8th

17 1 0
                                    

Chapter 8: Fake

Nakita ko si Kelly na papalapit, hindi maipinta ang mukha niya. Mukhang katatapos lang nila mag-usap ni Ryx.

"You okay?" tanong ko sa kanya nang makalapit na siya sa akin.

Tumango siya tsaka pekeng ngumiti. I frowned at her pero hinayaan ko nalang. Mukhang ayaw niya munang pag-usapan. Kusa naman yang magkukwento kapag handa na siya.

"Ms. Aragon." pinigilan kong umirap nang marinig ko nanaman ang boses ng aming mahal na pangulo.

Pustahan mang-uutos nanaman yan..

"Bakit Ian?" binigyan ko siya ng pilit na ngiti nang bumaling ako sa kanya.

"Eto ang listahan ng mga ikakasal bukas. Kindly contact them and confirm kung tutuloy sila. Bayad na silang lahat pero kapag may umurong sabihin mo no refund." utos niya sa akin. Hawak-hawak niya ang papel na naglalaman ng listahan.

"No refund? Magkano ba ang bayad?" tanong ni Kelly na nakikinig.

"100,000 lang."

Napangiwi ako dahil nila-lang niya lang ang 100,000.

"Bakit pala ako? Nasan si Juri?" tanong ko na ang tinutukoy ay ang secretary namin.

"She's not feeling well. She's currently resting on her dorm room." sagot niya.

I nodded and took the list from him. My eyes did a quick scan on it. Sampu ang ikakasal bukas.

My eyes widened when I saw a very familiar name.

Delanxi Anderson and Syntax Olivares.

I am shocked. I don't know what to say.

I regained my composure. Hindi naman ito totoong kasal.

Pati normal lang naman siguro to. Kung ako ay pwedeng magkaroon ng maraming manliligaw, siyempre pwede ring manligaw ng iba pang babae ang mga lalaki para fair.

"Oh..ikakasal na pala si Syn bukas! Sigaw ba tayo ng 'itigil ang kasal!' huh?" nakangising tanong sa akin ni Kelly nang makita ang nakasulat sa listahang hawak ko.

"Baliw. Okay lang naman sa akin. Hindi naman kami ni Senior." sabi ko sa kanya.

Masyadong maingay dito kaya lumapit ako sa linya ng mga bench 'di kalayuan. Mas peaceful dito at nasa ilalim pa ng puno kaya komportable ako.

I dialed the first pair on the list.

[Yes hello?] babae ang sumagot.

"Hi I just wanna confirm kung tutuloy kayo sa kasal niyo bukas sa marriage booth ng department namin." pagkausap ko sa kanya.

[Ah yes, yes. Of course we will.]

"Okay then. Thanks."

Ganon din ang ginawa ko sa iba pa.

Nasa pangwalo na ako. I dialed the number. Nakatatlong beses na ako sa pagtawag pero hindi parin sinasagot.

Sa pang-apat na beses ay may sumagot na sa wakas.

[Y-yes?] her voice sounds weird..

Nagkibit balikat nalang ako at kinausap siya. "Hi I just wanna confirm kung tutuloy kayo bukas sa marriage booth namin."

[Ah ah..ah] nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kung bakit ganon ang boses niya.

"H-hello?" tanong ko sa atensyon niya dahil ibang response ang ibinigay niya sa sinabi ko.

[Y-yes..ahh..y-yes yes! T-tutuloy..kami--] dali-dali ko ng binaba ang telepono nang makuha ko na ang gusto kong marinig mula sa kanya.

Jusko. Nauna pa yata ang honeymoon.

My Seven PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon