BIGLA na lang napatayo sa kinauupuan niya si Bridget nang marinig niya ang pangalan ni Kai. Wala na siyang pakialam kesahodang masama na naman ang tingin ng editor na may hawak sa kanya. Ang mahalaga kay Bridget ngayon ay ang makita man lang kahit saglit si Kai bago man lang pumasok ang huli sa conference room.
Kaya nga ang Oblivion Publishing ang pinili niyang aplayan para sa OJT niya ay dahil madalas sa magazine na iyon nagpapaunlak ng interview ang mga celebrities. Pero sa iisang tao lang nakatuon ang pansin ni Bridget. At iyon ay si Kai.
Si Kai Benjamin ang isa sa mga hinahabol na pangalan sa mundo ng showbiz. Isa itong modelo-slash-artista-slash-singer-slash-themusicandlyricsbehindhissongs-slash-angmitosngmgakalalakihan. With Kai's chinky smiling eyes, inclined nose, perfect thin smiling lips, perfectly proportioned body and height, hindi na siya magtataka na pagkakaguluhan ito ng 'sang kababihan at 'sang kabadingan.
"I love you, Kai!" Hindi na napigilan pang tili ni Bridget pagdaan ni Kai di kalayuan sa puwesto niya. Lumingon naman si Kai at ngumiting kumaway sa kanya. Pakiramdam niya ay hihimatayin siya anomang oras sa ginawang iyon ni Kai.
Dyoskoh, puwede na akong madeds.
Napakaguwapo naman kasi talaga nito sa suot nitong t-shirt na puti na halos bumakat na sa dibdib nito. Baliw na rin siyang maituturing dahil naiingit siya sa t-shirt at pantalon nito at nanalangin na siya na lang sana iyon. Gusto ring kainggitan ni Bridget ang bull cap at shades na suot nito.
"Ako na lang sana 'yong suot niyang damit, shades at cap."
"Oo nga," sagot naman ni Bridget sa nagsalitang iyon bago niya narealize na hindi siya ang nagsabi niyon at hindi iyon mula sa tinig na nasa isip niya.
Napalingon tuloy siya sa katabi niya. Ang kaibigan at kaklase niyang si Marie iyon na kasabay niyang nag- apply doon, na isa ring adik na adik kay Kai.
"Ayos ka makatingin, ah. Hinay-hinay naman baka maubos mo si Kai," kunway inis na saad ni Bridget kay Marie.
"Ay, bet mo sa 'yo lang, 'te? Hindi ba puwedeng hati tayo?"
"Hatiin mo mukha mo," bahagya naman niyang tulak dito. "Friend, walang friend-friend pagdating kay Kai. Galit-galit tayo pagdating kay Kai, naiintindihan mo?" nanlalaki pa ang mata ni Bridget.
Napangiti na lang si Bridget nang naupo na ang kaibigan niya. Ako na naman ang panalo. "Akala ko hindi ka pa aatras, eh. Gusto mo pa yatang magkalabasan tayo ng nalalaman kay Kai."
"At gusto mo rin yatang magkalabasan tayo ng memo para sa 'yo, Miss Montemayor."
Napapikit at napangiwi na lang na naupo si Bridget. Isinubsob pa niyang lalo ang mukha niya sa binabasa niyang draft ng article na ipapasa niya habang nakikinig siya sa sermon—na naman—ng head nila.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na pigil-pigilan n'yo ang paghahabol sa mga idols n'yo na dumadating dito sa opisina." Patuloy ng ginang sa kanila. "Andito kayo para pag-aralan ang dapat pag-aralan. Wala kayo dito para maghabol at mag-fangirling, o baka naman 'yon talaga ang ipinunta ninyo rito?"
May tama ka dyan, ma'am. Isa 'yan sa dahilan. Sagot ni Bridget sa ginang sa isip niya. Pero wala siyang balak na isagot iyon dahil sigurado siyang malilintikan siya.
"Ma'am, baka naman puwede nang palampasin ang pagkakataong 'to."
