ISA PA muling tili ang umalpas sa labi ni Bridget kaya naman napatingin si Richard dito at ang ilan pang mga kasama nila.
"Ang gwapo talaga ni Kai, 'no?" lingon pa ni Bridget kay Richard.
Tahimik lang naman na ngumiti si Richard doon at hinayaan na lang ang nobyang manood ng show kung saan guest performer si Kai. Oo—nobya na niya si Bridget. Sinagot din kasi siya kaagad nito noong araw na paalis na ito sa Oblivion.
At simula din ng araw na iyon nagkaroon na ito ng 'daily dose of Kai' mula sa kanya. Mula kasi sa porma at ugali ni Kai ay kuhang kuha na niya tulad ng nais ni Bridget.
Tulad na lang ngayon. Richard didn't usually wore skinny jeans for men or even wearing polo over his shirt but he did. Dahil kapag nagcasual jacket siya o nakapolo siya over his coat, nagagalit si Bridget sa kanya. So he always reverted back in being Kai.
Matinis naman tumili at pumalakpak si Bridget matapos ang performance ni Kai at sa tuwing ginagawa nito iyon, napapagtanto niya kung bakit siya pumapayag na maging si Kai para sa nobya.
Her smile was priceless.
Lumingon naman si Bridget sa kanya at yumakap at humalik sa kanya.
And that's more priceless. Pigil ang ngiting dugtong niya sa isip.
"Ang galing talaga niya, 'no?" ngiting-ngiti pa ring kunyapit ni Bridget sa leeg ni Richard. "Sad lang kasi you can't sing like him."
"Aapila ako d'yan." Mabilis salungat ni Richard at ipunulupot na rin ang braso sa bewang nito. "You know I can sing."
"You're a crooner. Kai's a rock star."
Natahimik naman siya doon. Isa kasi iyon sa mga kinaayawan niyang bagay kay Bridget. Lagi kasi siyang ikinukumpara nito kay Kai lalo na doon sa mga bagay na hindi niya kayang gayahin si Kai. At ang masakit pa, she always made him feel that Kai is better than him.
Bakit hindi nga ba? Kai is an icon and you are...
Wala siyang nasagot doon. After all, he was just the new editor-in-chief of OM. Compared to Kai, he was just an icon...in Oblivion.
Mapait na lang napangiti si Richard doon bago marahang ibinaba na si Bridget. "Hindi na ako aapila d'yan. Matatalo din naman ako."
"Buti alam mo," ismid pa ni Bridget sa kanya. "kasi wala talagang tatalo kay Kai."
"Even me?"
Tumingin naman ang dalaga sa kanya bago ngumiti. "Yes, even you." Kibit-balikat nito bago naagaw na naman ang atensiyon ng papalapit na Kai sa kanila. "Hi, Kai."
"Hi," malamig na bati naman ni Kai kay Bridget bago tumingin kay Richard. "sa bahay n'yo mamaya?"
"Pupunta ka?" bigla ay nag-alangan niyang tanong sa kaibigan. Hindi naman kasi sa ayaw niya dahil matagal naman na nilang ginagawa iyon tuwing kaarawan niya pero ngayong taon...
"Bakit anong mayroon sa bahay ninyo, Chard?"
Mariin na lang niyang naipikit ang mata bago iyon iminulat at diretsong tumingin kay Kai na nagpapalipat-lipat na ang tingin sa kanya at kay Bridget.
Here it goes. "Kai, this is my girlfriend, Bridget." Pakilala ni Richard kay Bridget kay Kai. "Bridget, one of my closest friend, Kai."
Kitang kita niya kung papaanong magningning ang mga mata ni Bridget nang marinig nito ang sinabi niya. At alam niyang, madami na namang magbabago sa nobya niya.
"May girlfriend ka na pala." Tatango-tangong saad ni Kai. "Never thought that..." kibit-balikat na lang ng kaibigan dahil tinaasan na niya ito ng kilay. "Anyway, I'll see you later. Nine. Your house, right?"
"Oo," tahimik na lang na sagot niya sa kaibigan bago nagpaalam dito. Marahan na lang niyang hinawakan ang kamay ni Bridget na natulala na papalayong si kai. "Let's go."
"Teka, anong mayroon sa bahay n'yo ngayon?" tila noon lang natauhan na saad nito. "bakit parang wala naman akong alam."
"Surprise," kindat niya rito.
"Ayaw ko na nang surprise. Nababaliw ako sa mga surprises mo, eh."
Saglit naman niya itong sinulayapan at mapait na lang na napangiti sa pagkakalabi nito. Hindi kasi niya matiis ito. Kaya nga madalas pag pinapagalitan niya ito ay hindi niya ito tinitingnan. "Birthday ko ngayon. Satisfied?"
Napatigil naman ito sanhi para mabitiwan niya ang kamay nito. Shock was written all over her face when he looked back and a pang of hurt rushed thru him.
"Birthday mo ngayon?" marahang tanong ni Bridget kay Richard. "Ang akala ko next next month pa birthday mo?"
Ouch. Tahimik na sagot niya sa tanong ng nobya. "No, Ridge, kay Kai na birthday 'yon."
Napakagat labi naman ang dalaga roon. "Sorry. Hindi mo ba nasabi sa akin ang birthday mo?"
"Nasabi."
"Alam mo ba kung kailan birthday ko?"
Sinagot naman niya ang tanong nito na tila lalong nakapagpabagsak sa balikat nito.
"Sorry," nasambit na lang nito bago marahang lumapit at yumakap sa kanya. "puwede bang sumunod na lang ako. Bibili lang ako ng regalo para sa 'yo."
Napangiti na lang siya roon bago marahang niyakap na rin ito. "Having you there is enough. Kaya tara na. Kailangan mo pa akong tulungang mag-handa."
Para namang biglang nabuhayan ito dahil nakangiti na itong nag-angat ng tingin. "Okay, makabawi man lang. Tapos gusto ko ako mag-aayos sa 'yo. Gusto ko yong parehas na porma ni Kai kanina. At saka totoo bang pupunta doon si Kai?"
Napabuntong hininga na lang siya roon at napatango. At tahimik na humiling na sana ay hindi na lang sinabi ni Kai ang tungkol sa okasyon mamaya. Okay nang masaktan siyang nakalimutan ni Bridget ang kaarawan niya kaysa naman masaktan siya sa buong durasyon ng kaarawan niya dahil si Kai at Kai din lang naman pala ang iintindihin ng nobya niya.
-----
yahooo!
actually today is my anniversary as Bridgette Marie...
today is the day when my 1st book MAHALIN MO AKO, MISS DJ was published under PHR....
but i dont usually celebrate kasi... wala naman ako kasama mag celebrate.. i think no one would remember who I am..lels..
dont have any fandom or fanbase or "babies" to be called...
(ot maybe because masyado akong nega and most of my post are depressing...gomen..)but anyway please do wait for my post later at october 21 12AM for my Anniversary giveaway!
matta ne..
ja!(◍•ᴗ•◍)❤
~BM
BINABASA MO ANG
[On Going] Fangirls: Bridget's Perfect Love
Romance"Sana marami akong alam tungkol sa 'yo. Sana napansin ko kaagad na mahal mo ako. Para nalaman ko rin kaagad na mahal din kita." Isa sa pinakasikat na celebrity si Kai at lahat ng kababaihan ay nahuhumaling sa kanya. Hindi nakaligtas doon si Bridget...