaming training, muntik ko ng makalimutan," napapakamot sa ulo na sabi nung kalbo na nagsalita kanina.
"S-sige..next time," nakatungong sabi ko.
Nararamdaman ko kasing ayaw niya talaga akong makasama. Siguro sa susunod nalang, kapag ayos na sa kaniya.
"Sige na nga, basta sandali lang. Sige mga tol, alis muna ako," pagpapaalam niya sa dalawang lalaki na kasama niya. Sabay pang nagthumbs up ang mga ito.
Naunang maglakad palabas ng cafeteria si Haru, sumunod naman ako sa kaniya. Tumigil siya sa ilalim ng malaking puno, naupo siya sa bench.
"Uhmm.."
Gusto kong batukan ang sarili ko, kung kelan naman pumayag na si Haru na makipag-usap ay tsaka naman biglang na-blangko ang isip ko.
"Maupo ka muna,"
Sinunod ko ang sinabi niya habang nangangapa parin ng mga tamang salita na sasabihin ko. Sh*t naman. Kailangan kong bilisan, may training pa siya.
Sh*t, sh*t, sh*t! Pa'no ba ito?
![](https://img.wattpad.com/cover/241983493-288-k797340.jpg)
BINABASA MO ANG
My Seven Princes
RomanceMy Seven Princes Alarie Series #1 Status: Ongoing Genre: Reverse-harem, romance Penelope Aragon wished for a prince charming ever since she was a little girl but she never thought that God will be this generous for granting her wish seven times.