Mabilis na napaangat nang tingin si Bridget at nilingon ang pinanggalingan ng tinig na iyon. It wasn't the first time that she heard that voice and it wasn't the first time that that voice helped her. At tama nga siya dahil nalingunan niya si Ricahrd na nakasandal sa lamesa ng editor niya.
Guwapo din naman ito, kung tutuusin ay papantay ito sa kaguwapuhan ni Kai. Ang medyo singkit na mga mata nito ay tila mata ng mga smiley, nakabaligtad na 'u'. Matangos din ang ilong nito. At ang manipis na labi nito na kailanman ay hindi niya nakitaang hindi nakangiti. Kitang kita tuloy ang laughlines sa gilid ng labi at mata nito.
Ang guwapo. Ang puti pa.
Mukha nga lang metro sexual dahil ang linis masyado.
Clean cut kasi ang buhok nito at dahil sa kaputian nito, sobrang linis nitong tingnan. Hindi ganoon ang tipo niya. Dahil ang tipo niyang hitsura ay iyong kay Kai. Bahagya na naman tuloy siyang kinilig doon.
"Ayan ka na naman, Richard," irap ng ginang sa binatang naka sandal sa lamesa nito. "Kaya namimihasa ang mga empleyado natin at saka mga OJT's dahil tinotolerate mo."
Isang tawa naman ang pinakawalan ni Richard at tila nahihiyang napakamot sa pisngi. "Hindi naman sa tinotolerate ko. Kaya lang, ma'am, hindi mo naman talaga maiiwasang mapatili pag nakita mo ang idol mo, 'di ba? 'di ba, boys?" Lingon nito sa paligid na sinang-ayunan naman ng sabay-sabay na sigawan ng mga kalalakihan.
"See, ma'am," balik tingin ni Richard sa ginang. "hindi 'yan maiiwasan. At saka umamin na din kayo, tuwing nagdadaan si Edu Manzano, nagpipigil din kayong tumayo at tumili. Kaya ngayon, huwag na ninyong pigilan ang sarili n'yo. Nakakadagdag 'yan sa interes para maisulat mo nang maganda ang article mo, hindi lang tungkol sa idol mo kundi sa lahat ng idols.
"Let's face it, we have all our own favorite idols," lingon na ni Richard sa lahat ng tao bago iyon natuon kay Bridget. "now, tell me, pagkakita mo kay Kai kanina, hindi ba't lalo kang ginanahan na ipagpatuloy ang trabaho mo? It's like taking an aphrodisiac, right?"
Napangiti at napatango na lang si Bridget bilang pag-sangayon sa sinabi ni Richard. Dahil tama ito. Dahil lagi namang tama ito.
"Kaya balik na tayo sa trabaho natin at huwag na ninyong pigilan ang pagtili ninyo paglabas uli ni Kai," kindat pa ni Richard sa kanya bago ito naglakad pabalik sa loob ng opisina ng kuya nito na tumatayong editor-in-chief ng magazine na hawak nila.
"Hoy, natulala ka na naman kay boss Richard," siko sa kanya ni Marie. "ipagpapalit mo na ba si Kai kay Boss?"
Tila naman doon nagising si Bridget mula sa pagkakatitig sa likod ni Richard na kita mula sa salamin na pader ng opisina at nilingon si Marie. "Asa ka pa. Never mong masosolo si Kai. Dahil para sa akin lang si Kai. Me, myself and I, intiendes?"
Isang irap na lang ang isinagot ng kaibigan niya sa kanya dahil alam nitong hindi siya papatalo rito. At hindi naman talaga siya papatalo, alam kasi niyang siya talaga ang para kay Kai.
I'm his destiny, his fate, his future wife. The future Mrs. Benjamin. Kaya just wait and weep, every one.
BINABASA MO ANG
[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect Love
Romance"Sana marami akong alam tungkol sa 'yo. Sana napansin ko kaagad na mahal mo ako. Para nalaman ko rin kaagad na mahal din kita." Isa sa pinakasikat na celebrity si Kai at lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Hindi nakaligtas doon si Bridget...