Chapter 5: Childhood friend
I glanced at my wristwatch and saw that it's already past 12:00 pm when I got here. I'm already infront of my hometown. I smiled as I open the gates.
Napansin kaagad ako ni mama na nagwawalis sa bakuran.
"Anak. Hindi ka manlang nagsabi na pauwi kana," tumigil siya sa pagwawalis at lumapit sa akin.
Lumapit ako sa kanya at nagmano.
"Uh..surprise?" I smiled widely while making a surprise gesture.
"Susmaryosep. Mauna kana roon sa loob at tatapusin ko pa ito. Kumain kana ba?"
Umiling ako.
"Gutom na ako," reklamo ko sa kanya.
Na-miss ko na ang luto ni mama.
"Kumain kana. May pagkain sa mesa," sabi niya at ipinagpatuloy na ang pagwawalis.
Pumasok ako sa loob at nakitang may pagkain nga na nakatakip sa mesa. Inilibot ko ang paningin ko sa buong bahay.
Hindi ito gaanong kalakihan pero hindi rin naman maliit. Dalawa ang palapag ito. Bale tama lang ang espasyo ng bahay para sa amin.
Hindi ko makita si papa at si Peterson, ang kakambal ko. Mas nauna akong lumabas sa kanya ng isang minuto kaya ako ang ate niya.
"Ma! Asan si papa at si Peter?" malakas na tanong ko tsaka umupo sa hapag. Inilapag ko ang bag ko sa katabing upuan.
Nang buksan ko ang takip ay adobo at sinigang ang bumungad sa akin.
Nice. Favorite ko to!
"Nakikipag-inuman ang ama mo. Birthday daw ng kumpare niya kaya pinayagan ko na. Si Peter, nakikipagbarkada nanaman panigurado. Hay naku, mga lalaki talaga!" pagbubunganga ni mama.
Napakunot ang noo ko. Kung nandito si mama at parehas wala ang dalawa. Sinong nagbabantay sa café?
"Edi sinong bantay sa coffee shop ngayon ma?" malakas na tanong ko ulit para marinig ako ni mama.
"Sinarado ko na muna! Mamayang hapon nalang ulit ako magbubukas," malakas na sagot niya.
Ahh..siguro tutulong narin ako mamaya. Mayroon kasi kaming pagmamay-aring coffee shop 'di kalayuan mula rito sa bahay. Ang pamilya mismo namin ang nagmamanage.
Peterpen Café ang pangalan. Pinaghalong pangalan namin ni Peter. Ang corny nga e, pero pinabayaan ko nalang kung anong trip nila mama.
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na muna ako sa kwarto ko at nagpahinga dahil napagod ako sa byahe hanggang sa makatulog ako.
--
'An enemy has been slain.''Double kill!'
'You have been slain.'
"Aishhh!!!"
Nagising ako dahil sa ingay. Nang imulat ko ang mga mata ko ay ang naiinis na mukha ni Peter ang bumungad sa akin ko. May hawak-hawak siyang cellphone habang nakaupo katabi ko sa dito sa kama.
Hinampas ko siya ng unan na yakap ko na tumama sa mukha niya.
"Ano ba?" reklamo niya.
Hinampas ko ulit siya ng unan. "Anong ano ba ha? Ang ingay mo! Kitang natutulog e!"
"Penelope tumigil kana ha. Buhay na ako oh, baka mamatay ako ulit!" sabi niya tsaka ipinagpatuloy ang paglalaro.
"Oy Peterson! Wala kang galang ha!" sinamaan ko siya ng tingin tsaka hinampas ulit ng unan. Mas matanda ako sa kanya ng isang minuto 'no!
BINABASA MO ANG
My Seven Princes
RomanceMy Seven Princes Alarie Series #1 Status: Ongoing Genre: Reverse-harem, romance Penelope Aragon wished for a prince charming ever since she was a little girl but she never thought that God will be this generous for granting her wish seven times.