LUMIPAS ang ilang oras pero ni anino ni Richard ay hindi nakita ni Bridget. At sa loob ng ilang oras na iyon, hindi pa siya natatapos ayusan. It was an overhaul makeover. Ginabi na siya noon kaya ngayong pumasok siya ng sumunod na araw na ganoon uli ang ayos, pakiramdam niya ay ibang tao siya. Hindi na siya nagtaka nang manibago ang mga tao sa kanya.
'Miss Tapia 2014'. Iyan ang tawag sa kanya ng mga tao pagdating niya sa opisina. Kahit si Annie ay napatulala na sa kanya na sinagot naman niya ng isang malapad na ngiti. She was wearing well tailored business attire. Tailored suit, A-skirt, black stocking and three-inch red stiletto, tulad nang sinabi ni Richard. Pero dagli ring nawala ang ngiting kyon sa sunod na sinabi ni Annie.
"Kaya lang hindi bagay sa 'yo," napalabi pang saad ni Annie.
Ganoon din naman ang naging paghaba ng nguso ni Bridget. "Ang sweet mo talaga. Bakit may 'kaya lang hindi bagay sa 'yo'. Hindi ba puwedeng bagay na lang sa akin?"
Napatawa naman roon si Annie. "Ang ibig ko kasing sabihin, maganda naman talaga ang damit. Nadadala mo naman kaya nga lang, hindi kasi s'ya bagay sa personality mo." Napailing pa ito. "Ang kulit-kulit mo at ang gaslaw mo pero naka business suit ka. Malulukot lang sa 'yo 'yan. Masyadong stiff para sa personality mo. Ginagaya mo ba si sir?"
Napatingin naman siya sa sarili niya bago muling napatingin kay Annie. "Ito kasi ang gusto ni sir. Kailangan presentable daw ako sa harap ng kliyente. Since ako ang lagi n'yang karay, I have to change how I wear myself."
Napatango-tango naman roon si Annie. "So, ibig sabihin, kapag kasama mo s'ya hindi ka puwedeng ngumiti, tumawa. Kailangan mong maging cold at mono-toned. Kumbaga Miss Tapia 2014. Papayag ka ng gan'on?"
Marahan naman siyang napatango roon. Kung iyon ang gusto ni Richard, gagawin niya. Hindi man sabihin nito pero sa sinabi nito kahapon, parang ganoon na rin iyon. Ang tanging motivation na lang niya na gawin iyon ay mabago ang tingin ng binata sa kanya at maipakita rito na gagawin niya ang lahat mahalin lang siya uli nito.
"Pero kahit na magmukha kang Miss Tapia 2014, mukhang ayos lang naman sa 'yo, eh. Kaya ano pang hinihintay mo, pumasok ka na sa loob at ipakita sa amo mo ang hitsura mo. Baka mamaya bumuga na naman 'yon ng apoy dahil late ka ng ilang minuto," saad ni Annie bago nahulog sa pag-iisip. "come to think of it, sa 'yo lang s'ya ganyan. True kulurs ba 'yan?" sabay ngiti ni Annie.
Napailing na lang siya sa sinabing iyon ni Annie bago pumasok sa loob ng opisina ni Richard. Fixated na ang pagkakasimangot ng labi ni Bridget pagpasok niya sa opisina ni Richard. Diretsong-diretso ang leeg at parang nilagyan ng stick ang likod.
"Sir," tawag niya sa pansin ni Richard na nakasubsob din sa ginagawa nito.
Para namang gusto niyang palakpakan ang sarili niya dahil napatigil sa ginagawa si Richard. She can feel his eyes looking at her from head to toe. At kung tama siya, admirasyon ang nakikita niya sa ginawa nitong pagmasid sa kanya.
Lalo pang kinabahan si Bridget nang tumayo si Richard at lumapit sa kanya. Richard stopped in front of her bago iminuwestra nitong umikot siya. She was confident, she turned around. Maganda kasi ang pagkakahapit ng A-skirt sa balakang at mga hita niya. Lalo pang nakita ang mga iyon dahil sa heels na suot niya. Maganda rin ang pagkakahakab ng coat sa katawan niya at kahit tanggalin iyon, bumagay din sa kanya ang long sleeved na suot niya bilang panloob.
Hindi tuloy napigilan ni Bridget ang mapangiti nang humarap na siyang muli kay Richard. "Maganda ba?" Hindi rin niya napigilang tanong. "Ang galing kasi ng stylist mo. Bagay sa akin lahat—"
"Umupo ka."
"Ha?" nagulat niyang tanong nang putulin nito ang sinabi niya. Sinunod na lang niya ang gusto nito nang malamig siyang tiningnan nito. Nasundan na lang niya ito nang tingin ng bumalik ito sa mesa nito at may kung anong kinuha bago siya binalikan.
Napasinghap na lang siya nang hawakan nito ang buhok niya at sinimulang tipunin iyon. Hindi na lang siya nakaimik nang itali ni Richard iyon at tahimik na lang napangiti. Muli na naman kasi siyang bumalik sa nakaraan.
Naalala kasi niya noong gumagawa siya ng thesis niya, kapag nakasabog na ang buhok niya sa ginagawa niya, ito na mismo ang umaayos ng buhok niya and will lovingly kiss her neck afterwards. Hanggang sa mauuwi iyon sa isang kulitan, lambingan to so much more. And he would end up helping her in her thesis dahil sa pang-iistorbo nito.
Napahagod na lang siya sa batok niya dahil pakiramdam niya ay nag-init bigla ang pakiramdam niya bago bahagyang sinulyapan si Richard. Gusto kasi niyang makita kung naalala din niya iyon. Bahagya na lang siyang napaatras nang sa paglingon niya ay muntik ng magdikit ang labi nila. Nakalapit na pala kasi ang mukha nito sa kanya.
Hahalikan kaya niya uli ang leeg ko? Ibig sabihin naalala din niya 'yon? Magdiwang ka!
"Next time, 'wag mong ilulugay ang buhok mo." Malamig na bulong ni Richard sa tenga niya. "Ayokong makaistorbo ang buhok mo sa pagtratrabaho mo." Iyon lang at bumalik na ito sa mesa nito. "You're dismissed, Miss Monetmayor. Tatawagin na lang kita if I need anything. Pakiayos na lang ang schedule ko."
And with just that, Richard burst her bubble. Mabilis na lang siyang tumayo at nagmamadali na lang lumabas ng opisina nito. Forcing herself not to cry. Forcing herself to be strong. Bakit ba kasi siya umasa na naalala ni Richard ang nakaraan?
Hindi naman masama, 'di ba? I'll just have to endure the pain.
Pilit na lang siyang ngumiti kay Annie paglabas niya at naupo na siya sa lamesang katabi nito at hindi na nagsalita pa. Simula pa lang iyon. Madami pa siyang pagdadaanan bago siya mapatawad ni Richard kaya hindi siya dapat mawalan ng pag-asa.
Hinamig na lang niya ang sarili niya at sinimulan na ang trabaho niya.
BINABASA MO ANG
[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect Love
Romance"Sana marami akong alam tungkol sa 'yo. Sana napansin ko kaagad na mahal mo ako. Para nalaman ko rin kaagad na mahal din kita." Isa sa pinakasikat na celebrity si Kai at lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Hindi nakaligtas doon si Bridget...